Napabuntunghininga si Michelle. Tumayo na siya at tinalunton ang daan pabalik sa bahay ng mga Almonte. Malayu-layo rin pala ang nalakad niya.
Siguro, kung hindi niya tinanggap ang alok nitong magkape nang gabing iyon... but she wasn't really straight that night. Dala marahil ng maraming sake na bainom niya. Ayaw pa niyang umuwi. Ayaw pa niyang matapos ang gabi. Ayaw paniyang magkahiwalay sila ni Albert. She had never met someone like him before...
Magkaakbay na lumabas sila ng restaurant. Nag-abang ng taxi. She was feeling reckless that night. Adventurous. Alas-onse na ng gabi. Sakay na sila ng elevator paakyat sa kuwarto ng lalaki sa hotel. Kinakabahan siya habang binubuksan ni Albert ang pinto ng kuwarto nito. Kung magbago ang isip niya nang gabing iyon at igiit na sa baba na lang sila magkape, tiyak na hindi naman siya pipigilan ni Albert. Pero hindi niya ginawa iyon.
Kusa sumama hanggang sa loob ng kuwarto. Tumawag si Albert sa room service. Nag-order ng kape.
"Maupo ka," sabi ni Albert, itinuro ang sofa.
Pinili niyang maupo sa armchair.
Dumating ang kanilang kape. "Bakit hindi ka magtimpla ng kape?" sabi ni Albert na naupo sa sofa.
Nagsalin siya ng kape sa dalawang tasa. "Ano'ng gusto mo? With cream?" tanong niya.
"Guess," nakangiting sabi nito. Nakatitig sa kanya.
"Black?" aniya.
"Do you think I'm drunk?" tanong nito na nakatitig sa mga mata niya.
Naramdaman niya ang paggapang ng init mula sa leeg paakyat sa mukha. "No," aniya. Umiinom ito kanina ng champagne at scotch sa party at sake sa restaurant pero tingin niya, hindi naman ito lasing.
Tumango ito. "You're right, I'm not too drunk para hindi ko malaman ang ginagawa ko. You've never done this before, have you?"
Hindi siya makasagot. Hindi pa nga siya nagkakaroon ng boyfriend kahit minsan. "H-hindi na importante iyon..." aniya.
Napailing si Albert. "You better drink your coffee at ihahatid na kita."
She didn't know how to guard her expression.
Gumuhit ang disappointment sa mukha niya.
Hinawakan ni Albert ang kamay niya. Ikinulong sa mga palad. "I should not have brought you here, it's not a good idea..." anito.
"I see..." Napabuntnghininga siya. Tinangka niyang bawiin ang kamay, ngunit ayaw bitiwan ng lalaki.
"No, you don't see it at all. Iyon ang problema," sabi nito.
"Pero..."
"Shh..." parang labag sa loob na sabi nito, ibinukas ang kanyang palad at hinalikan iyon sa pinakagitna.
Ang pagdantay ng labi nito sa kanyang balat ay tila apoy na kumalat sa buong katawan niya. Noon lang niya naranasan iyon. Bahagyang nangatal ang kalamnan niya.
Siguro'y naramdaman iyon ni Albert. Binitiwan nito ang kanyang kamay. Ininom nang minsanan ang kape nito at tumayo. "Tapos ka na ba?" tanong nito.
"Hindi pa," aniya.
Biglang naupo ito sa tabi niya. Hindi niya tiyak kung dahil iyon sa galit sa kanya o nawalan lang ito ng balance.
"Gabi na," sabi nito.
Mabilis niyang ininom ang kanyang kape, pagkuwa'y tumayo na rin siya. "Tapos na ako," aniya.
Ngunit ito naman ang hindi kumilos. Pasandal itong nakapikit habang pasabunot na hawak ang buhok.
BINABASA MO ANG
Isang Gabing Pag-ibig - Maureen Apilado
RomanceIsang gabing pag-ibig. Iyon lang ang pinagsaluhan nina Albert at Michelle. At iyon ay may sampung taon na ang nakararaan. Ngunit ang karanasang iyon ang nagpabago sa buhay ni Michelle. Sinikap niyang kalimutan na lang ang nakaraan. Ngunit hindi siya...