Chapter 8

283 8 0
                                    

NATIGILAN SI GABY sa pagtatangkang makatalilis ng takbo at napako sa kinatatayuan, nakatalikod sa binata. Kailanman sa kanyang buhay ay hindi niya makakalimutan ang boses na iyon. Sa tuwing magkikita na lamang ba sila ni Anton ay lagi itong sumisigaw sa kanya?

Ipinagpatuloy ni Anton ang pagsusuot ng damit habang nakatalikod sa kanya. Nang matapos ay huminga ito nang malalim at bumilang ng sampu para mapigilan ang pagbubulalas ng mga salitang pareho nilang pagsisisihan.

"Why... are... you... here?" putul-putol na tanong nito.

Nagitla pa siya nang muli itong magsalita. She tried to explain but could not find her voice.

"I said, bakit ka nandito?" mahina ngunit mariing tanong nito. Halos magsalubong na ang mga kilay nito.

Napalunok ulit si Gaby. "I-I w-was..." she stammered.

"You were what?"

"I-I was... I-I... I-I didn't..." kandautal pa rin siya. Heaven help her! Sana bumuka ang lupa at lumubog siya sa kinatatayuan. Hindi na siya makatagal sa kahihiyan.

"Gabriella!" exasperated na sigaw nito.

Napabilis ang pagsagot niya. "W-wala akong nakita!"

Ilang segundo hindi nakuha ni Anton ang sinabi niya bago naliwanagan at saka pinigilan ang tawa. Napailing-iling ito at hinagod ng tingin ang likod ng dalaga.

Kung lilingon lang si Gaby ay makikita niya ang amusement sa mga mata ng lalaki.

Naramdaman na lamang niya nang humakbang ito palapit sa kanya; napapikit siya. She wanted to run but her knees were weak. Pinipigilan lang niya ang sariling mahimatay.

Narinig niya ang buntunghininga nito.

"Gabriella, look at me," utos nito. His voice was tender at ang pagkakabigkas nito ng buo niyang pangalan ay may hatid na kilig sa kanya.

From where he stood just a few steps away from her, Anton could smell the scent of roses and mint. Nakalugay ang buhok ng babae and... oh, how he wanted to run his fingers through it, and then kiss her deeply and passionately. Pinigilan nito ang sarili. "Haharap ka ba ngayon sa akin o hindi?" May babala sa tinig nito.

Napapikit siya at dahan-dahang pumihit paharap dito. Nakayuko siya nang humarap dito, trying to avoid his penetrating look. He frowned nang makita ang ayos niya. Hindi na ito nagbigay ng babala. Hinawakan siya nito sa baba and made her look at him. She just kept on avoiding his gaze.

"Did I say something wrong?"

Sa pagtataka niya ay iyon ang unang itinanong nito. Napakurap-kurap siya, then frowned. "N-no—"

Pinutol siya nito bago pa siya makapag-explain. "Dammit! Then why are you crying?" May pagkabahala sa boses nito.

Muli siyang kumurap at dinama ng daliri ang pisngi. Nagulat siya nang matuklasang basa iyon; bakit siya umiiyak?

Ilang minutong wala silang imikan; it seemed like eternity.

Malalim ang iniisip ni Anton. Bakit umiiyak si Gabriella? Was she scared of him? But he had no intention of scaring a woman especially her.

Si Gaby ang bumasag ng katahimikan. "I-I have to go," maikli niyang sambit at akmang tatalikod pero pinigilan siya nito. She was stunned with his warm touch.

"Only after we talk," tugon nito.

"Sa villa na lang tayo mag-usap kung gusto mo," aniya, itinatago ang pangangatal ng boses.

He let out a low growl. "If I want to talk to you here, we'll talk here. Got that?" he insisted.

Naiirita siya sa kakulitan nito. She gathered her strength at ipiniksi ang braso. Pinabayaan siya nito. Mas mataray na siyang humarap dito. "All right, we'll talk. Ipapaliwanag ko kung bakit ako napadpad dito. Just quit frowning and shouting at me. Got that?" panggagaya niya sa intonation nito at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Hiniram ko ang kabayo sa isa sa mga tauhan mo and I rode around till napadpad ako dito. Nag-'Tao-po' ako pero walang sumagot so I assumed na walang tao dito kaya pumasok ako. Hiniram ko sandali 'yang gitara mo pero wala na akong ibang pinakialaman nang dumating ka. Akala ko kung sino ka kaya nagtago ako sa ilalim ng papag, then... may nakita akong daga so I screamed," pagsasalaysay niya pero parang hindi nakikinig sa kanya ang binata. Basta nakatitig lang ito sa kanya.

