Part 51

102 2 0
                                    

COLEY'S POV:

Lahat kami na caught off guard sa lakas ng presensya ng taong nasa aming harapan,. Umupo siya at nag cross leg sa Single couch habang nanatili kaming nakatayo sa aming pwesto.

"Whatever you are planning, don't go through with it, stick to the plan. You will play as the school band, and after that, you will perform well as a Midnight Phantom" Seryosong sabi nito sakin, ramdam ko ang lalim nang pag titig nito sakin, parang familiar ang kanyang mga mata.

"Tapos ano?" Matapang sa sabi ko

"What do you mean phantom?" seryosong sabi din nito sakin

"Yon na yon? Iyon na ang plano mo? Napagalaman namin na may mangyayaring hindi maganda, Nalaman namin yon sa sarili naming paraan dahil nasan kaba? Ni hindi ka nga namin maramdaman eh! Alam mo bang napahamak si Aubrey? Alam mo bang Muntik na kaming mapahamak ha?" Galit na sabi ko

"Alam ko yon" sagot niya

"Pero wala kang ginawa!? Bakit hindi mo sabihin samin ang buong plano mo? Yon na ba yon? what kind of plan is that? ano kami dito decoy? Malalaman lang namin plano kapag napahamak na kami, kapag may nangyari nang hindi maganda!?" Dagdag ko pa

"Just stick to the god damn plan phantoms!" Ramdam ko ang galit din sa boses nito, hindi na ako nakapagsalita

"She's right, Paano namin masisigurado ang kaligtasan namin? paano pa kami magtitiwala sayo kung ikaw mismo sinira mo na ang tiwala namin? Wala ka nga sa mga panahong kailangan ka namin e! kung matapang ka kung mapagkakatiwalaan ka, Bakit hindi mo tanggalin ang Maskara mo" Sabi naman ni Jho

"This is not the right time! So please do what I ask of you" Sabi niya at tumayo akmang lalabas na siya ng pinto nang masalita si Aya

"Paano namin masisiguradong kakampi ka namin?" Seryosong tanong ni aya

"Always remember Godfrey! Help will always come!" Iyon ang huling salitang binitawan niya bago siya tuluyang lumabas ng pinto kasama ng mga tao niya.

Naiwan kaming nakatayo saming kinalalagyan, walang ibang nagsasalita, walang ibang gumagalaw, lahat kami naguguluhan, lahat kami hindi alam ang gagawin

"Guys,. hindi ko na alam kung tama bang makinig sa kanya, diko alam kung mapagkakatiwalaan siya kaya wag sana tayong makapampante, I know things have been so confusing pero wala tayong ibang magagawa, Let's stick to our plan while considering his plans too, Mag handa na kayo pupunta na tayong school" agad naming sinunod si jho at sabay sabay na kaming nag handa.

Nang matapos na kami sa Pag aayus ay sumakay na kami ng Van at nagmaneho papuntang school, ako ang nag mamaneho at nasa tabi ko naman si mayie,.

Sobrang dami ng Tao sa School at halos lahat nagkakasiyahan, suot ang aming mga Earphones ay Bumaba na kami ng Van at pumunta sa kanya kanya naming destinasyon, Si Jho at Aubrey ang Incharge sa Pagpapanatiling maayus ng school booths, ako naman ang nakatoka sa pag aayus ng Sound system at Instuments while aya is busy sa Marriage booth, shien and gwen sa Jail booth,. Tanaw naman namin ang isat-isa tulad nang napag planuhan, We keep watching each other.

"Guys, Keep your guards Up but don't forget to have fun" narinig kong sabi ni Jho sa Earbuds na nakalagay sa tenga ko,.

"Noted!" narinig kong sagot nilang lahat.

Habang nag aayus ng mga cord ay narinig ko sa Lapel ang isang boses.

"Miss Aya? May nagpapabigay po?" Agad kaming napalingon sa posisyon ni aya at nakita namin ang isang estudyente na nagbibigay ng piraso ng papel kay aya

MIDNIGHT PHANTOM; Our UniverseWhere stories live. Discover now