YUKO ang ulo at laglag ang balikat na tinungo ni Albert ang pinto. Nasundan ito ng tingin ni Michelle. Kung aalis si Albert, tiyak, hindi na niya ito makikita kailanman. "A-Albert..." mahinang tawag niya bago ito tuluyang makalabas ng pinto.
Napatigil sa paghakbang ang lalaki, ngunit hindi ito lumingon.
Nakuyom ni Michelle nang mahigpit ang mga palad. Ngunit hindi rin napigilan iyon.
Hinawakan niya sa may balakang ang lalaki upang pigilan ito sa pag-alis. Naramdaman niya ang bahagyang panginginig nito. Gumapang iyon sa kanyang kamay patungo sa buong katawan.
Napapikit siya. Tuluyan na niya itong niyakap sa baywang.
"A-Albert," sambit niya. Nalaglag ang luha sa mga mata. Hinalikan niya ito sa gulugod.
Isinandig ang pisngi sa likod nito. Nabasa ng luha ang T-shirt nito. Pumihit si Albert. Ikinulong siya sa mga bisig nito. "Michelle!" sambit nito sa bahagyang nanginginig na boses. Ibinaon nito ang mukha sa may leeg niya. "Michelle! God, how I miss you!" daing nito. Nag-angat ito ng mukha. Ikinulong sa dalawang palad ang kanyang mga pisngi.
"These past few weeks were pure hell! Michelle! I have to see you again! To touch you again!"
Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa mukha niya at buong alab na inangkin ang kanyang mga labi. It had been ten years since a man made her feel like this. Buong pananabk ding tinugon ni Michelle ang mga labi ng lalaki. After Albert, nakipag-date din siya sa ibang lalaki but her experience had made her cautious. Hindi na uli siya nagkaroon ng seryosong relasyon. Kahit kay Harvey. She treated Harvey more as a friend than a boyfriend.
Nahalikan na rin siya ni Harvey sa mga labi but he never made her feel like this. She never let him get this far. At si Harvey, sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Kaya habang tumatanggi siya, hanggang hindi siya nakukuha nito, tila nagiging obsession siya sa binata.
Malaki ang pagkakaiba ng halik ni Harvey sa halik ni Albert. Harvey never made her feel weak on the knees. Napakapit siya nang hust sa baywang ni Albert; kundi mabubuwal siya. Dahil parang nagsatubig na ang kanyang mga tuhod.
Isang mahinang protesta ang pinakawalan niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Ngunit kailangan na nila parehong sumagap ng hangin.
"Michelle! Michelle!" usal ni Albert, ibinaon nito ang mukha sa basang buhok niya. He began kissing her again. Her jawline. He gently bit her earlobes...his lips were all over her face. Na para bang he couldn't just get enough of her. Bumaba iyon sa may leeg niya. Hinawi ang suot na roba.
Inihantad ang kanyang balikat. He planted tiny kisses on her shoulder, at magaang na kinagat.
He was putting his mark on her but she did not mind it. He wanted him to put his mark on her, forever.
Nang dumako ang kamay nito sa kanyang baywang upang alisin ang pagkakabuhol ng tali sa kanyang roba ay bahagya siyang natauhan.
"Ang pinto!" paalala niya.
Bahagyang nakaawang ang pinto. Mabilis na ini-lock iyon ni Albert, muli siyang niyakap at hinalikan. Muling dumako ang kamay nito sa may sash ng kanyang bathrobe. Walang pagmamadaling kinalag iyon. Nang maalis iyon sa pagkakabuhol, bahagya itong lumayo. Parang nagbubukas ito ng isang espesyal na regalo, dahan-dahang hinawi ang magkabilang side ng kanyang bathrobe.
She was wearing nothing inside her robe. And she felt shy. Awtomatikong napagkurus ang mga braso, ngunit pinigila siya ni Albert.
"Don't be shy, love," sabi nito. "I want to see you. All of you again!"
How could she deny him that? Nalaglag sa may paanan ang kanyang roba.
"Oh, God! You're still as beautiful as I remember!" sambit nito.
BINABASA MO ANG
Isang Gabing Pag-ibig - Maureen Apilado
RomanceIsang gabing pag-ibig. Iyon lang ang pinagsaluhan nina Albert at Michelle. At iyon ay may sampung taon na ang nakararaan. Ngunit ang karanasang iyon ang nagpabago sa buhay ni Michelle. Sinikap niyang kalimutan na lang ang nakaraan. Ngunit hindi siya...