22

1 0 0
                                    



"Hindi ganyan, Naia!"

Inirapan ko lang si Cairo at nagpatuloy pa rin sa pagpipinta ng girlfriend niya. Alam ko na mali pero kailangan kong gawin dahil hindi naman siya natututo sa art class namin.

"Mas marunong ka pa e lagi ka ngang bagsak!"

He glared at me and I chuckled.

"Papasa rin ako! Magugulat ka pa dahil baka ikaw pa ang una kong ipinta!"

As if.

Hindi ko na siya inintindi at nagpatuloy na lang sa pagpipinta ng mukha ni Blythe. She's too perfect, mahirap ipinta pero kinakaya ko naman dahil sayang ang pera na ibabayad sa akin ni Cai.

"Gandahan mo pa kasi malaki ang tf mo!"

Inirapan ko lang si Cai at sarili ko ang sinunod ko sa pag be-blend ng ibang colors. Kaya ko ba matapos 'to ngayon? Kaya ko ba ipinta ang mukha ni Blythe ng isang araw?

"Kanina ka pa riyan, kumain ka muna."

Cai handed me a tray of food. Nawala na naman ako sa focus pero gutom na rin naman ako kaya tinanggap ko na ang pagkain na binigay niya. Umupo siya sa harapan ko ng nakabusangot.

"Paano kung si Gideon ang nandito?"

"Ikaw ang naka upo sa harapan ko, Cai. Tigilan mo ang pagnanasa sa boyfriend ko."

Binato niya ako ng tinapay kaya sinalo ko 'yon at sinubo. Inirapan niya ako kahit hindi naman siya marunong.

"You guys like to play paints."

I frowned. "E ano naman sa 'yo? Bakit hindi mo ayain si Blythe na kulayan ang pagmumukha mo para hindi ka tunog bitter d'yan!"

Dinapuan niya muli ako ng masamang tingin.

"You don't get my point, Naia! We used to do that! Ngayon, laging si Gideon!"

Agad akong tumawa ng malakas dahil pag mumurokolyo niya. Is he even serious right now?

"Gago ka pala e! Syempre, boyfriend ko 'yon at best friend lang kita!"

"Tang ina, best friend lang pala talaga ako," mahinang bulong niya pero rinig ko.

Hindi ko na inisip ang sinabi niya, ayokong isipin ang mga pwedeng kahulugan ng mga linyang binitawan niya. Tinapos ko ang pagkain habang panay ang reklamo niya. Kailangan ko pang tapusin ang pininpinta ko.

"Wag mo kalimutan na ako ang una mong i di-display sa art gallery mo!" Pagmamalaki niya.

I promised him.

A promise, once spoken, lingers in the fabric of time, a delicate echo that yearns to be cherished and revered.

"Shanaia."

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Shan. She's leaning on me and almost kissing my hand. May dextrose.

Despite the heaviness and pain, I still smiled at my baby sister.

"Tang ina, uunahan mo pa si tanda?!" Inis na aniya.

"Gaga, baka marinig ka..." bulong ko dahil masakit sa lalamunan ang magsalita.

She smiled and hugged me. Nasa hospital ako at si Shan, Jelly at Mama ang nakikita ko.

"It's over fatigue and stress. Humihina ang heartbeat mo dahil sa sobrang stress, Naia. You're too delicate, too sensitive, masyado kang pinupuno ng stress."

Whispers of the lost promises (ON-GOING)Where stories live. Discover now