"EATING TIME!" sigaw ni Mark upang matawag ang pansin ng mga kasama na nagkalat sa Vista Leonora. Katulad ng nakagawian nila, simula nang dumating ang dalawang binata ay lagi nang namamasyal sina Gaby, Anton, Agnes, Mark at Jojo. Katulad nang araw na iyon, napagkasunduan nilang mag-picnic sa beach; inabot na sila ng hapunan doon. Agnes and Gaby were enjoying themselves so much, hindi na nila namalayang makakaisang buwan na sila sa Sta. Catalina.
Ang tanging regret nga lang ni Gaby ay wala pa silang maayos na pag-uusap ni Anton; lagi na lang silang nagbabangayan kapag nagkikita o di kaya ay laging bitin ang conversation nila. Pakiramdam tuloy niya ay may itinayong barrier ang lalaki sa pagitan nila at di niya malaman kung ikatutuwa o ikalulungkot iyon. Ang masaklap, parang napakalapit ni Anton sa ate niya. At ayaw man niyang aminin, nagseselos siya.
Muli niyang narinig ang pagtawag ni Mark sa kanila para kumain na. Nangangamoy barbecue at inihaw na seafoods ang paligid at kahit walang ganang kumain ay lumabas na rin siya sa tent. Kaagad niyang namataan sina Jojo at Mark na nasa may ihawan at pinapaypayan ang niluluto. Ngumiti siya.
"Come, luto na itong inihaw na sugpo," yaya ni Mark. He was dear to her pero as a friend lang. "Si Mark ang nagluto niyan, especially for you." Kumindat pa si Jojo sa kanya. If there was one thing na magkapareho ang magpinsang Anton at Jojo, iyon ay ang kanilang mga mata; both have ebony-black eyes.
"I really don't feel like eating. Medyo busog pa kasi ako. Mamaya na lang," aniya nang akmang iaabot sa kanya ni Mark ang malaking sugpo.
"Baka malipasan ka ng gutom, mahirap nang magka-ulcer," tugon nitong di maikakaila ang concern sa tinig. Tipid siyang ngumiti at umiling. Kung ganoon din sana ang pag-aalala ni Anton sa kanya.
"Well, kung ayaw mo pa, itatabi ko na muna ito para initin mamaya." Itinabi nga nito ang sugpo sa isang container.
Napailing si Jojo nang may maalala. "Nasaan na nga pala ang ate mo at si Anton? Kanina pang hapon 'yung dalawang 'yon, ah."
Kanina pang hapon... Naroon na naman ang pinong kurot sa kanyang puso. Ayaw niyang isipin kung ano ang ginagawa ng dalawa, kung gaano kasaya ang mga ito. Isipin pa lang niya iyon ay para na siyang dinudurog nang pino.
"Baka nasa tabi-tabi lang. They seem to enjoy each other's company at kung hindi ako nagkakamali ng hinala, baka sila na," makahulugang sabi ni Mark.
Kumibit-balikat si Jojo. "Alam mo naman ang pinsan ko..."
"Gusto niyang maiyak sa pinagsasasabi ng mga ito. Tumikhim siya at naging mailap ang mga mata. "M-maglalakad-lakad lang muna ako." Kahit sa boses niya ay 'di maitago ang hinanakit.
Napatigil si Mark sa pagluluto ng inihaw. "Gusto mong samahan kita?"
Umiling siya. "No. Gusto ko munang mapag-isa."
"Pero madilim na; baka manganib ka sa daan. Mabuti pang samahan na kita." Nagsusumamo ang mga mata nito and she was touched by his compassion.
Nakangiting lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi. "Thank you, Mark. Honestly, hindi ko alam kung paano gagantihan ang kabutihan mo sa akin," aniya, her eyes misty. Speechless ang dalawang lalaki.
"W-well, I-I..." kandautal na sabi nito. Kumukurap-kurap si Jojo.
Umatras siya palayo sa mga ito. "I want to be alone for a while. Huwag kayong mag-alala sa akin, babalik din ako mayamaya," aniya at mabilis na tumalilis habang hindi pa natitinag ang dalawa na animo nahipnotismo.
THE GENTLE WIND blew Gabriella's hair as she walked barefoot along the shore. She felt a bit cold at niyakap pa niya ang sarili kahit na nakasuot siya ng makapal na coat. Paminsan-minsan ay may tumatamang alon sa kanya pero 'di niya pansin iyon. She looked up at the dark sky; walang buwan o bituin kundi mga ulap lamang, nagbabadya ng pag-ulan.
Ilang linggo na ang nakakalipas nang dumating sila sa Sta. Catalina. Hindi niya makalimutan ang araw na iniligtas siya ni Anton. Gabi-gabi ay napanaginipan niya ito at sa araw ay lagi itong naiisip; he haunted her. Lalo pang napahigpit ang yakap niya sa sarili nang may mabuong hinala kung bakit siya nagkakaganoon.
Oh, God, am I in love with him? Nangako siyang hindi ibibigay ang puso sa isang lalaki dahil ayaw niyang matulad sa kanyang mga kaibigan pero mas masakit pa ang nadarama niya ngayon. Mahal niya si Anton; there was no use denying it. Ang masaklap, walang kasiguruhan ang pag-ibig niya. Iniiwasan siya ng lalaki at ang atensyon nito ay na kay Agnes.
Naalala niya ang araw na nakita niya si Stephen kasama si Olivia. Hindi siya nasaktan o nagselos kahit pa nobyo niya ang binata. Ngayon, wala siyang karapatang magselos pero hindi niya maiwasan.
Her eyes started to form tears that she tried to hold back. He doesn't even know what I feel for him. And I doubt if he'd ever care enough for me to know. Pumatak na ang kanyang mga luha.
Ang masakit, ang kaagaw pa niya sa kaligayahan ay ang mismong kapatid. Gusto na niyang panghinaan ng tuhod. She cried silently for a few minutes.
Malayo na siya sa mga kasamahan nang magsimulang pumatak ang ulan; una ay ambon lang bago sinundan ng hangin at malalaking patak. Nakikiayon ang panahon sa pighati niya. She started to run, hardly thinking of where she was headed.
Naghalo na ang luha at ulan sa hilam na mukha ni Gabriella, nanlalabo ang kanyang paningin at magulo ang isip pero nakarating pa rin siya sa kubo ni Anton.
Di niya mapigilan ang pangangatal ng buong katawan at halos hindi niya maihakbang ang mga paa sa loob ng kubo sa kalamigan. She was freezing to death! Malapit na siya sa kuwartong pinasok noon, nang lumabas mula roon si Anton.
"Gabriella.. ?" sindak na anas nito na nag-a-adjust pa lang ng mga mata sa dilim.
"A-Anton..." kandautal niyang bulong; nanginginig sa lamig.
"My God! What happened to you?" 'di maikakaila ang pag-aalala sa boses na tanong nito.
Inilang hakbang nito ang pagitan nila at tiyempong makalapit na ito nang husto ay nag-collapse si Gabriella—sa pangalawang pagkakataon—sa mga bisig nito.
BINABASA MO ANG
Forever In My Heart - Katrina Mandigal
RomanceMasayang namamasyal si Gabriella sa parang nang walang anu-ano ay nakaharap niya ang isang toro na akmang susuwagin siya. Before she could even scream, she was swept off her feet by powerful arms and carried away on a galloping horse. She had barely...