HINDI LANG SA VISTA LEONORA nakarating si Gaby. Lumayu-layo pa siya kahit hindi sigurado kung mapanganib ang tinutungo niya o hindi. Ngayon nga ay tinatahak niya ang masukal na daan; mapuno roon kaya kakaunti lang ang liwanag na pumapasok sa pagitan ng mga nagtataasang puno. Para di maligaw, tinandaan niya ang daang pinasok.
Patuloy siya sa marahang pagpapatakbo sa kabayo nang mamataan na sa unahan ng kanyang tinatahak ay maliwanag at wala nang puno. Naengganyo siyang pumunta at gayon na lamang ang kanyang pagkamangha nang makakita ng isang batis; walang kasing-linaw ang tubig. Para siyang batang biglang tumalon sa kabayo at tinungo ang batis. Nagkasya na lamang siya sa pagtatampisaw ng mga paa sa tubig. Naka-fitted na pantalon siya at basa na ang laylayan niyon. But who cares?
Pumunta siya sa may batuhan at lalong nagilalas nang makita mula roon ang isang maliit na talon. Gusto na niyang hubarin ang damit at lumangoy sa may kalaliman malapit sa talon pero nagpigil siya. Ipinangako niya sa sariling babalikan ang lugar na iyon.
Binalikan ni Gaby ang kabayo pero hindi siya sumakay. Ginabayan na lamang niya ito para makadaan sila sa sapa. Nakakailang lakad pa lamang sila nang makakita siya ng kubo sa isang dako. Kinabahan siyang baka makita siya ng may-ari at magalit dahil pumasok siya sa teritoryo nito. Aalis na sana siya nang magbago ang isip. Hinila niya ang kabayo sa likuran ng kubo, itinali sa isa sa mga puno at saka nilibot ang kabuuan ng bahay. Typical na nipa hut iyon—simple, komportable, presko at maliit. Nag-'Tao po' siya nang ilang ulit pero nang walang sumasagot ay di na nag-atubiling pumasok.
"Hello? Anybody home?" tawag niyang muli nang tuluyang makapasok. Pinagmasdan niya ang interior ng bahay. Simple lang iyon. May isang kawayang sofa sa tabi ng bintana na may katernong center table na varnished. Pati ang sahig ay kawayan din at ang bubong ay nipa. Kurtina ang tumatabing sa nag-iisang kuwarto at walang division ang sala at kusina kasama na ang dining room na may isang round table at silya sa gitna. Tinungo niya ang banggerahan na may iilang kagamitan. May toothbrush at toothpaste pa. Doon pa lang ay nasisigurado na niyang may nakatira roon at nag-iisa lang marahil. Pumunta siya sa kuwarto.
Isang kawayang papag lang ang nandoon; walang aparador o kahit maliit na night table man lang. Nakalatag sa papag ang isang polo at kupasing pantalon; nakasabit sa gilid ng kuwarto ang isang gitara. Napalunok siya. Lalaki ang nakatira sa bahay na ito. Ipinagdasal niyang sana ay huwag muna itong dumating. Kinuha niya ang gitara. Marunong siyang mag-play niyon dahil kasama siya sa church choir noon. She started strumming a song.
Dagli siyang napahinto nang makarinig ng papalapit na mga yabag ng kabayo. Her instincts told her she must hide para di makita ng may-ari ng bahay pero saan? Walang pintuan o cabinet na mapagtataguan. Tiningnan niya ang bintana, naisip na tumalon doon pero nagdalawang-isip na baka makita siya. At isa pa, naririnig na niya ang mga yabag na siguradong mula sa isang malaking tao, papalapit sa kuwartong kinaroroonan niya!
Wala siyang magawa kundi ang dumapa at magtago sa ilalim ng papag. Dali-dali siyang sumiksik doon at sinikap na huwag gumawa ng ingay. Tinakpan pa niya ang ilong dahil maalikabok sa ilalim niyon at baka bumahin siya nang di-oras.
"Diyos ko! Ano ba naman itong napasok ko? Huwag sana niya akong makita," piping hiling ni Gaby sa ilalim ng papag.
Pumasok ang may-ari ng bahay; ang nakikita lang niya ay mga paa nitong walang tsinelas hanggang sa may binti at nasisigurado niya, mataas ang mama na malamang ay lampas anim na talampakan. Nagulat siya nang maramdamang naupo ito sa papag. Akala niya ay magigiba iyon at maiipit siya sa ilalim.
Ang lalaki naman na pumasok sa silid ay nagtaka kung bakit hindi na nakasabit ang gitara nito. Ipinagpalagay na lang nitong naiwan nito iyong sa ibabaw ng papag nang nakaraang gabi bago umuwi sa tunay na bahay. Ibinalik nito iyon sa sabitan saka dumungaw sa bintana.
Kinakabahan si Gaby na baka makita ng malaking mama ang kabayo niya. Naalala niyang nasa likod-bahay iyon at hindi sa harap ng kuwarto. Muli itong bumalik sa may papag upang kunin ang mga damit. Inuna nito ang pag-aalis ng t-shirt na pawisin at may karumihan na dahil sa pagtatrabaho nito sa bukid.
Pinakiramdaman niya ito. Natilihan siya nang marinig ang pagbababa nito ng zipper ng pantalon; napalunok siya nang ilang ulit at pinagpawisan nang malamig. Mabuti na lamang at sa pagkakadapa sa ilalim ay hindi niya kita ang itaas na bahagi ng katawan nito. Gayunpaman, kahit kalahati lang ng hita nito ang nakikita, napasinghap siya dahil nang hubarin nito ang pantalon ay lumitaw ang maskuladong hita nito. Na-i-imagine na niyang sculptured ang kabuuan nito like a gorgeous warrior. She was shivering from both fear and excitement and she felt ashamed of it!
Dasal siya nang dasal na sana ay umalis na ang lalaki. Di na siya makatagal sa ilalim ng maalikabok na papag at pakiramdam niya, she would sneeze anytime.
Hindi natuloy ang pagbahin niya nang makita ang isang maliit na dagang malapit na sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa takot hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagtili nang gapangin siya nito. Napapadyak siyang palabas sa papag, una ang ulo.
Nang sandaling iyon ay itinataas pa lang ng lalaki ang pantalon; nang marinig ang tili ng isang babae ay napabilis ang kilos nito.
Tumitili pa rin si Gaby, exposing her head out of the bed.
"Damn!" mura ng lalaki. Bakit nagkar'on ng babae sa kuwarto ko?
Ang dalaga ay nagmamadaling gumapang papalabas sa ilalim ng papag, nanginginig sa takot na lalo lamang nadagdagan nang marinig ang dumadagundong na tanong ni Anton.
"What the hell are you doing here?
BINABASA MO ANG
Forever In My Heart - Katrina Mandigal
RomansMasayang namamasyal si Gabriella sa parang nang walang anu-ano ay nakaharap niya ang isang toro na akmang susuwagin siya. Before she could even scream, she was swept off her feet by powerful arms and carried away on a galloping horse. She had barely...