Chapter 3

383 10 0
                                    

Rancho Guevarra

Napatuwid ng upo si Gabriella nang makita ang nakaukit na iyon sa arkong kahoy papasok sa dati nilang hacienda. Alam niyang hindi na kanila iyon pero nang makita ang karatula, gumuhit sa kanyang alaala ang pamilyang itinaboy ni Agnes sa burol ni Don Alejandro. Pinaratangan nitong pinatay raw ni Don Ignacio Guevarra ang kanilang ama. Kahit bata pa siya noon at hindi nakita ang mga pangyayari ay hindi siya naniniwala na totoo ang paratang ng kapatid. Hindi niya alam kung bakit, but her instincts told her otherwise—mababait ang mga Guevarra at hindi gagawa ng kasuklamsuklam na bagay na iyon. At mukhang ngayon ay kanila na ang buong hacienda.

She was taken aback and her breath got caught in her throat upon seeing the wonderful sight of a spacious field, carpeted with green and lush grasses, and dotted with trees. The sky was amazingly blue like the sea. Ang kabundukan ay natitiyak niyang hindi pa nagagalaw ng teknolohiya ng mundo. Sa damuhan ay nagkalat ang iba't ibang wild flowers in different colors.

Daan-daan ang mga nanginginaing baka at kambing sa kaparangan. Napakarami ng mga iyon at sigurado siyang ang nagmamay-ari ay habang-buhay na mamumuhay sa katiwasayan sampu ng angkan nito. She was mesmerized by the sight. Buti na lang at tulog ang ate niya sa sinasakyan nilang Nissan Terrano, kung hindi ay baka na-criticize na naman siya nito at sabihing: "Act your age, Gaby. You're so childish."

Ibinaba niya ang window; pumasok ang malamig at amoy-pinipig na simoy ng hangin sa loob ng sasakyan. Gumalaw si Agnes pero hindi niya ito pinansin; masyado siyang occupied sa mga nakikita. Mayamaya pa ay natabingan ang meadow ng malawak na niyugan at sa likuran nito, she could hear the splashing of waves on the shore. How majestic! She wanted to jump out of the car at that very moment, strip off her clothes and run to the blue waters of the sea.

Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit noon lang sila nakabalik sa dating lupain and her greatest regret was that, hindi na kanila ang lahat ng biyayang iyong. Napakasuwerte ng mga Guevarra. They were surrounded by the beauty of nature. At least ay may opportunity siyang balik-balikan ang lugar na iyon kahit kailan niya gustuhin dahil mayroon silang matutuluyang villa. She could call the place home.

Kung siya ang papipiliin, ipagpapalit niya ang mansyon nila sa Makati sa lugar na iyon. Bakit ba kasi ngayon lang naalala ng ate niyang bumalik kami rito? Hindi niya tuloy malaman kung ipagpapasalamat niya ang pagkakaroon ng problema ng kapatid dahil kung hindi roon ay hindi sila makakabalik dito.

Tiningnan niya ang natutulog na kapatid. Agnes looked peaceful when asleep inspite of the fact na hindi mawala-wala ang kunot sa noo nito. Napailing at muling napatingin sa karagatan. Nakadama siya ng panghihinayang na hindi na iyon makita dahil natabingan na ng makakapal na kakahuyan. Napabuntunghininga siya at isinara na ang malinaw na salamin. Ni hindi niya alam na may karagatan pala sa parteng iyon ng Hacienda Montevera na ngayon ay Rancho Guevarra na.

Parang birong paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang isipan ang apelyido ng nagmamay-ari ng rancho. Lumitaw sa kanyang balintataw ang isang pares ng maiitim na mata—coal black eyes.... The eyes of a young boy that stared at her. Si....

Bago pa niya masagot ang sariling katanungan ay naramdaman niya ang pagyugyog ni Agnes sa kanya.

"Wake up, we're here," anito.

Naalimpungatan si Gaby. Nakaidlip pala ako, sa isip ay nasabi niya saka pupungas-pungas na naupo nang maayos upang mabuksan ang pinto ng sasakyan. Nanlalabo pa ang mga mata niya nang tumambad sa kanyang paningin ang villa. Panahon pa ng Español ang bahay pero kahit halata ang kalumaan ay malinis pa rin ang paligid. Nakabukas ang lahat ng capiz na bintana pati na ang sa may terrace. Naaalala niyang iyon ang kuwarto ng kanilang mga magulang; ang nasa right side ay ang kanya at sa left naman ang sa kanyang ate. Kahit papaano ay naaalala pa niya iyon dahil tumira siya roon for seven years.

Forever In My Heart - Katrina MandigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon