Nakatagong himig,
na sa aking puso'y nakasilid.
sana'y ikaw ay maantig
sapagkat ito ang tunay kong tinig...
----------------------------
NOTE: Ito ay compilation lamang ng mga halo-halong Tula na ginawa ko.
Hindi ako sigurado kung tama ba ang format ng pagkakagawa ko nito. Basta mahilig lang akong gumawa ng tula na magkakatunog yung mga salita sa dulo. yun bang pare-pareho sila ng tono? Ang sarap lang kasing basahin.
Hindi rin lahat ng mga tula rito ay base sa karanasan o tunay kong nararamdaman. Ang iba kasi mga kathang isip ko lang, mga kuro-kuro o agam-agam, may mga bigla ko nalang naisulat ng hindi sadya, may mga nakikita ko lang sa paligid o mga pananaw ko lang at merong mangilan-ngilan na para sa ibang tao at ang iba ay para sa mga karanasan nilang ibinahagi sakin.
Maraming salamat sa mga nagbabasa, patuloy na bumabasa at sumubok magbasa nito, dahil nakailang beses nitong nagawang umangat sa #01 rank ng Poetry sa what's hot.
Yun lang po. Sana magustuhan niyo ito at tuloy-tuloy basahin hanggang sa dulo at hanggang sa matapos ko ang librong ito.. :)
Salamat and God Bless Us! :)
Copyright © 2014 by Derl028 All Rights Reserved.
BINABASA MO ANG
Nakatagong Himig
PoetryGusto mo bang mabasa ang aking munting mga himig na matagal ng nakatago? #1 in Poetry most highest rank so far before Copyright © 2017 by Derl028 All Rights Reserved.