Part 37

102 5 0
                                    


Dali dali akong lumapit kay miks upang alalayan ito, dumating na din ang mga kaibigan ko at tinulungan nila si denise upang ilayo.

"Miks!" hahawakan ko na sana si miks nang makalapit ako sa kanya pero pinigilan ako ni jeremy

"Hoy! itigil 'nyo yan!" sigaw ng isang lalaki bodyguard namin yon medyo nahuli lang sila ng dating dahil sa Distance ng convoy nila samin ay medyo malayo para walang manghinala, agad silang lumapit para tulungan si coley na kasalukuyang pinagtutulungan ng mga kasama ni jeremy.

Ramdam ko ang mahigpit na kapit ni jeremy sa braso ko at hinila ako papalayo.,

"Bitawan mo ako jeremy ano ba! nasasaktan ako!" sigaw ko dito pero nakatingin pa din ako kay miks na sinusubukang tumayo

"Huwag ka nang mangialam aya please! ayokong saktan ka!" galit na sabi sakin ni jeremy habang hawak hawak parin ng mahigpit ang braso ko at pinipwersa akong ilayo sa mga kaibigan ko hanggang sa hindi ko na sila makita dahil sa bilis ng lakad ni jeremy upang tumakas kasama ako

"Bitawan mo ako jeremy! please natatakot na ako!" natatakot ako sa maaaring gawin niya sakin. alam ko simula palang nung una napaka bastos at basaggulero talaga si jeremy kaya never ko din siyang nagustuhan.

"Guys help!" buong lakas kong sigaw pero nanghihina nako sa takot.

Nawalan na ako ng pagasa nang hindi ko na matanaw o marinig manlang ang mga kaibigan ko, takot na takot ako pero tinatagan ko lang ang loob ko para magmukhang matapang,.

"Take your dirty hands off her!" kalmado pero ma-autoridad na sabi ni miks nang maabutan kami nito

Umaasa akong may kasama siyang nakasunod samin pero wala

M-miks? bakit ka pa sumunod bakit hindi ka nag tawag ng kasama mo? hindi mo kaya si jeremy,

"Hahaha! bilib din ako sa tapang mo lim! nakatyamba ka lang kanina kaya mo ako napuruhan pero wala ka nang magagawa! hindi mo na kaya sumuntok pa! mahina na yang kanang kamay mo!"

Miks did that to your face?

"Yeah? Give me Aya if you don't want to get hurt" seryosong sabi ni miks

"Matapang ka lang naman pag may kaharap na babae eh diba? okay fine, ibibigay ko sayo si aya, pero masasaktan ka!" agad akong tinulak ni jeremy papalapit kay miks,

"Okay ka lang? sinaktan ka ba niya?" Agad naman akong pasalong niyakap ni miks at tinignan ang parte ng katawan ko para masiguradong wala akong natamong sugat, pinakalma niya ako at inayus niya ang buhok ko, napansin ko ang pasa sa pisngi nito at ang sugat sa labi niya na may konting dugo pang natulo,

hindi ko napigilan ang kamay kong punasan ang dugo gamit ang thumb ko,

"Ano game na!?" maangas na sabi ni jeremy

Hinawakan ako sa kamay ni miks at inilagay sa likoran niya, para harapin si jeremy, hinawakan ko ang kamay ni miks upang pigilan 'to, alam kong walang laban si miks, babae siya lalaki ang kalaban niya

"Please wag miks, hindi ko kayang makitang masaktan ka, ayoko!" nakayukong sabi ko kay miks nang lingunin niya ako, nag smirk siya sakin at tuluyan akong hinarap at hinawakan ang mukha ko para iharap sa kanya

"You made your promise miks diba? sabi ko Don't ever save my life again" nanghihina kong sabi, natatakot ako sa posibleng mangyari

"Just trust me and close your eyes, count 1 to 20 for me" Malambing na sabi nito, parang kinurot ang puso ko

MIDNIGHT PHANTOM; Our UniverseWhere stories live. Discover now