Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, ilang araw na ang nakalipas pero feeling ko mag kakasakit yata ako, all this time pagkatapos ng work ay pahinga sa kwarto ni halos hindi lumalabas.
Agad kong tiningnan ang orasan na nasa tabi ng higaan ko, alas-dyes ng umaga, weekend makakapag pahinga na rin ako. Dahan-dahan akong bumaba at may naririnig akong boses.
Si kuya?? Andito na siya.
Napahinto ako sa gilid upang makinig sa usapan nila, ayaw ko magpakita at baka ano-ano na naman ang sabihin ni mama sakin.
"Anak! Nakauwi kana! Bakit hindi ka nagsabi sana man lang sinundo ka namin." Boses ni mama, boses niya palang halatang masaya hindi pilit kundi sa sobrang tuwa.
"Surprise nga Ma, ikaw ba naman mag surprise tas sasabihin ko?." Tawang sagot ni kuya.
"Kahit na anak, alam mo naman na miss kana namin e." Sagot ni papa.
"Oo nga, andami mong dala."sabat ni mama. "Ano ba ang mga yan?."
"Mga damit and of course mga bilin mo sakin." Sagot ni kuya.
Hindi ko maiwasang masaktan, buong buhay ko ngayon ko lang narinig na ganyan pala sila kasaya. Bakit sakin parang napipilitan lang.
Buong buhay ko ginawa ko naman lahat, I try and try, I did my best but isn't that enough to win their heart?.
"Nga pala, asan si Vant? I'm sure matutuwa yon may dala ako sa kanya." Masayang saad ni kuya. "Balita ko gagraduate na siya sa susunod."
"Hay nako nag abala kapa sa kanya, alam mo naman na hindi mahilig sa pasalubong yang kapatid mo."
Sinungaling ka ma.
"Ganon? Sayang naman Ma, ako nalang magbibigay sa kanya baka kunin niya."
Bumalik ako sa taas, Hindi na ako nakinig sa kanila, all this time ganon talaga si mama. Mukhang ako naman mag isa ang aakyat sa stage.
Napabuntong hininga ako, kumikirot ang dibdib ko na para bang may kung anong nakabaon.
Nawala ang pag iisip ko ng mag ring ang phone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot.
"Love."
Masayang bati niya, nawala ang lungkot at ngumiti sa kawalan.
"Love!." Sagot ko"I miss you."
"Imissyoutoo love, anyways wanna date? Gusto na kita makasama."
"Sure, kita tayo ha." Sagot ko.
"Yep, and don't be late okay, para more time tayo." Masayang sagot niya.
"Of course, uunahan pa kita don e." Natatawang sagot ko.
"Sige na, I'll hung up okay, I love you."
"I love you so much love." Sagot ko sa kanya.
Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sakin, andito kami sa mall and of course we're having our date, we want to spend our time lagi.
Maraming tao and mostly couple rin, I grab her waist at sabay kami pumasok sa loob, hindi ko maiwasan mapangiti, ganito pala yon yung wala ka muna sa problema.
"Ngumingiti siya oh." Panunukso ni Mey.
"Syempre masaya ako, kasama kita ."
"Bolero." Sagot niya.
"So saan tayo?." Tanong ko.
"Eat then arcade."
Tumango ako at napag desisyonan namin na kumain isang restaurant. Maganda ang loob at may mga tao na rin. Malaki kasi tong mall and baka maligaw ka pag mag isa kalang talaga.
Nag order na kami dalawa. Hindi ko maiwasan na mapangiti lalo kapag kasama siya.
"Malapit na graduation mo love."biglang saad niya habang kumakain kami.
"Oo nga e, saka excited na ako."natutuwa kong sagot.
"Syempre, aakyat ba naman si tita."
Agad akong napatigil sa pagkain at napatingin sa kanya. Hindi ko lubos maisip yon. Akala ko okay lang na ako pero iba pa rin pala pag na realize mo na hindi nila gagawin yon.
"Ahh oo." Napiplitan kong sagot.
Agad nagbago ang expression niya. Mukhang alam niya na.
"Something wrong?." Concern niyang tanong. "Hindi ba sila aakyat?. "
" Hayaan mo na Love, kaya ko naman eh. "
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at tumingin sa mata ko." Ako aakyat sayo okay, I know your parents and beside dapat hindi ko na sinabi yon. "
" It's okay Love, ang importante andon ka ha. "I smiled at her.
Tinapos na namin ang pagkain, nag libot libot kami sa loob, bumili ng damit, accessories at iba pa.
Andito kami sa arcade and we both decided na mag one vs one sa basketball na laro.
" You sure? Ano premyo ko pag nanalo ako?. "Saad ko sa kanya.
" You will know if you win. "May pang aakit na boses niya.
Agad namula ang pisnge ko, kahit asa hustong edad na kami ay hindi pa rin namin nagagawa yon. Sa halik lang kami napupunta at sana doon nalang muna.
"Parang iba yan e." Sagot ko.
"Basta kasi." Sagot niya "oh tara let's start Love."
Nag insert na kami ng coins and then nag start na, nag pabilisan kami sa pag shoot and minsan pumapasok naman sakin although hindi talaga ako nag babasketball.
Ako lang ba yung lalaking hindi nag basketball, mostly gusto ko sa loob ng bahay matulog at mag selpon lang.
Patuloy pa rin kami sa pag shoot hanggang umabot sa round three, ni hindi ko namalayan na sumasablay ang iba kong tira.
I suddenly stare at her, ang saya niya and mas gusto ko pagmasdan ang mga ngiti lagi.
"Uy Love, tapos na."
Bumalik ang ulirat ko, ni hindi ko namalayan na tapos na pala. I smile at her and tap her head.
"Mas mataas score mo." Saad ko saka tumingin sa scoreboard one hundred fifty yung score niya while sakin nasa one hundred forty kulang pa sampung puntos.
"Sus, paano puro ka tingin sakin." Asar Niya. "Dapat kasi ka sa laro. "
" Ganda mo eh,. "Saad ko, she blushed halata sa pisnge niya.
"Bolero." Sagot niya. "Tara doon sa next don sa claw machine." Sagot niya saka kinuha ang ticket na lumabas doon sa nilaro namin.
She handed it to me at hinawakan ko lang, konti pa naman and balak siguro paramihin.
"Go, sana hindi ka mag mura diyan." Asar ko sa kanya.
Tumawa naman siya "baka sirain ko pa to."
Natawa nalang ako at pinanood siya, naka focus siya sa laro at maya-maya pa ay nakakapit na sa claw ang stuff toy ng biglang.
"Tangina, ang daya! Nadulas oh."
"Shhhh, agad kong tinakpan bibig niya." Agad akong napatingin sa mga tao naplakas ata boses niya.
"Ay sorry, nadulas lang po" awkward niyang saad. "Totoo naman kasi anduga."
Natawa ako sa kanya"Yan kasi sabi hindi raw magmumura."
"Madaya kasi."
"Ako na." Pinahawak ko muna sa kanya ang ticket, inayos ko ang claw ng machine at tinutok sa isang penguin.
Ang cute nito.
Agad kong pinindot ang button at ayon nahulog siya. Agad kong kinuha sa ilalim ang penguin at binigay sa kanya.
"Told you basic lang. "
"E d ikaw na, anyways ang cute nito love, itatago ko to. "Tapos niyakap niya.
I smile at her. Naglaro pa kami hanggang hapon, all day mas gusto ganito kami kesa walang gagawin, all my life minsan lang ako magsaya and I hope this day won't last, gusto ko pa to marasanan ng paulit-ulit.