Tumayo si Michelle at itinukod ang mga kamay sa pasimanong kinakabitan ng concrete baluster ng terrace. Pinuno ng sariwang hangin ang dibdib. Napakaganda sa terrace kapag ganoong umaga. Nakapaharap ito sa silangan. Nasisikatan ng araw at parang musika ang banayad na paghampas ng tubig sa malalaking batuhan sa ibaba. This was paradise. She could live here forever.
Napabuntunghininga siya. Wishful thinking lang iyon.
"Why the sigh?" sabi ni Harvey na hindi niya namalayan na nakalapit. Pumulupot ang kamay nito sa kanyang baywang. "Good morning –" Anyong hahalikan siya nito sa leeg ngunit mabilis siyang umilag kinalas ang kamay nito sa kanya.
"Hey..." protesta ni Harvey.
Kinuha niya ang kamay nito, inilagay sa tagiliran nito. "Diyan iyan!" sabi niya. Kung noon ay pumapayag siyang yakap-yakapin at halik-halikan siya ni Harvey, ngayon at nalaman niyang anak ito ni Albert, somehow she felt na hindi na iyon tama.
"Ikaw talaga, napakailap mo pa rin," protesta ni Harvey.
Tiningnan niya ito. May usapan sila sa pagsama niya rito. No strings attached.
Itinaas ni Harvey ang kamay. "All right, sorry..." Nagkasya na lang ito sa pag-akbay sa kanya. "Karen will love it here."
Napangiti siya. "Tiyak iyon."
"I did promise her na sa susunod, kasama siya."
Ngunit alam ni Michelle, malabo nang mangyari iyon. Hindi niya kailanman ilalapit si Karen sa hindi nakikilalang ama.
"GOOD morning," bati ni Albert sa dalawa. Dumulog na ito sa breakfast table. Sa tabi ng plato nito ang diyaro.
"Dad, good morning, too," bati ni Harvey sa ama. Sinikap namang ngumiti ni Michelle.
Naupo na rin sila sa harap ng almusal.
"Let's go sailing tomorrow morning. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-sailing just for fun," yaya ni Albert sa kanila habang nag-aalmusal sila.
Anyong tatanggi si Michelle ngunit naunahan siya ni Harvey. "That's great, Dad. Don't worry, sweet. Maganda ang panahon ngayon and Dad is a good sailor, you won't get seasick."
Nakangiting tumingin sa kanya si Albert. "Sanayan lang iyan, Michelle," sabi nito.
"Pero..."
"No buts, sweet," sabi ni Harvey. "Paano mo mae-enjoy ang pagpunta mo rito kung hindi mo man lang naranasang mag-sailing kahit minsan?"
"Takot ka ba sa dagat?" tanong naman ni Citas na noo'y sumalo sa kanila.
"Mahihiluhin ho kasi ako," aniya.
Ngumiti si Citas. "Kung ako nga, dito na rin ako halos lumaki, pero ayokong sumasakay sa maliliit na bangka," anito.
"Paano, takot kang mangitim," nagtatawang sabi naman ni Harvey.
Matalim ang tinging ipinukol dito ng tiyahin.
"Don't worry, Michelle, once you get used to it, I'm sure you're going to enjoy sailing. We can even go scuba diving."
Doon na malakas na umiling ang dalaga.
Pagkakain ay tumayo na si Albert. "May appointment ako nang nine o'clock. Maaga tayo bukas. Before six o'clock," sabi nito bago umalis.
"Six!?"
Natawa si Michelle sa reaction ng binata.
Bihirang bumangon si Harvey nang mas maaga sa alas-otso.
Pagkakain, nagyaya si Harvey na maligo sa dagat. Tinuruan siya nitong lumangoy. Madali naman siyang natuto. Nakakapag-float na siya pero doon siya sa hanggang baywang lang ang lalim.
BINABASA MO ANG
Isang Gabing Pag-ibig - Maureen Apilado
RomanceIsang gabing pag-ibig. Iyon lang ang pinagsaluhan nina Albert at Michelle. At iyon ay may sampung taon na ang nakararaan. Ngunit ang karanasang iyon ang nagpabago sa buhay ni Michelle. Sinikap niyang kalimutan na lang ang nakaraan. Ngunit hindi siya...