"Nakikinig ka ba? Tapos na ako sa kuwento ko. Puwede na siguro akong umalis ngayon," aniya. Walang reaksyon mula rito kundi ang pagtaas lang ng sulok ng labi nito. Gustong pag-initan ng mukha ni Gaby; wala namang nakakatawa sa sinabi niya.

"Sinabi ko bang 'yon ang pag-uusapan natin?" panunuya nito.

"Ano ba talaga ang gusto mo?" inis na tanong niya.

"To get even with you," sagot ni Anton, his black eyes staring down on her.

"To get what?" Hindi niya sigurado kung tama ang kanyang narinig.

Imbis na sumagot ay lumapit ito sa kanya and stopped an inch away from her. Mataas ang lalaki, about 6'2", at kailangan nitong yumuko. When he whispered in her ear, it made her shiver.

"Remember the day we first met?"

Naguluhan si Gaby. Ano ang ibig nitong sabihin? When she was seven years old o noong nakaraang ilang araw?

"The day I kissed you." Parang nabasa nito ang iniisip niya nang makita ang confusion sa kanyang mga mata.

Bigla siyang kinabahan. "C-can't we just forget about that? Hindi ko naman sinasadya 'yon, eh...." pagmamakaawa niya.

He smiled. "How can I ever forget that day? Since then, you were never off my mind."

His face was only an inch away from hers and his breath was fanning her face. Gusto na niyang pumikit; she longed to kiss him again. She had to hold on to her last thread of control. "I-I'm sorry for... for biting your arm..." Like him, she was whispering now. He was getting closer and closer...

"I'll forgive you..." anito "... but only after this..." He bent his head just when she closed her eyes. Their lips touched in a featherlike kiss.

Muling hinagkan ni Anton si Gaby, padampi-dampi sa labi niya at akala nito ay makokontento na ito roon pero nagkamali ito. Ang damping halik ay naging mapusok, mapang-angkin at humihingi ng katugon.

She was so sweet, so soft and delicate, he wanted her to kiss him back as passionately as he was kissing her. He demanded response from her and he succeeded.

They kissed for a long time. Hapit-hapit ni Anton ang baywang ni Gaby and she was clinging to his neck. He pressed her hard against his body hanggang maramdaman niya ang pangangailangan nito. Doon siya natauhan. She opened her eyes and pushed him away as strongly as she could. Naghiwalay sila at nabanaag niya sa mukha ng lalaki ang pagtataka... at panghihinayang.

Her breathing was uneven like Anton's. In frustration, sinuklay-suklay ng lalaki ang buhok; ang ilang hibla ay bumagsak sa noo nito. Lalo lang itong nagmukhang rugged. Pareho silang walang imikan, hinahabol ang hininga habang nakatayo. She was trying to get her composure back at lakas-loob na harapin ang lalaki kahit pa feeling niya ay nagba-blush siya sa kahihiyan sa naging kapusukan.

She broke the silence. "Am I forgiven now?" Hindi siya makatingin nang deretso rito.

Natigilan ito at napatingin sa kanya. Ilang segundong pinag-isipan nito ang kanyang sinabi saka nagtagis ang mga bagang. Like hell you are! gusto nitong isigaw sa mukha niya pero pinigilan ang sarili.

He was frowning at her when he finally spoke. "Puwede ka nang umalis," anito dahil kung tumagal pa nang ilang minuto ang babae sa harap nito, hindi na nito alam kung ano ang gagawin.

Nasa labas na si Gaby nang muling tawagin ng lalaking nakasunod sa kanya. Ang dalawang kamay nito ay nakapasok sa bulsa ng pantalon at nakatitig sa kanya. Gusto niyang sabihing tigilan na nito ang pagtitig sa kanya nang ganoon dahil nanghihina siya.

"What?" tanong niya na hindi maikakaila ang pagkainis.

"You'll never forget me," pangako nito. Metro na ang layo nito sa kanya pero tensyonado na naman siya.

She mounted her horse with a frown sa pagtataka sa sinabi nito. Sino ito para sabihing hindi niya ito makakalimutan? Gusto niya itong tuyain na hindi mangyayari ang sinasabi nito, but deep inside her, pakiramdam niya ay totoo iyon.

"Anton..." tawag niya sa lalaking nakakailang hakbang pa lang pabalik sa kubo. Humarap ito.

"Yes?"

"It'll be easy to forget you." Nagtaka siya sa sarili dahil parang hindi umaayon ang puso niya sa sinabi. She rode off.

Forever In My Heart - Katrina MandigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon