Isa pang Pagkakataon
Ni derl028
Noon ay labis kitang nasaktan,
Halos mamatay ka ng ika'y aking iniwan.
Ngunit wala akong ginawa,
Pinanood lamang kitang mapariwara.
Ako kaya'y mapapatawad mo pa?
Kaya mo pa ba akong bigyan ng tyansa?
Papatunayan ko sa'yong mahal pa rin kita,
At hindi na kita hahayaang mawala pa.
Isa pang pagkakataon mahal ko.
Para ako naman ay makabawi sa'yo.
Isa pang pagkakataon makapiling kang muli,
Upang gamutin puso mong minsa'y naging sawi.
Hindi na hahayaang ika'y muling lumuha.
Tayo'y magsasama sa hirap man o ginhawa.
Kaya ako sana'y pagbigyan mo na,
Isa pang pagkakataon aking sinta.
BINABASA MO ANG
Nakatagong Himig
PoetryGusto mo bang mabasa ang aking munting mga himig na matagal ng nakatago? #1 in Poetry most highest rank so far before Copyright © 2017 by Derl028 All Rights Reserved.