Chapter 2

562 4 0
                                    

INIS na bumaba ng jeep si Tanya nang masiraan iyon sa alanganing lugar. Kinakalkula pa lamang niya sa isip ang mahabang lalakarin para marating ang Sta. Catalina ay nakaramdam na siya agad ng pagod. Subalit wala na siyang choice kundi ang maglakad.

Ang ginawa niya'y lumihis siya ng daan, patungo iyon sa loob ng kagubatan. Kung hindi siya magsu-­‐‑shortcut ay malamang na abutin na siya ng dilim sa daan.

Ipinagpasalamat na lamang niya at hindi siya nagdala ng maraming damit. Kung nagkataon, hindi pa man siya nangangalahati sa paglalakad ay hilahod na siya sa pagod.

Panatag ang loob niyang nilakbay ang loob ng kagubatan. Kabisado naman niya ang lugar. Malaking bahagi ng kanyang kabataan ang ginugol niya sa naturang lugar.

Makalipas ang halos kalahating oras na paglalakad ay nakaramdam siya ng pangangalay ng mga binti. Ngunit sa halip na magpahinga ay binilisan niya pa lalo ang paglalakad.

Hanggang sa marinig niya ang malakas na agos na nagmumula sa di-­‐‑kalayuang irrigation canal. Iyon ang palatandaan niya na malapit na siyang makarating sa kanilang bahay. Tatawid na lamang siya ng tulay.

"Oh, no!" pabuntong-­‐‑hingang bulalas ni Tanya.

Hindi mahagilap ng kanyang mga mata ang maliit na tulay na nag-­‐‑uugnay sa kabilang pampang ng ilog.

Sa halip ay makitid na tabla ang pumalit doon na nagsisilbing pinakatulay patawid sa kabilang ibayo.

Sinubukan ni Tanya na tumapak doon ngunit muntik na siyang ma-­‐‑off balance nang bahagyang umuga iyon.

"Ngiii!" Kinilabutan siya nang makita ang babagsakan sana niyang ilog.

Mabuti na lang at mabilis niyang naibalanse ang katawan. Saglit siyang hindi kumikilos dahil tinatantiya niya ang bigat ng kanyang katawan at ang bag na dala.

Nagsimulang humakbang nang dahan-­‐‑dahan si Tanya. Nasa kalagitnaan na siya ng tulay nang biglang nagliparan ang mga ibon. Dahil sa matinding gulat, nagkamali siya ng kilos.

At sa isang iglap, nalaglag siya sa ilog na hanggang sa dibdib ang lalim. Kasama niyang bumagsak ang kanyang travelling bag.

"Shit!" bulalas niya.

Mabilis naman siyang lumangoy patungo sa pampang. Hirap siyang iahon ang bag na nabasa. Dahil nabasa bumakat ang katawan niya sa suot na blouse at knee-­‐‑tight fitted jeans.

Inis na napaupo sa malaking bato si Tanya. Useless din ang ginawa niyang pagsu-­‐‑shortcut.

Ayaw niyang magpatuloy sa paglalakad na basa ang kanyang damit kaya mapipilitan siyang hintayin na matuyo iyon sa katawan.

Binuksan niya ang dalang bag. Inilabas niya ang mga damit na nabasa. Pagkatapos ay ipinasya niyang magpalipas muna roon ng ilang minuto.

Nahiga siya sa malaking tipak na bato. Panatag ang loob niyang mahiga roon dahil alam niyang ligtas ang lugar na iyon. Ang alam niya'y hindi NPA infested ang kanilang bayan.

Tahimik na lugar ang kanilang baryo. Tama lang ang sikat ng araw upang matuyo ang kanyang katawan. Kalahating oras lang siguro ang ipaghihintay niya at muli na niyang sisimulan ang paglalakad.

"WISH I was an artist," wika ng lalaking nakasampa sa black stallion. Tila isang tunay na cowboy sa Hollywood film ang hitsura nito.

"That's a scene I'd love to put on a canvas."

Mabilis na napabangon si Tanya sa pamilyar na tinig na narinig. Lalong naragdagan ang shock na nakabalatay sa kanyang mukha nang mabungaran ang nakangiting si Jonathan.

Nakatadhanang Puso - Sheryll BarredoWhere stories live. Discover now