Naomi left at hindi na rin ako nagtagal sa labas. Muli akong pumasok ng may lakas ng loob. I saw Cairo walking and when he saw me, agad siyang tumakbo palapit na may pag-aalala sa mukha."Saan ka galing?"
"Namasyal." Simpleng sagot ko.
His jaw moved.
"Alright. Let's eat."
Wala akong gana. 'Yun ang gusto ko isagot pero baka mag-away lang kami. Mamaya na lang ako makikipag-away pag-uwi. Natauhan ako sa sinabi ni Naomi at tama siya, sa sobrang dami kong iniisip ay nilulunod ko na ang sarili ko.
"Okay ka pa ba? Gusto mo ba, umuwi na tayo para makapag pahinga kana?"
"Cairo, hindi pa nga nakakapag simula nang maayos ang party, e. I'm fine. Huwag mo akong alalahanin,"
He nodded but still looked worried.
Tama na Cairo, I'm already tired of playing your game. Tapusin na natin ang laro, ako ang talo.
Tumikhim ako at nag-pokus sa hinahandang pagkain sa amin kasabay ng pormal na pagsisimula ng party. It's the opening of this resort. Si Cairo ang pinagkatiwalaan sa resort na 'to kaya panay ang pasasalamat sa kanya at tinawag pa siya sa stage.
"May we ask what was your inspiration?"
His colleagues laughed as well as the owner of this resort as he asked Cairo. They are making this a joke. I don't get their humor, though.
Everyone was silent. Waiting for his answer when his eyes found mine.
"An inner truth fuels my actions, fortified by the presence of my beloved wife within our adobe."
The audience gave him a silent for he amazes them. Now, the loving and perfect husband award goes to him. Hindi ako naapektuhan dahil alam ko ang katotohanan. He will divorce me soon.
Umikot ang mga mata ko at naabutan ko ang pares ng mata ni Blythe na seryosong nakatingin sa akin. She fakely smiled at me and directed her attention to others. Bumalik si Cairo sa tabi ko at seryoso na muli siya.
Nagtagal ng ilang oras ang party hanggang sa napagod na kami at nag paalam. Nagtataka ako dahil sa buong gabi ay hindi ko nakita si Treyvon. He's an engineer kaya inaasahan ko nandito siya pero wala.
Nasa gilid lang ako habang si Cairo ay nagpapalaam sa lahat. I just smiled at them and God knows how I'm tired smiling at every one of them! Kilala ata ni Cairo lahat ng nasa hall.
"I hope you're happy."
Tumingin ako sa likod ko at nakita si Blythe. She's looking at me painfully.
"Masakit, Shanaia. Akala ko, ibabalik mo rin siya sa akin, but no. Masyado kang nag-eenjoy sa kayang ibigay ni Cairo sa 'yo. Masyado kang nagiging masaya sa mga bagay na akin dapat," madiin ang bawat salita niya.
Yumuko na lang ako at tinanggap 'yon dahil nawawalan ako ng lakas para harapin ang katotohanan na ako ang sumira sa kanila, na tama siya at siya talaga ng dapat na narito.
"Sana inaalagaan mo 'yung bulaklak na binigay ko sa 'yo."
My eyes widened. Sa kanya galing ang lanta na daisies flower? I was about to ask her when I felt Cairo's presence beside me.
YOU ARE READING
Whispers of the lost promises (ON-GOING)
RomanceWe only have one chance in this lifetime to enjoy the kind of life that was given to us. We love, sacrifice, learn, and live in such a way that we can all survive. The difficulties, the suffering, and all of the challenges that were thrown at us...