Para Sa'yo Ama
Ni derl028
I.
Napilitang lumayo
Nagbakasakali sa ibang mundo,
Upang matupad mga pangarap ko
Na nabuo dahil sa'yo.
II.
Hindi madaling mawalay,
Sa taong nagbigay sa'kin ng buhay.
Ngunit para sa'yo rin ito Tatay,
Kaya hintayin mo ang aking tagumpay.
III.
Subalit bakit sa pagbalik,
Sumalubong sa'kin ay hindi halik?
Nawala sa puso ang pagkasabik,
At napalitan ito ng sobrang sakit.
IV.
Pakigising niyo naman ako,
Sa bangungot na ito...
Pakiusap, hindi ito totoo!
Buhay ka pa 'di ba Tatay ko?
V.
Kung kailan handa ng suklian,
Lahat ng iyong pinaghirapan
Saka ka pa biglang nang-iwan.
Bakit hindi ito makatarungan?
VI.
Aanhin ko pa ba itong rangya,
Kung ang gaya mo'y biglang nawala?
Bakit mundo'y sobrang daya?
Hindi ko makita ang tunay na ligaya!
VII.
Kung may pagkakataon pa sana,
Na makasama't-mayakap ka
Sasabihin sa'yong "Tay, mahal na mahal kita."
Ngunit alam kong ito'y huli na.
VIII.
Mahirap mang magkunwaring hindi bigo,
Para sa'yo Ama magpapakatatag ako.
Hindi kailanman maiisipang sumuko,
Para sa'yo Ama kakayanin ko ito.
----------------
A/N: Para sa isang pinaka espesyal na lalaking nag-aruga't nagmahal sa'kin ng buong-buo. Para sa isang Amang nagsakripisyo at nagbigay sa'kin ng buhay na walang hinihinging kahit na anong kapalit. Para sa'yo ito Tatay.
Halos isang buwan na simula nung iwan mo kami, pero gusto kong malaman mong Mahal na mahal kita... Mahal na mahal ka namin. Sobrang proud ako na Lolo kita. Hindi ko man nasuklian lahat ng mga ginawa mo, sinisiguro ko namang babaunin ko't hindi malilimutan lahat nang ala-ala mo dito sa puso' t-isip ko. Hindi ka mawawaglit sa'kin kahit na kailan.
Maligayang unang kaarawan sa langit tay. Magkakasama rin tayo sa takdang panahon. ♥
BINABASA MO ANG
Nakatagong Himig
PoetryGusto mo bang mabasa ang aking munting mga himig na matagal ng nakatago? #1 in Poetry most highest rank so far before Copyright © 2017 by Derl028 All Rights Reserved.