"WHAT'S THE MEANING OF THIS?"
Dumadagundong ang tanong na iyon sa loob ng silid. Sabay na bumalikwas ang dalawang nasa papag.
Inagapan ni Anton na huwag mahubad ang kumot na nagtatakip sa hubad na katawan ni Gaby. Hilakbot ang babae nang makilala ang sumigaw, si Don Ignacio, namumula sa galit. Sa puntong iyon pumasok si Doña Leonora. She was shocked at what she saw.
"I'll explain ev—"
Kaagad na pinutol ni Don Ignacio ang sinasabi ng anak. "Ayusin ninyo ang sarili ninyo; hihintayin namin kayo sa labas," matigas nitong utos. Iyon lang at marahas na itong tumalikod at hinila ang asawang natulala sa bilis ng pangyayari. Mabuti pala at naisipan ni Don Ignacio na daanan ang anak sa kubo nito para ipaalam na nawawala si Gaby matapos magpaalam na maglalakad-lakad lang nang nakaraang gabi.
Samantala, ang dalawa sa loob ng silid ay walang imikan. Nakayuko at namumula sa kahihiyan si Gaby samantalang si Anton ay malalim ang iniisip. Mayamaya pa ay tumayo na ito at pinulot ang mga nagkalat na damit at kinuha sa sabitan ang damit niya na medyo basa pa.
"Get dressed, haharapin natin sila," determinadong sabi nito.
Nilamig ulit siya. "A-ano ba'ng nagawa natin?" wala sa sariling tanong niya.
Saglit na tinantiya siya nito at nahagip ng mga mata ang bloodstain sa kubrekama na tinititigan din niya. "We made love last night, don't you remember?" His eyes already showed pain kahit wala pa siyang sinasagot.
How can I forget last night? It was the most magical moment in my life. I'm complete because of you, she wanted to say, but chose to keep quiet. A tear rolled down her cheek.
Hindi iyon nakatakas sa paningin ni Anton.
"Hush, Love. Everything will be all right, I promise," he whispered. He held her closer and she cried on his chest.
"W-wala na akong... m-mukhang i-ihaharap..." sisiguk-sigok niyang simula.
Hinagud-hagod nito ang likod niya pagkatapos ay bumuntunghininga. "I'll take care of everything. Don't wor—"
"But what are we going to do?" She was frantic.
"I'll marry you," he said without blinking an eye.
Natilihan si Gaby. Gusto sana niyang matuwa sa proposal nito pero ang kasal ay para sa taong nagmamahalan at hindi sila ganoon ni Anton.
Siya lang ang nagmamahal dito. She could not believe that he could decide about such a commitment without thinking about it. Gusto niyang sabihing kung awa lang o dahil sa nagalaw siya nito kaya gusto siyang pakasalan, mabuti pang kalimutan na nila ang lahat. She was not willing to marry a man who did not love her because they would never be happy together that way. And she did not want him to be miserable.
Kumalas siya rito; there was anxiety in her eyes. "B-‐‑but, Anton.. ."
Bigla itong nagalit. "No more buts, Gabriella!" he yelled at her. "You're mine now and will remain mine whether you like it or not, got that?" he whispered now but was still furious. Inakala nitong ayaw talaga niyang pakasal dito kahit na may namagitan na sa kanila.
Napayuko siya. Determinado ang lalaki pero imbis na masiyahan ay nalulungkot pa siya sa nangyayari. Wala itong pakialam na nagbihis sa harap niya.
"Hurry up and get dressed," malamig nitong sabi.
Nanatili siyang nakayuko. "W-‐‑what am I going to say.. ?" she helplessly asked.
There was pain in his eyes when he looked at her. "Just tell them you love me."
SINUNOD NI GABY ang sinabi ni Anton nang walang hirap dahil sa totoo iyon sa kanyang kalooban. Kung alam lang sana nitong mula sa puso niya ang admission na iyon.
Sakay na sila ng Toyota Land Cruiser ng lalaki patungo sa Villa Leonora kung saan naghihintay sa kanya sina Agnes at Mark. Si Jojo ay nagkaroon ng urgent appointment sa Maynila at kinailangang umalis kaagad.
Kung namangha siya sa villa nila noong una iyong makita pagkaraan ng maraming taon, mas higit sa villa ng mga Guevarra na modern American and French ang architecture.
Nakita ni Anton ang paghanga sa mga mata ni Gaby and he was pleased. Inakbayan siya nito. "Welcome to our home," he whispered.
Bumungad sa kanya ang nag-‐‑aalalang mukha ni Mark at pagkainip sa ate niya.
Napatayo ang binata nang makita siya. "Thank God! Akala ko'y kung ano na'ng nangya—" Akmang lalapitan siya nang makita ang possessive na akbay ni Anton sa kanya.
Namutla ito. "W-‐‑what's this?" Nagpalipat-‐‑lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.
Tumikhim si Don Ignacio para maputol ang tensyon. "It's better if we all sat down and talked this out."
Pahapyaw na isinalaysay ng don ang nangyari at in-‐‑announce sa kanila ang engagement nina Antonio at Gabriella.
Hindi naitago ni Mark na nasaktan ito, samantalang si Agnes ay pilit itinatago ang panibugho at pagkasuklam. Nakialam ang estupida niyang kapatid! At kaya pala kahapon na halos buong araw silang magkasama ni Anton, ilang ulit niyang inakit ito pero nanatiling tuod at malamig ang lalaki at imbis ay iniwan siya at ipinaalam na may aasikasuhing 'mahalagang bagay,' iyon pala ay kapatid niya ang aasikasuhin nito!
"Is everything settled now, Agnes?" putol ng doña sa pag-‐‑iisip ng babae. Mapakla itong ngumiti.
"Everything's settled. Anton and my sister have my blessings." Naka-‐‑plaster ang ngiti sa labi nito at hinarap ang kapatid. "I'm so happy for you, dear sister."
She embraced her fiercely but Gaby sensed that something was terribly wrong.
SIMULA NANG MAGANAP ang engagement nila ni Anton ay bihira nang kibuin si Gaby ng kapatid. Madalas pa ay umaalis ito, kung anuman ang inaasikaso ay hindi niya alam.
Naikuwento na rin ni Gaby kay Cris ang tungkol sa kasal maliban lang sa mga intimate na nangyari sa kanila ni Anton. Darating ang kaibigan niya isang buwan bago ang kasal.
Dinalaw siya ng lalaki nang umagang iyon at niyayang mag-picnic sa orchard. Tig-isa sila ng kabayo nang magtungo roon. Hindi nila nakita ang nanlilisik na mga mata ni Agnes na nakasubaybay sa kanila mula sa terasa.
Agnes smiled mysteriously and turned on her cellular phone upang kontakin ang sekretarya.
"Si Agnes Montevera ito," aniya. Saglit na katahimikan. "Umalis ang kapatid ko ngayun-ngayon lang. This afternoon, I want you to call her. Alam mo na'ng sasabihin mo." May kislap sa mga mata niya habang iniisip ang tungkol sa plano na inasikaso nitong nakaraang mga araw.
Pati ang sekretarya niya ay napilitang sumunod.
"Listen, Milet, you do exactly as I told you or you'll have to find yourself another job," may banta sa tinig niya at ini-off na ang cell phone.
BINABASA MO ANG
Forever In My Heart - Katrina Mandigal
RomanceMasayang namamasyal si Gabriella sa parang nang walang anu-ano ay nakaharap niya ang isang toro na akmang susuwagin siya. Before she could even scream, she was swept off her feet by powerful arms and carried away on a galloping horse. She had barely...