Part 35

106 2 0
                                    

Unknown Number:
Kamusta Phantom! Akala ba ninyo ligtas na kayo?! Hindi pa ako tapos! Nagsisimula palang! Paghandaan nyo ang susunod kong gagawin!

Kinabahan nanaman ako, bumalik nanaman yung alaala nang nakaraan sakin, pinilit kong kumalma at isantabi ang nararamdaman ko, nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin saakin ng seryoso si cedric., kinabahan ako sa naging reaction niya.,

Palihim akong pumunta sa ibang apps para mabaling ang atensyon ko kung sakali mang silipin niya yung phone ko, I need to pretend na wala akong nareceived na kahit anong Message na nakakabahala,

St. Charles Academy: Spotted! most beautiful girl in school! watching the volleyball finals. @QueenAya

binaling ko ang tingin ko kay cedric na hanggang ngayun ay nakatingin pa din sakin,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

binaling ko ang tingin ko kay cedric na hanggang ngayun ay nakatingin pa din sakin,

"Uhm, c-ced have you seen this? gosh nakakahiya!" pinakita ko pa kay cedric yung phone ko para magpanggap na maayus lang lahat.

"Naks! totoo naman eh, most beautiful girl in school" sabi nito. agad kong iniharap sa'akin ang phone ko at dali daling nag deactivate ng sim.

Tinago ko na yung phone ko at tinuon ko ang atensyon sa laro, ramdam ko ang panginginig ng buong sistema ko.

hinawakan ni aubrey ang kamay ko, kaya napalingon ako sa kanya,

"okay ka lang?" she mouthed

"Cr" i mouthed too, sabay nguso sa katabi ko. (cedric) tumango naman ito

"Aya, Pwede mo ba akong samahan sa Cr?" May kalakasang sabi ni aubrey, sapat na yun para marinig nang mga kasama namin,

"Sama kami ni mayie, kanina pako sinisiko nito eh hindi lang ako makasama kanina kasi hindi pa naman ako naiihi" kahit kelan napaka jolly talaga ni shien,

"Cr lang kami ah?" sabi ko kay cedric at tumango naman ito, sabay sabay na kaming tumayo at nag lakad papuntang cr.

"What happened? are you okay?" agarang tanong ni aubrey pagdating namin sa cr. napalingon naman sakin si mayie at shien na naghihintay ng sagot ko, nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko

"God aya! you're shaking!" natatarantang sabi ni mayie,

Pinakita ko sa kanila ang natanggap kong Text Message mula sa Unknown number, nakita ko ang pagbabago sa mukha nilang tatlo habang binabasa nila yung mensahe.

"Tangina! di talaga sila titigil noh?! kaylangan malaman nila jho 'to" mayie was about to walked when i stop her.

"Bakit?" takang tanong nito sakin

"Wag muna, M-May napansin ako kanina" hindi ko mapigilang mautal habang iniisip ko yung idea sa nakita ko o sadyang delulu lang ako.

"Shh... It's not safe here, kung gusto nyo pagusapan yan alam nyo kung saan, as of now, dapat wala munang makaalam okay?" seryosong sabi ni aubrey.

MIDNIGHT PHANTOM; Our UniverseWhere stories live. Discover now