Himig#20 - Sabi mo

151 11 3
                                    



Sabi mo

Ni derl028


Sabi mo, walang magbabago,

Ngunit bakit lumamig ang pakikitungo?

Sabi mo, 'di ka lalayo,

Ngunit bakit ako'y iniwan mo?


Wala na bang pag-asa,

Na maiba ang iyong pasya?

Wala na bang natitira,

Na pagmamahal sa'yo sinta?


Sabi mo, habang buhay tayo,

Ngunit bakit nawala ka sa buhay ko?

Sabi mo, maghintay lang ako't magiging tayo,

Ngunit bakit hanggang ngayon mag-isa ako?


Wala na bang halaga,

Ang mga sabi mo'y matutupad pa ba?

Wala na bang magagawa,

Ang puso kun'di ibaon ka sa ala'ala?

Nakatagong HimigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon