SAME DAY!
AYA'S POV:
"For almost two days we looked like fools worrying about you and now you act like nothing happened?"
hindi maalis yung sinabi ni gwen sa isip ko, tama naman siya e and i felt guilty
"Guys i want to talk to coley, pwede niyo ba akong samahan?" tanong ko sa kanila
"Oo naman tara!" Sabi ni jho
Pumunta na kami sa music room naabutan namin si coley at gwen masayang nag kakantahan, bigla naman silang tumigil nung dumating kami, akmang tatayo na sana si coley pero pinigilan ko siya
"Coley naman, if you want to say something sabihin mo wag mo kaming iwasan" sabi ko rito.
Napahinto siya ang paglalakad palabas sa pinto dahil sa sinabi ko,
"Haha! Really? ako ba? kami ba ang umiiwas?" ramdam ko yung galit nya at alam kong pinipigilan niya lang ito
"Coley...."
"Nakakatawa lang kasi e, para tayong naglalaro dito ng Pitik bulag siyempre kami ang taya!" sarkastiko nitong sabi
"Masaya ba? masaya ba kayong paglaruan kami ha?" tanong pa niya
"Bro hindi mo kasi kami naiintidihan e" sabi ni jho
"Haha talaga ba try me! Gusto mong isampal ko sa iyo isa isa ang alam ko!?" Inis na sabi nito,
"Oo alam ko na ang lahat! Ang galing nyo nga e, Pinaikot nyo ako! Pinaikot nyo kami, ang galing ninyo magtago" pagpatuloy pa nito.
Isinara ni gwen ang pinto at nilocked ito,
"Kaya pala, wala kayo every other day, Kaya pala wala kaming alam na kahit anong information tungkol sa inyo, Kaya pala wala lang sa inyo na magustuhan ko si Mayie at That Phantom M!, Kaya hindi kami pwede ni mayie! at kaya din kayo umiiwas saamin! Alam ko na Aya alam ko na!" hindi na nito napigilan ang pagtaas ng kanyang boses.
"Kaya please, Tell mayie to come back! I'm begging you please" Bigla siyang nanghina at nag pipigil ng iyak
"Parang awa nyo na guys, hindi ko kayang mawala si mayie sakin! wag nyo naman gawin sakin 'to, please" lumuhod siya samin nakayukong umiiyak
"Ano b-bang sinasabi mo coley?" nauutal na tanong ni shien, alam kong kinakabahan siya
"A-Alam ko na.. Please guys, P-Please a-aya, ..... Phantom A" Mahinang sabi nito habang humihikbi pa.
Ikinagulat naming tatlo ang huling sinabi ni coley, nagkatinginan kami, buti nalang sinara ni gwen yung pinto ng music room at buti nalang sound proof ito.
"Coley mali yun...." hindi natuloy ni jho yung sasabihin niya nang biglang magsalita si coley
"Ano!? Itatanggi nyo? Grabe naman, mga pre! osige itanggi nyo hanggang gusto niyo, Wag kayong mag alala bilang respeto nalang sa naging pagkakaibigan natin nangangako akong hindi ko sasabihin sa iba" sabi niya tapos umalis na silang dalawa ni gwen ng music room
"What should we do guys?" nagpapanic na tanong ko, hindi ko expect yung nangyari
"Hindi ko din alam shit!" sabi ni jho
"Nangako naman siya na hindi niya ipagsasabi, kilala ko si coley mapagkakatiwalaang tao siya" sabat naman ni shien
"Naaawa ako sa kanya, sa kanila ni mayie" malungkot na sabi ko
YOU ARE READING
MIDNIGHT PHANTOM; Our Universe
RomanceIn this Universe we live in, we will meet many people in other places, many strange things happen and could happen. In the game of love, how many times do you think you can take a chance? How many times do you think you can fight? Would you still fi...