Himig#21 - Oo, kami na

174 12 2
                                    

Oo, kami na

Ni derl028


Oo, kami na...

Hindi rin makapaniwala no'ng umpisa,

Akala ko'y nananaginip pa.

Pero napagtantong totoo na pala talaga.

Kami na, O' anong saya ang nadarama.


Oo, kami na...

Sa kabila ng pagpigil at di pag-amin sa nararamdaman,

Sa kabila ng takot na baka pag sinabi'y di masuklian.

Sa kabila ng paglayo't pag-iiwasan ay di pa rin napigilan

Ang pagsabog ng puso't tuluyang nagmahalan.


Oo, kami na...

Maniwala ka, hindi na 'to isang biro.

Hindi na rin 'to isang laro.

Mas lalong hindi na isang simpleng tukso,

Kun'di ito na talaga ang totoo.


Oo, kami na...

Hindi na ito isa lamang pangarap,

Talagang nakalutang na ko sa alapaap.

At ngayo'y binubusog niya ng kanyang yakap,

Talaga namang makapiling siya'y napakasarap.


Oo, kami na...

Kaya ang tangi ko nalang hinihiling

Na sana siya'y habang buhay ko ng makapiling,

Hindi ko na kasi alam ang gagawin,

Kapag ang gaya niya'y nawala pa sa'kin.

Nakatagong HimigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon