I unblocked Jacques. Probably my friends and kuya are right, I should listen to him. And as for Pearl? I feel bad for telling her those things, but I chose not to talk to her. Pareho kaming nadala ng emosyon. Ang tanging bagay na naiisip ko ngayon ay kung nagka-ayos paba kami.
I decided to do the first move to Jacques, dahil yun ang pinupush ni Yoshi saakin. I can't ask Brielle because she's not even replying, si Gab naman siguro ay hindi naman maalam sa ganito. Kaya nga nakakagulat na may jowa siya eh.
Chrysolite Amelia:
hi?
Nag-reply naman siya kaagad, and it made me smile.
Jacques:
I'm glad you unblocked me. Thank you!
Napapikit ako sa mga mata ko para mag-isip kung ano ba ang irereply ko.
Chrysolite Amelia:
You should thank Kuya and my friends for persuading me
He didn't reply after that. Naging offline naman siya kaagad.
Eh?
May saltik talaga 'to. Hinayaan ko nalang muna at baka may ginawa lang. I placed my phone in my bedside table before going out para sana kumuha ng makakain. Tinawag ako kanina ni Kuya para mag meryenda pero tumanggi ako dahil tinatamad akong bhmaba. Ngayon naman ay nakaramdam ako ng gutom.
Hindi ko napansin ang oras at madilom na pala.
"Oh akala ko busog?" Bungad ni Daddy. Sumimangot naman ako. "Hahaha, come here, anak. May niluto ang daddy."
It was my fave! Lumapit naman ako kaagad at tinikman ang luto ni Daddy. Bigla namang lumabas si Kuya na halata namang kakaligo lang. "Chrysolite," Tawag niya kaya nilingon ko siya habang may subo pang chocolate mist na cake. "Calm down, dika mauubusan niyan. Makasubo ka naman kala mo wala nang bukas." Natawa naman kaming tatlo.
"wah oh u wan?" I said. Chewing the food.
"Charger, pahiram muna." Pumayag naman ako at sinabing kunin niya lang sa kwarto ko.
Bumalik naman ako sa pag-kain ng cake. Dad was smiling, as if he's proud that he had made me a masterpiece. Ngumiti naman ako pabalik sa kaniya.
"Chrysolite Amelia!" I heard Kuya's voice mula sa sala. Siguro ay nakabalik sya kaagad, or hindi pa talaga sya nakaka-akyat. Probably, the latter. "May multo dito!" I heard someone hissed. Sumilip naman ako kaagad pero kailangan ko pa talagang tumayo mula sa upuan dahil hindi ko makita.
"Sino?" Si daddy.
"Teka po."
Tumayo ako at tinignan kung sino nga yun. There, I saw Jacques talking to Kuya.
"Si Jacques, Dad." I answered before going to the living room at agad namang sumunod si Daddy.
I awkwardly smiled at Jacques, not knowing how to react. Kaya ba hindi na sya nag-reply? Akala ko kasi magiging multo na naman siya.
"Ay, nakauwi na pala kayo?" Dad asked him. Ngumiti naman sa kaniya itong bisita.
"Yes, sir." Magalang na sabi niya.
"Oh sya, maiwan ko na muna kayo ha? Kausapin mo na." Marahan pa akong itinulak ni Daddy.
"Nawa'y magkaayos na kayo. Bye!" Si kuya jeohan na agad namang umalis at umakyat.
We were left facing each other, and I didn’t know what to do or say. He approached me gently and hugged me. “I missed you,” he said as he wrapped his arms around me. I could feel his warmth and the pounding of his heart, as if we were both nervous. “Can we talk outside? By the pool?” Without thinking, I nodded, still in disbelief that he was right in front of me.