Chapter 9

628 13 0
                                    

"SORRY, hindi ako nakasama kahapon," hiningi-paumanhin ni Harvey nang magkaharap sila sa tanghalian. "Ang gaga naman kasi. Dapat sinabi mo noong nagyayaya ang daddy mo. Nakakahiya tuloy sa kanya. He doesn't have to entertain me."

"No. Ang sabi ni Daddy gusto rin niyang mag-relax. Bakit, hindi ka ba nag-enjoy?"

"Hindi iyon ang punto ko, Harvey," giit niya. Nawala ang mapanuksong ngiti sa mga labi ng binata. "Why? Did my father get heavy on you?" tanong nito.

"Harvey?! Your dad was a perfect gentleman," sabi niya.

Nag-relax ang binata. "He is too old for you, anyway," may kapilyuhan na namang sabi nito.

Napabuntunghininga na lang si Michelle. Iniba na lang niya ang usapan. Hindi na rin ito kinompronta tungkol sa nakita niyang paghahalikan nito at ni Lila kagabi.

Nalaman niya, umalis nang umagang-umaga si Albert. May convention daw ito sa Cebu.

"Hanggang kailan siya roon?" kaswal na tanong niya.

"I don't know. Pero I heard it was a three-day convention ng mga hotel and resort owners."

Hindi niya alam kung ano ang higit na nararamdaman nang mga sandaling iyon, relief or disappointment. Tatlong araw niyang hindi makikita ang lalaki. Mas pinili niya ang una. She could put down her guard for three days and enjoy her vacation.

Muli nilang ginugol ni Harvey ang panahon sa paglalangoy sa dagat. Sa pamamasyal. Nakisali sila sa mga naglalaro ng volleyball sa beach. Ang daming mga activities sa iba't ibang hotel sa isla. Nanood sila ng contest sa paramihan ng naiinom na alak. Ng contest sa paseksihan ng suot na bikini. Nag-enjoy nang husto si Michelle sa loob ng dalawang araw na iyon.

They had an early dinner sa hotel. Noon nabasa ni Michelle ang announcement na nakasulat sa streamer sa may entrance ng hotel.

"Harvey, may opening exhibit pala rito? Saan iyon?"

"Sa may bagong-gawang wing siguro. Gusto mong dumalo?" Alam ni Harvey, mahilig siya sa pagpunta-punta sa mga art exhibits sa mga galleries at museums. Ilang beses na rin nitong nasamahan ang nobya. "Featured ang mga local artists tulad ni Inno Contis."

"Tagarito si Inno Contis?" Naririnig na niya ang pangalan ng pintor. Sinasabing one of the most promising artists sa larangan ng pagpipinta. The next Amorsolo ng Pilipinas.

"Not really. Pero ilang taon na rin siyang nakatira dito sa isla. Dito siya nagpipinta," sabi ni Harvey.

"I want to see his works," aniya. "Kailan ba open sa public iyong mga exhibits?"

"Bakit hihintayin mo pa iyon kung pupuwede mo namang makita iyon ngayong gabi?" Tinawag nito ang waiter. Ibinigay ang credit card nito at nag-iwan ng tip sa mesa. Tumayo na ito. "Come on, maaga pa naman. Magbihis ka't pupunta tayo sa exhibit."

"We were not invited," protesta niya, ngunit napasunod na rin siya sa binata patungo sa kinapapradahan ng motorsiklo nito. Umangkas siya.

"Problema ba iyon? Di mag-gate-crash tayo," anang binata. Wala pang limang minute, nasa bahay na sila.

"Ano?" tutol niya.

"Sa tatay ko itong hotel, remember? And he backed up the gallery. Tiyak, hindi tayo haharaangan ng guwardiya kapag pumasok tayo. Pagkakataon mo nang makilala nang personal si Inno Contis ngayong gabi. Who knows? We might be able to buy one of his paintings."

Natawa siya. "I can't afford it."

"Ireregalo ko sa iyo," sabi ng binata.

"You know hindi ako tumatanggap ng mamahaling mga regalo," sabi niya.

Isang Gabing Pag-ibig - Maureen ApiladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon