Chapter 2

414 9 1
                                    

Isang humaharurot na Ferrari ang pumasok sa bakuran ng mansyon ng mga Montevera. Napatayo sa upuan ang nagbabasa ng documents na si Gaby nang marinig ang ingay. Nasisigurado niyang sa kanyang ate ang kotseng iyon at galit ito.

Dumungaw siya sa bintana mula sa kanyang kuwarto sa second floor at nakita ang mga takot na mukha ng ilang katulong at ang kanilang guwardya na kakamut-kamot pa ng ulo habang isinasara ang gate. Nasinghalan na naman ng ate niya ang mga ito.

Nagmadali siya sa pagbaba upang salubungin ang kapatid. Nasa gitna pa lang siya ng hagdan nang marinig ang iritadong sigaw nito. Ano na naman ba ang problema ng kanyang ate?

"Dina! 'Yung mga gamit ko, kunin mo sa compartment ng kotse. Bilisan mo!" sigaw ni Agnes, her mood as black as night.

Napailing-iling si Gaby at sinalubong ito. "Hindi na kita babatiin ng good evening dahil mukhang hindi maganda ang gabi mo."

Initsa nito ang blazer na suot sa sofa. "Sinabi mo pa!" inis na bulong nito.

"Now tell me, what's the matter this time? May problema ba sa opisina?" concerned na tanong niya.

"It's none of your damned business!" Ipinahinga nito ang pagal na katawan sa malambot na sofa at ipinikit ang mga mata.

"Lalaki ba'ng problema?"

Napamulat ito at galit siyang tiningnan. "At kailan naman ako nagkaproblema sa lalaki, aber? Hindi ko sila kailangan sa buhay ko," anito.

"Okay, sorry for bringing that up. Wala ka nga palang interes sa lalaki." Just like me, naisip niya. "Eh, ano ba talaga ang problema mo?" pangungulit pa niya.

Imbis na sumagot ay tumayo ito at nilampasan siya. "Next time ko na lang sasabihin sa 'yo kapag nakaisip na ako ng solusyon," pagod nitong tugon.

Kumibit-balikat siya. "I thought so. Ganyan ka naman, eh. You never tell me your problems. Sasabihin mo lang kapag tapos na. You never trusted me. I can be of help to you, Ate."

Agnes rolled her eyes to show irritation. "Oh, c'mon, Gaby! Hindi tayo pinalaking close sa isa't isa, alam mo 'yan. At isa pa, bakit ko ipapakita sa 'yo ang weaknesses ko? Weaknesses should be concealed," anito.

She was hurt by her sister's words. Totoo iyon; malayo ang loob niya sa kapatid. Masyado kasi itong perfectionist, demanding at ni hindi marunong mag-appreciate ng mga bagay na ibinibigay niya. All her life, ganoon ang kalakaran nila. Madalas siyang nagbibigay ng kung anu-ano na tinatanggap nito pero hindi ito nagpapasalamat sa kanya or ngumingiti man lang para ipakita ang kahalagahan niya rito. She tried and did everything to please her but she always failed. Si Auntie Mae lang ang mabait at thoughtful sa kanya. Alam niyang may malambot ding bahagi ng puso ang kapatid; ayaw lang nitong ipakita.

Napabuntunghininga siya at akmang tatalikod nang mag-ring ang telepono. Bago pa niya madampot iyon ay naunahan na siya ng kanyang ate na nakatayo sa tapat ng telepono.

"Yes?" kaagad na sagot nito na hindi man lang nag-hello o nag-good evening sa nasa kabilang linya.

Sandaling katahimikan, mayamaya ay humarap ito sa kanya. "For you," anito, sabay abot ng phone sa kanya.

"Sino raw?"

"Si Stephen." Umismid pa ito.

"I don't want to talk to him. Break na kami," simpleng sagot niya.

Hindi nagulat si Agnes sa nalaman. "Bakit?" tanong nito.

"I saw him with another woman, si Olivia, 'yung bargirl sa isang first-class club sa Makati," aniya.

Napatangu-tango ito at walang sabi-sabing ibinaba ang telepono. "Buti naman at napag-isip-isip mong inutil din ang lalaking 'yan. Pare-pareho sila. Kayamanan at katawan lang natin ang gusto nila; mga gold diggers!" anito. Napangiti silang pareho sa komentong iyon. Nakakailang hakbang pa lang ito sa hagdan nang lingunin siya.

"And Gaby...."

"What?"

"Change that dress. Para kang prostitute sa ayos mo."

Hindi niya malaman kung comment iyon o insulto pero bago pa nakasagot ay iniwan na siya nito. Pinasadahan niya ng tingin ang sarili at napakunot-noo. Maayos naman ang suot niya at komportable sa shorts at blouse.

Not all that Agnes wants, Agnes gets. I've stopped trying to please you, my dear sister, naisip niya bago umakyat ng sariling silid.

KINABUKASAN, kumakain sila ng almusal sa komedor nang may ibalita si Agnes.

"Pack your things. Sa makalawa'y pupunta tayo sa Sta. Catalina at magbabakasyon doon ng isang buwan," sabi nito.

Napatigil sa pagnguya si Gaby at napatitig sa kapatid.

"You heard me right. Pupunta tayo sa hacienda natin sa Sta. Catalina."

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "It's strange kung bakit ngayon mo pa naisipang pumunta sa hacienda. After eighteen long years! As far as I can remember, you never wanted to go back there. Why the sudden change of mind?"

Ibinaba nito ang kubyertos. "Wala kang pakialam kung bakit gusto kong pumunta doon. Basta't pag sinabi kong pupunta tayo, pupunta tayo. Tapos."

Kumibit-balikat siya saka ipinagpatuloy ang pagkain nang may maalala. "Akala ko ba'y nasabi sa testamento na ang buong lupain natin ay nakasanla at wala nang natira sa atin bilang pamana ng Papa. Ano pa'ng babalikan natin d'on? Hindi sa ayaw niyang pumunta sa probinsya nila. Honestly, noon pa niya gustong pumunta roon; wala nga lang oras at saka ayaw ng ate niya kaya wala siyang nagawa. Marami lang katanungan ang pumapasok sa kanyang utak."

"Nasabi rin sa testamento na ang lahat ng lupain natin ay nakasanla maliban sa villa kaya maiiwan 'yon sa pangalan natin. Naiintindihan mo na?" sarkastikong sagot nito.

Hindi siya ngumiti o tumango. Kung kausapin siya nito ay parang tanga siya. Kahit kailan ay wala itong konsiderasyon sa damdamin niya. Someday, she would run out of patience.

Tahimik silang kumakain habang malalim na nag-iisip si Gaby kung ano ang dahilan at biglang naengganyo ang ate niya na pumunta sila sa hacienda. Habang nag-iisip ay bigla na lang siyang kinabahan. Kakaiba ang kaba niya; hindi dulot ng takot o nerbyos kundi anticipation. Kung bakit ay hindi niya alam pero may pakiramdam siyang may mangyayaring kakaiba sa bakasyon nila. She trusted her instincts. Kailangan lang niyang maghintay. Be patient, Gabriella. Be patient....

Forever In My Heart - Katrina MandigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon