Mahal kong Ina
Ni derl028
Kagandahang taglay mo ay parang bulaklak,
Gaya ng pagmamahal mong walang kasing busilak.
Labis kang natataranta kapag ako'y umiiyak.
Masilayan lang aking ngiti ikaw ay nagagalak.
Ikaw ang nagsisilbing ilaw sa aking buhay,
Mga turo mo'y naging aking gabay.
Ikaw ang aking lakas sa tuwing nalulumbay,
Mga yakap mo sa'kin ay umagapay.
Salamat sa'yo aking mahal na ina,
Sa walang sawa mong pagkalinga.
Salamat sa'yo aking mahal na ina,
Sa walang pagod mong pag-aaruga.
Ang mga oras ay ating susulitin
Panahong nasayang ay ating babawiin
Lahat ng kulang ay ating kukumpletuhin.
Aking ina, pagmamahal ko sa'yo ay iyong damhin.
BINABASA MO ANG
Nakatagong Himig
PoetryGusto mo bang mabasa ang aking munting mga himig na matagal ng nakatago? #1 in Poetry most highest rank so far before Copyright © 2017 by Derl028 All Rights Reserved.