૮ ˶ᵔ ᵕ ᵔ˶ ა
puff girls / bois
pearlyyy: asan na kayo?!
brieelle: @yoshi saan ka na? ang pinapabili ko
gabri3l: school na kayo?
pearlyyy: oo teh, palibhasa alam mong sportsfest lang kaya grabe ka magpalate! hoy @mia.sntgo anue na teh?!?!
mia.sntgo: sasabay ako kay gabriel
brieelle: See u
Sportsfest lang namin ngayon kaya pwede kaming magpa-late, hindi ko lang talaga alam bakit atat na atat sila na pumunta ng school.
Wala naman akong i-checheer doon.
I just wore my white t-shirt na may print na fox dahil yun ang uniform ng grade 11 students. Iba iba kasi ang colour bawat grade level, and iba iba rin ang representations no'n. And as for the grade 11, white foxes kami.
I decided to pair it with my flared jeans and white nike shoes.
Kanina pa ako nakabihis, naghihintay lang talaga ako na sunduin ni Gabriel dahil nauna na si Kuya na umalis dahil maaga ang pasok niya I can't commute, hindi sa hindi ako marunong, kundi ay hindi ako papayagan.
Gabriel Theight:
I'm outside
Nang mabasa ko ang text niya ay kinuha ko lang ang black chanel bag ko at nagpaalam sa mga kasambahay namin bago lumabas ng bahay. Nakita ko ang kotse ni Gabriel kaya agad ko itong nilapitan. Pagbukas ko ng pinto, naka-busangot na mukha niya ang nakita ko.
"Bagal mo." Sabi niya. Sumimangot ako at agad na sinuot ang seatbelt.
"Sige mag meditate ka diyan nang mabawasan ang init ng ulo mo." Sabi ko sa kaniya. Hindi naman siya umimik. Bahala siya diyan.
Tinatamad talaga akong bumalik sa school ngayon. Kung hindi lang dahil sa attendance at banta ni Brielle, hinding hindi talaga ako susulpot don. Mas gusto ko pang humiga sa kama at magbasa eh.
After this sportsfest, it will probably be a disaster. I'm sure we'll be swamped with work again to make up for the time spent preparing for this. Especially with midterms next week.
Mahusay, 'enjoy while it last' ang atake.
Pagkadating namin ng school ay nagbihis naman kaagad si Gabriel para sa laro niya. Hindi na kami nakaabot sa opening kaya nandito na kami ngayon sa room.
"Gabriel, diretso kana kaagad sa gym." Pearl ordered while carrying her duffle bag. Pearl is a volleyball player, so she's also in her jersey and full gear today. Habang si Yoshi naman ay player din ng Archery.
Meanwhile, Brielle and I are just there to cheer for them.
"Bri, manunuod ka ng archery mamaya?" I asked her. Nasa room kami ngayon habang tinutulungan ang mga kaklase namin para sa pa banner na gagamitin pang-cheer sa mga kaklase namin na players.
"Yup! Mamayang hapon pa naman ang game nila." Sagot niya.
This sportsfest lasts only three days due to time constraints if it were to be held for a week. That's fine. At least our minds took a break from academics.
Nauhaw ako kaya pumunta muna ako ng canteen. Nakita ko na nag-umpisa na ang laban sa football. It's grade 8 vs. grade 11. How funny na mas lamang pa ng points ang grade 8.
"Chrysolite!" i heard someone called. Nilingon ko 'yon, and it was Cheska. Grade 11- HUMSS. I smiled. "Pwede ba na magpa-pic si Vandrei sa'yo?"
"Sure!"