Chapter 9

620 5 0
                                    

"WHAT are you doing here?" Ikinagulat ni Tanya na makitang naghihintay sa labas ng Jetro's Bar si Rina.

"I want to talk to you." Ibinuga nito sa kanyang mukha ang usok ng hinitit na sigarilyo.

"Tungkol saan?"

Hindi ito nag-aksaya ng oras. "Let's get into my car and we'd go to a place where we can talk."

Labag man sa kalooban ni Tanya na sundin ang babae subalit nanaig sa kanya ang kuryusidad. Sumunod siya rito. May kutob siyang importante ang sasabihin sa kanya ni Rina.

Sa Overlooking, sa Antipolo, sila humantong.

"Exhausted na ang katawan ko, Rina, at gusto ko nang magpahinga. Kung anuman ang sasabihin mo'y umpisahan mo na," iritado niyang wika dahil panay lang ang hitit-buga nito sa sigarilyo.

Idinuldol ni Rina sa ashtray ang sigarilyo. "I'm not stupid para hindi mahalata ang kakaibang atensyon na ibinibigay sa iyo ni Jonathan, Tanya," panimula nito.

This is it!

"For the record, sa limang taon na pagkakakilala namin ni Jonathan ay nasanay na ako sa pakikipag-flirt niya sa iba't ibang babae. Pero hanggang doon lang iyon at walang nagtatagal."

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?"

"Dahil hindi ka naiiba sa mga babaeng iyon na gustong masilo si Jonathan. Pero mahusay kang lalaro ng iyong baraha. You're playing hard to get nang sa gayon ay makuha mo ang atensiyon niya."

"Mali ka ng iniisip," aniya sa matigas na tinig.

"Mahusay akong kumilatis ng tao, Tanya. Gustung-gusto ni Jonathan na nahahamon ang kanyang kakayahan. At ikaw naman, sa umpisa lang hindi naniniwala sa mga sinabi ni Jonathan, pero ngayon, unti-unti ka nang nahuhulog sa bitag niya."

"Kung anuman ang namamagitan sa amin ni Jonathan ay wala kang pakialam."

"I'm just being concerned. Ikaw din, hindi ba malaki ang galit ng pamilya mo sa pamilya ni Jonathan? At least, habang maaga, alam mo na kung saan mo ilulugar ang iyong sarili."

Naningkit ang kanyang mga mata.

"Hindi tanga si Jonathan para totohanin niya ang iniaalok niyang kasal sa iyo. Gusto lang niyang maangkin ang lupain ninyo. Dahil iyon na lamang ang nakakasagabal para matuloy ang kanilang big project."

"Kung tapos ka na'y aalis na ako."

"Not yet, Tanya. Tandaan mo, Jonathan is mine. Alam ko iyon at mas lalong alam niya iyon. Kung wala kaming relasyon, well, hindi ako magpapakatangang maging sekretarya niya lang. I have money na tulad niya."

Tila piniga ang puso niya sa mga narinig.

"Oh, by the way, kami ang nagpaplanong magpakasal."

Pinilit niyang maging kalmante ang anyo sa kabila ng pagdurugo ng puso.

"Siguro naman, alam mong sa umpisa pa lang ay imposibleng maging kayo ni Jonathan."

"Ang lalaking iyon ang nagpipilit na kuhain ang atensiyon ko," nagawa niyang sabihin dito. Inilabas niya mula sa handbag ang kahita. "In fact, heto ang katibayan na inaalok niya ako ng kasal."

Pagkabigla ang bumalatay sa aristokratang mukha ni Rina nang masilayan ang diyamanteng singsing na bahagya pang kumislap nang tamaan ng ilaw.

"Wala pang isang linggo nang ibigay niya sa akin ang engagement ring na ito."

Subalit saglit lang ang pagkagitla ng babae. Isang mapang-uyam na ngiti ang napinta sa mga labi nito.

"You're really naïve, Tanya. Naniniwala ka sa sinasabi niyang kasal?"

Nakatadhanang Puso - Sheryll BarredoWhere stories live. Discover now