UNTI-‐‑UNTI NANG PINANUNUMBALIKAN ng ulirat si Gaby. Unti-‐‑unti nang lumilinaw ang pigura ng isang tao sa kanyang harapan, si Agnes. She felt like fainting again.
"Sa wakas, nagising ka na rin," Agnes said in a monotonous voice.
Matamlay siyang bumangon, may hinahanap ang kanyang mga mata na hindi niya mahagilap.
Ayaw niyang aminin sa sariling hinahanap niya si Anton. Kung bakit ay di niya alam. Para namang nabasa ng kapatid ang kanyang iniisip.
"Kung hinahanap mo si Anton at ang pamilya niya, kanina pa sila umalis," anito. Nagtungo ito sa tokador at sinuklay ang lampas balikat na buhok.
Nanghinayang siya sa nalaman. Nanatili siyang walang imik, nakatingin lang sa reflection ng kapatid sa salamin pati ang sa kanya.
Napansin niya ang pagkakaiba nila. Sabi ng kanilang tiyahin, kamukha raw niya ang kanyang ina na may lahing Español. Mas matangkad siya ng ilang pulgada sa ate niya. Si Agnes naman ay nakuha ang features sa mga Montevera. Nagulat pa siya nang magsalita ito.
"Bakit ka ba hinimatay? Nagkataon lang ba 'yon o sinadya mo?" sarkastikong tanong nito.
Here we go again, naisip niya. "What made you think na sasadyain kong mahimatay sa harap ng ibang tao?" angal niya.
Humarap ito. "Who knows?" anito, sabay kibit-‐‑balikat. "Baka naman ginawa mo 'yon to catch somebody's attention," makahulugang sabi nito. Naglaban sila ng titig.
"At kanino namang attention 'yon?" aniya, tumaas ang isang kilay.
Nanatili itong walang katinag-‐‑tinag sa pagkakaupo sa corner ng tokador pero lalong tumalim ang titig sa kanya. "Mahirap nang magsalita. Hindi ako nakakasi—"
"Si Anton." Hindi pagtatanong iyon kundi kumpirmasyon.
"Precisely!" Ipinasok nito ang mga kamay sa bulsa ng pants and smiled mockingly.
She frowned. "Why were you acting like that?"
Tumaas ang mga kilay nito. "Acting like what?"
"Like the Guevarras were your good friends. I thought you hated them all; bakit tinanggap mo sila sa pamamahay natin? At ngayon naman ay pinagbibintangan mo akong nagpapapansin kay Anton. Hindi kaya. . " Ayaw niyang ituloy ang sasabihin. Kung nagseselos ang kanyang kapatid ay ayaw niyang pakasiguro.
"Kung anuman ang iniisip mo, itigil mo na. Kailanman ay di ako magiging in good terms sa mga Guevarra. You know I hate their guts!"
"Eh, bakit mo nga sila tinanggap dito?"
Masama ang kutob niya. "Ate, sabihin mo sa akin kung ano ang balak mo," she demanded.
Sumeryoso ito. "I can't trust anybody right now kahit ikaw. Malay ko ba kung squealer ka.
Para sa kabutihan mo, better not meddle with my plans. Just cooperate," tugon nito, sabay kibit-‐‑balikat.
Lalong nagdikit ang mga kilay niya. "What are you talking about?"
"Layuan mo si Anton," simpleng utos nito, "iyon ang kooperasyong kailangan ko sa iyo."
"Layuan? Si Anton?" naguguluhang tanong niya.
"You heard me right."
"But why?"
"Because I told you so and you must obey me." Ipinakita nito ang pagbabanta sa mga mata.
"H-‐‑hindi kita maintindihan. . " kandautal niyang sabi.
"Hindi mo kailangang intindihin ang sinabi ko, basta't sundin mo lang ang inuutos ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Hindi siya makasagot.
Lumakad na si Agnes patungo sa pinto pero wala pa ring reaksyon mula kay Gaby. Bago tuluyang lumabas ay may huli pa itong sinabi.
"Kung ayaw mong mag-‐‑away tayo, my dear sister, alalahanin mo ang sinabi ko."
Nahulog siya sa malalim na pag-‐‑iisip kung ano ang misteryosong plano ng kapatid.
"EWAN KO BA KUNG ANO ang sinasabi ng Ate; masyado siyang misteryosa. Basta't pakiramdam ko lang ay may binabalak siya, kung kay Anton man o kung kanino, hindi ko alam. Anyway, who cares?" ani Gaby habang kausap sa cellular phone ang kanyang best friend na si Cris. Nasa terrace siya at kasalukuyang nagpapahangin nang tumawag ito.
Napangiti ang nasa kabilang linya. "Who cares? You do."
