Part 56

124 3 0
                                    

AYA'S POV:

Halos maubusan ako ng lakas, nandidilim na ang aking paningin pero pilit ko pading hinahabol ang kotse kahit alam kong imposible. Naramdaman kong may kotseng paparating mula sa likod ko pero wala na akong lakas para lingunin pa ito

"M-Miks..." nanghina ang tuhod ko, at pabagsak na sana ako nang maramdaman kong may sumalo sakin.

"Aya, heey wake up!" tinapik-tapik niya ng mahina ang pisngi ko para gisingin, pagmulat nang mga mata ko ay nakita ko si Cedric

"C-cedric, h-habulin mo si miks please do anything to save her" Nanghihina man ay pinilit kong gamitin ang natitirang lakas ko para sabihin yon kay cedric, nakita kong lumingon siya sa daan at biglang nag salita.

"Bilisan mo cedie! get aya here!" yun ang huling salitang narinig ko bago tuluyang mawalan ng malay.

------

COLEY'S POV:

"AYA!?" Sigaw ko! pero hindi na siya muling nagsalita pa.

Papauwi na kami ng MP house, at halos nagiiyakan na ang mga kasama ko, ayokong magisip ng masama pero tangina hindi ako tanga! ayoko nang lokohin ang sarili ko, at sabihing nasa maayus silang kalagayan dahil alam kong hindi,

"Coley, si miks.." maluha luhang sabi ni gwen sakin, Pinipilit kong maging malakas pero putangina hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas ng loob ngayon.

Niyakap ko si gwen at hindi ko nandin mapigilang umiyak. fuck! I just hope na ligtas ka kung nasan ka man,

Pagdating namin ay nagulat kami sa dami ng mga tao sa loob, agad kaming pumasok at naabutan namin roon si Big Boss na naka mask padin at sa tabi nito ay si Miss Castro.,

Gustuhin ko mang sabihin sa kanila na magpahinga muna sila alam kong hindi din sila papayag.

"Aya? please answer?" rinig kong sabi ni mayie.

para kami mga tanggang nag hihintay sa Update na walang kasiguraduhan, Pumasok ako sa kwarto namin ni mayie at kinuha ang susi ng Kotse ko,
Lalabas na sana ako ng pigilan ako ng mga bodyguards ni big boss.

"Where do you think you're going?" tanong sakin ni Miss Castro

"Hindi ako tulad niyo na kayang mag hintay lang habang walang ginagawa! hahanapin ko sila!" Inis na sabi ko maglalakad na ulit sana ako ng pigilan ako ulit ng mga bodyguards

"Fuck! can you please tell these god damn morons that i need to pass! Paraanin niyo ako!" Sigaw ko kay miss castro at sa mga bodyguards.

"Then what!? Tingin mo may magagawa ka? sige nga pag nakaharap mo sila anong gagawin mo ha?" Tanong pa ni Ms. Castro sakin

Napatigil ako, Gusto kong mag wala! gusto kong suntukin ang kung sino mang haharang saking daraanan.

"Sabi nang tabe!" pagpupumilit ko padin

"Coley.." rinig kong sabi ni mayie, Hindi ako lumingon hindi ko siya pinakinggan.

"Tangina ba kayo! Hindi niyo ba ako naririnig ha!? Umalis kayo sa daraanan ko!" Sinugod ko na sila at pinipwersa ang sarili kong makadaan pero hindi ko talaga kaya, malalaki sila halos panghinaan nako ng loob, nauubusan nako ng lakas.

"See? sa kanila nga lang hindi kana makadaan e what more kung makasalubong mo pa ang mga humahabol sa inyo!" Sabi ni miss castro na nagpataas ng dugo ko.

"E putangina! anong gusto mong gawin ko dito!? mag hintay? ng ano!? Kamatayan!? Si miks yon! Pinsan ko yon! Tanginaaa....!" Halos mabaliw na ako sa sobrang pag aalala wala akong magawa! fuck i'm so useless! Hindi ko na mapigilang umiyak,

MIDNIGHT PHANTOM; Our UniverseWhere stories live. Discover now