Chapter 8

13 0 0
                                    

Sabi nila madali raw mag move on and agree naman ako but I don't know bakit nag gaganito ako. It's just a picture but the sense of memories in the past came back.

It's just a picture but after seeing that parang hindi ko siya makalimutan. Parang may kung ano na ayaw siyang mawala sa isip ko.

Lagi nalang siya nasa isip ko, kahit anong gawin ko hindi siya mawala. Merong side sa pakiramdam ko na hinahanap siya pero meron ding nakaalala sa ginawa niya.

"Alam mo kasi baka hindi mo pa siya talaga nakakalimutan, it's just you use to be with her dati"

Napatingin ako kay Renz, he has a point and maybe I was really use to be with her.

Ganon ba talaga yon?.

Napabuntong hininga ako"aba'y ewan, bahala na si batman."

Tumawa siya ng konti"anyways how's the restaurant boss?."

Napataas ang kilay ko sa kanya. "Boss? Siraulo wala pa yon saka baka kunin ng anak niya"

"Weh?." Hindi makapaniwalang sagot niya. "Eh diba siya na nagsabi before siya mamatay na sayo niya ibibigay."

Flashback

Dali dali akong pumunta ng hospital, pagkarating ay nakita ko ang ilang co-workers ko.

"Buti naman andito kana." Saad ng isa . "Hinahanap ka ni boss before siya mawalan ng malay."

"Huh? Bakit?. "Taka kong tanong.

Kibit balikat nalang siya. After weeks ng hospital ni boss ay tuluyan na siyang nawala sa mundo.

"Ano!. "Malakas na sagot ko." Bakit? Pero may mga anak siya saka even though na may closeness kami hindi yan pwede mangyari. "

"Pero Mr. Vant iyon po ang sabi sa naiwan na pamana. "

End of flashback.

"Paano yan?. "

"Bahala na, saka kakausapin yata ako nung mga anak niya.

Hindi na siya sumagot sa halip ay tinuon ang mukha sa phone niya. If sakin man yon wala akong magagawa. May trabaho na ako and okay na rin naman ako.

Bumalik ako sa trabaho after that. Gaya ng dati ay ganon pa rin.

"Vant." Napatingin ako sa boses na nanggaling sa likod ko.

"Oh Heid, ano meron?."

Lumapit siya sakin at may binigay na papel. Taka kong binuksan iyon.

Free vacation.

Ba't meron nito? Hindi pa naman bakasyon ah. Saka although mainit hindi naman talaga vacation month.

"Ano to? Bakasyon? Eh hindi pa oras para do'n."

"Duh! Syempre kay boss sa taas yan." Sagot niya. "Sabi niya kailangan daw natin mukha na tayong basang sisiw."

Natawa ako. "Nanlait pa talaga e, kailan ba to?."

"Next week, maraming sasama, sumama ka rin. "

I nodded. Tamang-tama makakapag relax ako kahit papaano. This week's are the worst feeling ko ma drain na yung utak ko dahil sa trabaho.

And here it comes, the vacation, sa isang maputi ang buhangin, tiningnan ko ang mga buhangin sa paa ko, kahit na moreno ang kulay ko natatakpan pa rin ng pagkaputi ng buhangin.

Isla de handom.

"Ang ganda rito."

Napalingon ako at nakita si Heid, she's wearing her swimsuit and kita ang magandang katawan niya. I don't feel anything ng makita siya kung ibang lalaki nag lalaway na except me.

Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa alon na humahampas, hindi kalakasan at sakto lang para matawag na kalmado.

Crystal clear na water na makikita mo kahit mga isdang lumalangoy.

"Yeah, and did you know that yung word na handom is dreams?." I said.

"Really? E d may lahi kang bisaya?."

I shrugged"Maybe?." Kasunod ng konting pagtawa ko. "It's just sa Amin na lugar kasi handom is pangarap ganon, I don't know sa ibang lugar."

"Ahhh" napapatango niyang sagot. "Well it's really amazing how the name and the people connects, like you're here then thinking about your dreams."

She look at me while smiling, Kita sa mata niya na may pangarap pa siyang gustong abutin but she doesn't even say it.

"Kaya nga eh, buti may ganito tayo nako if wala siguro we're dead meat na ngayon."

"Sinabi mo pa." Sagot niya saka tumayo. "Mag swimming na muna ako doon."

I nodded and watch her running through the water. Lumipat ako ng pwesto at umupo sa isang niyog. Maraming dahon kaya hindi nakakapasok ang init. Nahiga ako sa ilalim ng puno, nakatingin sa langit. May ulap na kaunti pero maganda tingnan.

Ilang oras din ganon ang pwesto ko nang makita ang pagmumukha ni Heid, basang-basa siya and tawang-tawa.

"Sabi ni boss mag relax daw sa beach hindi matulog."

"Maliligo ako mamaya kumalma ka."

Tumawa nalang siya at umalis. Bumangon ako at dahan-dahang lumapit sa dagat. Hindi gaano masakit ang init sa balat ko. As I step on water ramdam ko ang saktong lamig nito. Naglakad pa ako hanggang sa lumutang ako.

Napatingin ako sa tubig at nakikita ang mga isda sa ilalim. Bumuntong hininga ako sabay sisid, binuksan ako ang mata ko sa ilalim at ang ganda ng mga andon. Pigil hininga ang ginawa ko sabay padyak ng paa ko.

Those fish in the sea, sabay pa ng malamig ng tubig parang binibuhsan ang katawan ko. Pumataas ako na hingal na hingal naubusan ako ng hininga.

After that bumalik na ako sa room ko and thankfully kanya-kanya kaming room, if ever hindi mag book pa rin ako.

Nahiga na ako sa kama, kahit kakarating palang namin ay parang pagod na pagod na ako. Napabuntong hininga ako ng malalim I must enjoy this day.

You should!.

Gabi na ng namulat ko ang mata ko, I slowly stand saka inayos ang pagmumukha ko sa salamin. Natanaw ko pa ang buwan sa bintana ko. Kitang kita sa dagat ang liwanag nito.

Lumabas na ako para hanapin sila. They texted me and sa iisang silid kami kakakain tutal we're on the same group naman.

"Andyan na siya." Isang colleague ko. Naagaw niya ang atensiyon ng iba pati Heid ay tinanaw ako habang papalapit sa kanila.

I wave and smiled at them"hello, sorry napasarap tulog ko."

"Grabe boss ha, kulang nalang hindi ka namin ayain." Saka tumawa sila.

"Baka ikaw hindi na ayain sa susunod." Sagot naman ng isa.

"Anyways kumpleto na tayo?, balita ko masarap pagkain dito." Pag iiba ko ng usapan.

"Yup, dig in!." Sabay na saad nila.

Umayos na ako ng upo, tiningnan ko ang mga pagkain sa kainan and some of them remind me of someone, parang nakain ko na to e.

Baka same lang yon.

Isang subo palang ang ginawa ko but there's a flashback sa utak ko. Ang lasa non ganon na ganon.Winaksi ko nalang sa isipan ko iyon at tumikim ng iba pero ganon ang lasa.

Hindi ko pinahalata ang reaksiyon ko sa halip ay kumain lang ako ng tahimik kahit sa loob ko ay maraming katanungan.

"Masarap ba Vant?."

Napalingon ako sa boses ni Heid, tumango ako. "Oo sobra."

She smiled back. Hindi ko na siya pinansin sapagkat nakiusisa na rin siya sa kasamahan namin.

Nauna na after kumain, naglakad lakad ako sa labas habang nakatingala sa langit na puno ng bituin.

Too many stars and one moon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lust and LastWhere stories live. Discover now