Tumaas ang kilay niya. "At bakit naman?"
"Dahil kay Anton."
"Cristina Martinez!" Nagulat siya sa kaprangkahan nito. "Why should I care for him? Ni hindi ko pa nga personal na nakikilala 'yung tao," kaila niya.
"But you saw him before you fainted," natatawang tugon nito.
Nag-‐‑blush si Gaby. "W-‐‑well, yes," kandautal na sabi niya. Naikuwento na niya sa kaibigan ang embarrassment nang himatayin siya pagkakita kay Anton. "So?" Hindi pa alam ni Cris na nakita na niya ang lalaki noong bata pa siya at noong araw na sagipin siya nito mula sa kamatayan.
"Eh, bakit ka nga ba hinimatay? Baka naman.. ." pambibitin nito.
"Nonsense!" Inis na siya.
Pero walang pakialam na nagpatuloy ito.
"Tell me, guwapo ba siya? Matangkad? Dark?" Napahagikgik pa ito.
"Cristina, you ruined my day! Goodbye!" Talagang inis na siya kaya ini-‐‑off na ang cell phone. Nag-‐‑init ang kanyang mukha sa kahihiyan. Damn Anton for making me feel this way! Naiinis din siya sa sarili dahil naaapektuhan siya marinig lang ang pangalan nito.
Itinukod niya ang mga kamay sa balustrade at tumanaw sa ibaba.
Nahagip ng kanyang mga mata ang isang tauhan ng hacienda na may dalang kabayo. Isa iyong stallion na itim na itim. Matagal-‐‑tagal na rin nang huli siyang sumakay ng kabayo; last year sa Scotland. Madalas siyang naglalaro noon ng polo kapag nagbabakasyon pero dahil sa babad siya sa trabaho lately ay hindi na niya nagawang maglibang. Tinawag niya ang matanda.
Tumingala ito at yumukod bilang paggalang. "Magandang umaga po, Señorita. Ano po'ng maipaglilingkod ko sa inyo?" anito.
Ngumiti si Gaby. "Tatang, hintayin ho n'yo ako diyan. Bababa lang ako," sagot niya. Dali-‐‑dali siyang bumaba. "Tatang, puwede ko ho bang mahiram itong kabayo n'yo? Lilibutin ko lang ho itong hacienda," paalam niya.
Nagulat ito. "Pero. . baka magalit ho si Señorito Anton. Kanya ho kasi itong kabayo; ipapaalam ko ho muna," nahihiyang sabi nito. Pero mapilit siya. "Huwag n'yo na hong alalahanin 'yon. Dadaan na lang ako sa villa ng mga Guevarra at ako na ang magsasabi. Kaibigan ko naman ho siya," pagsisinungaling niya. Bakit ba niya nasabi iyon?
Napakamut-‐‑kamot ito sa nakakalbong ulo. Alam niyang nahihiya lamang itong tumanggi sa kanya. "Eh.. baka ho maligaw kayo, Se—"
Inagaw niya ang renda sa kamay ng matanda. "Hindi ho ako maliligaw. Alam ko na ho ang daan sa lugar na ligtas." Naalala niya ang insidente ng unang pagkikita nila ni Anton. "Noong isang araw, pumunta ako sa Vista Leonora at tinandaan ko ang mga palatandaan doon. Kung inaalala n'yong baka mapaano ang kabayo, huwag rin ho kayong mag-‐‑alala at marunong ho akong magpatakbo," paliwanag niya. Totoong tutungo siya sa Vista Leonora pero siyempre, ngayong may kabayo na siya ay mas malayo pa roon ang mararating niya.
"Kung siya ho ninyong gusto. Pero puwede n'yo ba akong hintayin? Kukuha lang ako ng sarili kong kabayo para makasama n'yo ako. Delikado na ho kasi," nag-‐‑aalangang sabi nito.
"Sige ho." She mounted the horse na medyo nanibago sa kanya. She patted its head. "Easy, boy, easy.. ."
Nagpaalam ang matanda na saglit lang itong mawawala pero pagkaalis-‐‑alis pa lamang nito ay pinatakbo na ni Gaby ang kabayo. Gusto niyang mamasyal nang nag-‐‑iisa.
Nang bumalik ang matanda at wala na ang dalaga ay napakamot na lamang ito ng ulo. Noon pa lang ay kinakabahan na ito sa aabuting sermon sa amo.
BINABASA MO ANG
Forever In My Heart - Katrina Mandigal
RomanceMasayang namamasyal si Gabriella sa parang nang walang anu-ano ay nakaharap niya ang isang toro na akmang susuwagin siya. Before she could even scream, she was swept off her feet by powerful arms and carried away on a galloping horse. She had barely...