Chapter 14

350 8 0
                                    

ISANG ARAW PA LANG wala si Gaby ay di na mapakali si Anton. Madalas ay nasa kubo lang siya at inaalala ang naganap sa kanila roon. He could still smell her scent of roses and mint. And the bite mark na iniwan nito after he saved her life ay naroon pa rin sa kanyang braso. Ngayon ay pinapahalagahan niya iyon na parang isang kayamanan.

Nang hapong iyon ay nagtungo siya sa villa. Wala ang kanyang mga magulang dahil nagsimba at di niya inaasahan ang isang bisita.

"Hi, Anton!" masiglang bati ni Agnes, may kakaibang kislap ang mga mata.

Sumeryoso siya. "Why are you here?"

She frowned. "Ganyan ba ang trato sa magiging sister-­‐‑in-­‐‑law?" kunwa'y nagtatampong tugon nito.

He was annoyed and he showed it. "C'mon, Agnes, don't beat around the bush. I know the kind of game you're playing pero huwag mo akong isali." Nilampasan niya ito.

"Bakit, wala ka bang tiwala sa sarili mo?" she jested.

Napatigil siya sa paglalakad. "May tiwala ako sa sarili ko pero sa 'yo, wala," ganting tuya niya.

Nagngitngit si Agnes. "Kalimutan na natin 'yon, Anton." Ang tinutukoy nito ay ang araw nang sinubukan nitong akitin siya. "I've changed, believe me. Hangad ko ang kaligayahan ninyo ng kapatid ko," pagkukunwari nito.

Iritado na siya. "Ano ba talaga'ng gusto mo?"

Kung hindi lang babae ang kanyang kaharap ay napalayas na niya ito.

Lumapit ito. "Let's drink and celebrate sa nalalapit ninyong kasal ng kapatid ko, 'yun lang.

Don't tell me na tatanggihan mo pa 'yon."

Ilang saglit na nag-­‐‑isip siya. Then, finally,

"Okay, we'll do it my way. Just a shot of brandy.

'Yun lang, Agnes," aniya at nauna na sa bar ng villa.

Sumunod ito. Your way, Anton? We'll see about that.. .

Ang isang shot ng brandy ay naging kalahating bote at di napansin ni Anton na nilagyan ni Agnes ng gamot ang alak niya. Medyo lango na siya at hindi napansin na nahila na siya nito sa sariling silid. Now, she was stripping off her clothes in front of him.

"Come, Antonio.. Touch me.. ." She was half-­‐‑naked; nilapitan nito ang lalaking nanlalambot na nakaupo sa gilid ng kama.

Sa paningin ni Anton ay si Gaby ang nasa harap niya. Dumampi-­‐‑dampi ang mga halik nito sa kanyang mukha. "Oh, Gabriella, Gabriella. . "

Natilihan si Agnes na kumulo ang dugo nang marinig ang tinatawag na pangalan ng lalaki.

Kahit sa kalasingan ay si Gaby ang iniisip niya.

Namula ito sa galit at kahihiyan. "Damn you!"

She slapped him hard at ang langong isipan ay unti-­‐‑unting natatauhan. Idagdag pang matapos ang sampal ay ibinuhos nito ang natitirang laman ng bote sa kanya. Dahilan iyon upang magising siya sa katotohanan.

"W-­‐‑what are you doing here?" Napatayo siya sa galit.

Nanlilisik ang mga mata nito at pinagbabayo ng suntok ang dibdib niya. "Damn you! You seduced me! You seduced me!" sigaw nito. Kasabay noon ay mapait itong lumuluha.

Pinigilan ni Anton ang hysterical na babae. "You teased me at pinainom mo ako ng alak na may gamot. Why, yes, naaalala ko na." Sa galit ay itinulak niya ito; napaupo ito sa carpet. Ni minsan ay di pa siya nanakit ng babae pero ang ginawa nito ay di niya mapapalampas.

Umiiyak si Agnes while putting all the blame on him. Mabuti na lang at walang nangyari. Ibinato niya ang damit nito. "Pinababa mo ang pagkakakilala ko sa 'yo, Agnes. I don't know what made you do that at kung may kahihiyan ka pa, magbihis ka't huwag nang magpapakita sa akin," aniya at tatalikod na sana upang magtungo sa banyo nang magsalita ito.

Forever In My Heart - Katrina MandigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon