Naiwan sa Kahapon
Ni derl028Gulong gulo ang isipan
Hindi alam ang pupuntahan
Ini-isa isa ang mga pwedeng dahilan
Bakit nagbago ng tuluyan?Nauuna ang pakikipagmataasan
Nahuhuli ang pagmamahalan
Mabilis ang palitan,
Nang mga salitang pumupunit ng lubusanPero tatanggapin ng nakapikit
Pipilitin ko pa rin kumapit
Kahit nasasanay na sa sakit
Kahit nakakasawa na ang galitMinsan kitang hinanap sa panahon
Paano ka napunta riyan sa ngayon?
Naiwan ako rito sa kahapon
Maging tadhana ba'y hindi na sang-ayon?Nadapa na ako noon
Hindi ko na alam paano na naman bumangon
Nalulunod ba ako sa malalaking alon?
Hindi ko na alam kung paano umahonTeka, asa'n na ba 'yung dating ikaw?
Hinahanap kita pero parang naligaw.
Nilipas na rin ba ng panahon?
O tumigil sa kahapon? Bakit gano'n?Hindi ko alam kung tatapusin na ba?
O ipagpapatuloy ko pa?
Alam kong nandiyan ka pa,
Pero bakit parang wala na?Hindi madaling talikuran ang nakaraan
Kung handa kang ipaglaban
Dapat handa ka rin masugatan
Para mahanap ang kasalukuyanAlam kong wasak na ang ating daigdig
Maging ang langit ay hindi na 'to maririnig
Nandito lang naman ako, nakatayo at nakatindig.
Mananatiling nakakapit, sa pangako ng ating pag-ibig.Kung maibabalik ko lang ang noon
Sana manatili at tumira na lang tayo doon
Alam kong and'yan ka na sa dulo ng ngayon
At naiwan akong sugatan dito sa kahapon.Hindi maglalaon, ang sakit ay mawawala na
Ang sugat ay maghihilom na
Ngunit mananatili akong umaasa, na sana bumalik pa,
Ang nagbago kong sinta.Ngunit alam kong malabo na
Dahil masaya ka na sa kanya
Ako nalang ang nag-iisa
Na naiwan sa kahapon ng ating ala-ala.Kaya mahal, paalam na... Ako'y maglalakad na
Kung makasalubong man kita,
Taas noong sasabihing, "Malaya ka na."
Sana nga makamtan ko na rin ang tunay na ligayaIiwan na kita sa kahapon
At sisimulan ng tanggapin ngayon
Na ang pag-ibig nati'y kailangan ng ibaon
At hanggang sa kahapon na lang lahat ng iyon---------------------------------------
A/N: Just trying #SpokenWordPoetry
BINABASA MO ANG
Nakatagong Himig
PoetryGusto mo bang mabasa ang aking munting mga himig na matagal ng nakatago? #1 in Poetry most highest rank so far before Copyright © 2017 by Derl028 All Rights Reserved.