Chapter 7

590 5 0
                                    

"JONATHAN, mabuti naman at naisipan mo kaming dalawin dito!" Nakangiting tinapik ng lalaki sa balikat si Jonathan. Inabutan nila itong busy sa paglalaro ng golf. Tulad ng Perez Ranch, mayroon ding golf course ang rancho na kanilang pinuntahan. Napatingin kay Tanya ang lalaki.

"We have a problem, Bernard," ani Jonathan matapos ang sandaling pagkukumustahan nila ng kaibigan. Kung hindi nagkakamali si Tanya, halos magkasing-edad lang ang dalawang lalaki. "Don't tell me, Pare, sa edad mong iyan ay nagtanan ka pa?" natatawa nitong sabi. Natawa si Jonathan. "No. Hindi kami nagtanan. Kailangan lang talaga naming mag-landing dito dahil mukhang may kaunting trouble sa engine."

"Ganoon ba?" nadismayang wika ni Bernard. "Akala ko pa naman ay—"

"Darating din tayo sa bagay na iyan, Pare, huwag kang mag-alala."

"I'm glad to hear that, Pare. At least, may balak ka pa palang mag-asawa."

Napangiti si Jonathan sa sinabi ng kaibigan. Si Tanya naman ay nanatiling tahimik bagaman nakadama ng pagkaasiwa.

"Siyanga pala si Tanya, Pare," pagpapakilala ng binata. "Tanya, this is Bernard, kinakapatid ko."

"Nice to meet you, Tanya. And welcome to my place." Nakipagkamay sa kanya ang lalaki. "Same here!"

"Tena sa bahay para makapagmeryenda kayo ni Tanya. Si Art na ang bahalang tumingin sa sasakyan mo. Magraradyo kaagad ako sa opisina niya."

"Salamat."

"TAMANG-TAMA ang aksidenteng pagdalaw n'yo rito, Jonathan. Birthday ngayon ng mama ni Bernard at may party na gaganapin ngayon sa kabilang hacienda."

Napatingin si Tanya sa sinabing iyon ni Monica, ang asawa ni Bernard. Kasalukuyan na silang nasa verandah ng tahanan ng mga Cabrera.

"At gusto kong magpunta kayo ngayon ni Tanya sa pagseselebra ng kaarawan ng ninang mo, Jonathan," dugtong pa ni Monica.

Sinulyapan siya ni Jonathan bago tumugon. "I'd love to, Monica. Ang kaso, kinakailangan naming makabalik sa San Martin bago mag-alas-sais. And besides, hindi bagay ang kasuotan namin ngayon sa okasyong iyon."

"Nonsense!" sabad ni Bernard. "Kung hindi man maayos ngayon ang chopper, useless din na ipahiram ko sa iyo ang aking sasakyan dahil aabutin na kayo ng dilim sa daan. If I were you, bukas na lang kayo ng umaga umalis dito dahil delikado nang magbiyahe."

Mabilis namang sinang-ayunan ni Monica ang asawa. "Tama si Bernard. Kung damit naman ang problema n'yo, then, papahiramin namin kayo ng damit." Tumingin ito kay Tanya. "At mukhang kakasya naman ang damit ko kay Tanya."

Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ng mag-asawa. Paninisi kay Jonathan ang anyong nakasungaw sa mga mata ni Tanya habang nagsusumamo naman ang sa binata.

Tumikhim ang mag-asawa upang pukawin ang pagtitigan nila. Si Jonathan ang nakabawi sa pagkabigla. "We'll see kung makaka-attend nga kami. Itse-check ko muna ang chopper at kung maaayos nang maaga ay babalik din kami ng San Martin. If not, then we will stay here until tomorrow."

PAPASOK pa lamang sa sala si Jonathan ay batid na ni Tanya na hindi niya magugustuhan ang hatid nitong balita tungkol sa chopper. At hindi siya nagkamali ng kutob.

"I'm very sorry, Tanya. Pero kinakailangan pang i-check mabuti ni Art ang makina ng chopper," agad nitong paliwanag sa kanya. Hindi siya nakakibo.

"Tanya, dear, ayaw naming ma-delay ang pagbabalik n'yo sa San Martin. Pero mas lalong ayaw namin ni Monica na magbiyahe kayo ngayong gabi para lang makauwi. Delikado ang mga daan dito sa amin. Masyadong matarik. Nakita mo naman napapagitnaan kami ng dalawang bundok," pagpapaunawa ni Bernard.

Nakatadhanang Puso - Sheryll BarredoWhere stories live. Discover now