Part 44

107 2 0
                                    

AYA'S POV:

The weekends have passed, so I hope this new week starts off well,

"Kanya-kanyang sasakyan tayo for this week ha, para iwas ulit sa Mata ng iba, back to normal" sabi samin ni jho habang nag aalmusal

"Sa bahay na tayo mag dinner mamaya ah may practice tayo mamaya diba? magpapaluto ako kay manong nang sinigang" sabi naman ni coley

Sinusubok talaga akoo.. paano ba yung straight path na sinasabi nila kung lagi akong naliligaw ng landas

"Love una na ako ha, drive safely. kayo din drive safely phantoms" tumayo na si mayie sa hapag kainan at humalik kay coley bago ito lumbas

"Hatid na kita sa kotse mo love" tumayo din si coley para samahan si mayie sa garahe

"Nag email na ba sa inyo si big boss? hanggang ngayun hindi ko pa alam kung paano mangyayari satin sa Foundation day" bakas sa mukha ni jho ang pagkabalisa nito

"Yan pala kaylangan natin ng pulido at magandang plano para jan" sabi naman ni coley nang makabalik ito samin

"Ako lang ba? parang pakiramdam kong may hindi magandang mangyayari eh! hindi ko alam 'bat ganito nararamdaman ko nakakainis!" halos ihilamos ni jho yung palad niya sa mukha niya para pakalmahin ang sarili niya

"Babe naman diba sabi ko sayo kagabi, walang masamang mangyayari, wag kang mag-isip nang ganyan, pati ako kinakabahan eh" pagpapakalma ni aubrey kay jho

"Wag nyo kasi i manifest! Nakakatakot na nangyayari ganyan pa iniisip 'nyo!" kinakabahang sabi din ni shien

"Guys! calm down please, walang magandang maidudulot ang pag o-overthink, Lets just go with the flow muna, Let's first look at the possibilities and the situation before we come up with a good plan" yan ang gusto ko kay gwen, kaya niyang maging kalmado at all time laking impact din niya sa Midnight Phantoms

"I agree! sa ngayun tignan muna natin ang sitwasyon" i am running out of words to say kasi maski ako kinakabahan din, pareho kami ng nararamdaman ni jho, hindi ko alam kung bakit at saan nanggagaling tong kabang nararamdaman ko

"Tara na guys baka malate pa tayo" aya samin ni aubrey na sinang-ayunan nang lahat,

Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan tulad nang napagplanuhan, ako at si coley ang mauuna kasunod nang isa naming bantay na may sariling sasakyan din tapos si shien at gwen naman ang kasunod na sinusundan pa ng isang bodyguard din at lastly si aubrey at jho na sinusundan din ng pang huling bantay namin, kase yung isang bodyguard naman ang kasama ni mayie

Pagdating sa school, pinark ko lang nang maayus ang kotse ko at bumaba ng sasakyan, nagulat ako sa Malaking Tarp na nakaladlad sa buiding ng school namin

"The Champions"

Picture ng Womens Volleyball team na Pinangungunahan ni Miks sa Gitna

"I really hate that idea"

Bumilis nanaman ang Pintig ng puso ko, Boses palang niya ang naririnig ko, kahit hindi ko siya lingunin alam ko kung sino siya, Siya lang naman ang bukod tanging may kakayahang magparamdam sakin ng ganito

"Maganda naman eh" sagot ko dito nang hindi nililingon

"Who?" naramdaman kong tumabi ito sakin, bahagya ko siyang nakikita sa peripheral view ko, nakatingala din siya sa malaking tarpaulin tulad ko

"The Idea" sabi ko na ikinalingon naman niya sakin kaya napalingon na din ako, naka pout na siya sakin at ang cute cute tignan

"Why?" Pinipigilan kong matawa sa expression ng mukha niya

MIDNIGHT PHANTOM; Our UniverseWhere stories live. Discover now