Isa, Dalawa, Tatlo
Ni derl028Isa, dalawa, tatlo
Ang daming tumatakbo sa isipan ko
Heto na naman ang mga senaryo
Paulit-ulit binibilang ang ala-alang meron tayoAng bilis umandar ng oras
Isa, dalawa, tatlong segundo'y kay daling nalagas
Parang tayo lang, kay daling nagwakas
Tila mga puso'y mabilis nagpumiglasIsang-taon na pala halos ang lumipas
Simula ng tayo'y maghiwalay ng landas
Dalawang-taon noong nagmahalan ng wagas
Eksaktong tatlong-taon na sana kun'di lang kumalasMag-isa lamang noon nang dumating ka
Kaya dalawang puso nati'y naging iisa
Ngunit dumating ang kagaya n'ya
Ang pangatlo na nanggulo ng ating romantikong nobelaNararamdaman mo'y parang biglang gumulo
Hindi na sigurado kung ako pa ang nais mo
Napapalitan na ata ako sa iyong puso
Bandang huli, natalo na nga ng pangatloBumilang ako ng Isa, dalawa, tatlo, nagbaka sakaling piliin mo
Tinignan kung ika'y lilingon at tatakbo
Pabalik sa'king naghihintay lang sa'yo. Ngunit nabigo
Masakit na tumalikod dahil nagpatuloy ka sa paglayoIsa, dalawa, tatlo sunod-sunod ang pagpatak ng luha
Tila hindi napapagod ang mga mata
Patuloy sa pag-agos ang hinanakit na nadarama
Wala na ang mundo ko, inagaw na ng ibaGustuhin mang ngumiti ng buo
Ngunit sa tuwing bibilang ng isa, dalawa, tatlo
Pait at sakit ang namamayani sa puso
Nagbabalik lang sa gunita na wala ng tayoIsa, laban sa dalawang nagmamahalan
Ang pangatlo na nagwagi sa kasalukuyan
Matagal na rin namang nakausad sa mapait na nakaraan
Ang maalala lang ito'y hindi maiwasanIsa, dalawa, tatlo sa wakas kaya ko na
Nahanap na ang dating sariling nawala
May kulang man, sinisiguradong hindi na ikaw pa
Dahil matagal na akong masaya kahit wala kaSalamat sa lahat aking dating sinta
Ikaw na ngayo'y pinapatawad na
Wala ng dahilan para bilangin lahat ng sakit na pinadama
Dahil ang mga ito'y tanggap ko naIsa lang naman ang minimithi ko
Sa inyong dalawa ay hangad ang kasiyahan niyo
Isa, Dalawa, Tatlo...
Sana makita na rin ang katadhana ko
BINABASA MO ANG
Nakatagong Himig
PoetryGusto mo bang mabasa ang aking munting mga himig na matagal ng nakatago? #1 in Poetry most highest rank so far before Copyright © 2017 by Derl028 All Rights Reserved.