Chapter 4

605 6 0
                                    

MALAMIG na tubig ang yumakap sa buong katawan ni Tanya. Naghiyawan ang mga taong nakasaksi sa paglagpak ng ilan — kabilang na roon ang dalaga — sa ilog.

Gayunpaman, hindi siya nasiraan ng loob. Awtomatiko niyang ikinampay ang mga kamay at paa. Mabilis siyang lumangoy at tinungo ang gilid ng pampang.

Ngunit hindi madali ang umahon pabalik sa sementadong daan. Kakailanganin niya pang baybayin ang paitaas at madulas na lupa pabalik sa itaas.

Isang makapangyarihang kamay ang nakalahad sa kanya nang magtaas siya ng paningin. Pag-alala ang mababasa sa mga mata ni Jonathan nang matitigan niya ito. Nakatayo ito sa gilid ng ilog habang ang kabilang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa lubid na iniladlad mula sa itaas ng mga tanod na mabilis na rumesponde.

Sa halip na tanggapin ang kamay ni Jonathan ay binale-wala niya iyon. Sinimulan niyang akyatin ang maputik na lupa. Ngunit sa malas, nakakailang hakbang pa lamang siya ay muli na naman siyang dumausdos.

"Better take my hand," makapangyarihang utos ni Jonathan. Bakas ang galit sa tinig nito dahil sa katigasan ng ulo ng dalaga.

Parami nang parami ang mga taong nag-uusyoso. Lalo nang na-distract si Tanya at nahirapang iahon ang sarili. Napapagod at nangangalay na ang kanyang mga balikat sa ilang beses na pag-a-attempt na makaahon.

Hanggang sa ma-realize ni Tanya na sarili lamang niya ang pinahihirapan. Wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin ang inilalahad na tulong ni Jonathan.

"S-salamat..." bulong niya nang ganap nang makasampa sa itaas. Kusa na siyang kumawala sa pagkakahawak ng lalaki at ang balak ay hanapin sina Carol at Greg.

Pero mabilis siyang napigilan ni Jonathan sa braso. "Not so fast," wika nito. "Kasalanan ko kung bakit ka nalaglag sa tulay."

"Ikaw ang... nagtulak sa akin!"

"I'm trying to get you. Pero wala ka na sa sarili mo. Wala akong planong itulak ka."

Naningkit ang mga mata niya. "How dare you! Sinadya mo. Gusto mo akong madisgrasya."

"Listen, Tanya. Kung may masama akong tangka sa iyo, hindi na kita babalikan dito para tulungan."

"Dahil alam mong maraming nakakita sa iyo."

"Let me help you," anito.

"Never mind," tanggi niya sa matigas na tono. Naroon ang kagustuhan niyang makalayo kay Jonathan.

"No, I insist. Kailangang mapalitan ng tuyo ang nabasa mong kasuotan. I'll take you to my friend's office here in Sta. Catalina. Maraming siyang damit na maaring ipahiram sa iyo. He keeps a wardrobe of clothes there for girls who do modelling assignment for his promotions."

Bumuka ang mga labi ni Tanya upang tumutol. Ngunit biglang nagbago ang isip niya nang makita ang mga taong patuloy sa pag-uusyuso sa kanila. At upang makatakas sa mga ito, marahan na lamang siyang napatango. Inalalayan siya ni Jonathan patungo sa itim na kotse na nakaparada sa may di-kalayuan.

Nailang si Tanya nang malaman na naroroon sa loob ng sasakyan at naghihintay ang babaeng kaagapay kanina ni Jonathan.

HUMANTONG sila sa pinakamataas na gusali na nakatayo sa pinakabayan ng Sta. Catalina.

Magmula sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagsakay sa elevator ay nakaalalay si Jonathan kay Tanya.

Habang hindi naman maipinta ang mukha ng babaeng kasama nila. Halatang ikinaiinis nito ang atensyon na iniuukol sa kanya ngayon ni Jonathan.

"By the way, Tanya, meet my secretary Rina Alcalde," pakilala nito nang makapasok sila sa magarbong silid. Bago ito tuluyang lumabas ng silid ay nagbilin ito kay Rina.

Nakatadhanang Puso - Sheryll BarredoWhere stories live. Discover now