TFHAF 9 - Press Conference

656 36 27
                                    

TFHAF 9 - Press Conference

3rd Person's POV

"Okay, para sa schedule for the first day, Editorial Writing, Editorial Cartooning, Feature Writing, Photo Journalism and News Writing." sambit ni Mrs. Mendoza na siyang pinaka head ng Akore Weekly.

"Ma'am paano naman po kami?" tanong ni Marseille.

"You guys can wander around the place. But be sure to get back at the Main Function Hall before dinner." sagot nito.

Lunch time na ng dumating sila Marseille sa isang resort sa Batangas. Doon gaganapin ang Press Conference na sinalihan nila.

"Seille, text kita after ko hah? Tapos gala tayo." bulong ni Irene kay Marseille at tumango ang huli.

"Okay guys. Kaya natin ito! Goodluck to all of us!" masiglang sabi ni Mr.s Mendoza at bumaba na sila ng Mini bus.

"Wow ang ganda naman dito!" bulalas ni Marseille.

"I know right! Kaya nga dapat maglibot tayo later! Malay mo maraming boys!" sambit ni Irene at siniko siya ni Marseille.

"Loka, taksil ka kay Luhan!" bulalas ni Marseille at napangiwi si Irene.

"Jongdae lang eh! Di ka mabiro. Loyal ako kay Luhan my loves ko. Nabadtrip nga ako sa nakita ko kagabi, may rumor na kumalat na Daddy na raw si Luhan. Tsk." sabi ni Irene at natawa si Marseille.

"Students tara na sa loob at magsisimula na ang Opening Program." sambit ni Mrs. Mendoza at pumasok na sila sa Main Function Hall.

----

"And once again, enjoy students. The Conference will start now." saad ng isang lalaking may katandaan na siyang host para sa Press Conference.

"Goodluck guys!" cheer ni Marseille.

"IRENE! GALINGAN MO!" sigaw nito habang naglalakad palabas ng Function Hall.

"Text kita ok?" sabi ni Irene at tumango si Marseille.

"Marseille! Sama ka samin maglibot?" tanong ni Potchie ang Proof Reader ng Akore Weekly.

Umiling si Marseille.

"Aantayin ko kasi si Irene kaya kayo nalang muna. Sasama kami later." sagot ni Marseille at iniwan siya ng mga kasamahan nila.

Inilibot ni Marseille ang kanyang mga mata sa Resort na pinuntahan nila.

Bukod sa malapit ito sa bughaw na dagat na may maputing buhangin, may mga swimming pool din doon at slides. Yung mga kubo ay mayroong mga palamuti na yari sa abaka at mga kahoy.

Sa kalayuan ay matatanaw ang mga nirerentahang bangka, vintas at banana boats.

"Matatagalan naman siguro si Irene. Maigi pang maglibot muna ako." sambit ni Marseille at nagsimula na siyang maglakad.

Lumapit siya sa isang pool na ang tubig ay 3ft ang sukat. Sa gitna noon ay mayroong mini slide at swing kaya na nakaakit sa mga mata niya.

Hinubad niya ang kanyang tsinelas since hindi na siya nag abalang magsapatos dahil iyon ang suhestyon ni Mrs. Mendoza sa kanila, summer outfit daw dapat.

Umupo siya sa dulo ng isang slide at nagpicture.

[Finally, battle and beach mode.] caption ni Marseille sa litratong pinost niya sa kanyang IG Account.

Sunod na binuksan ni Marseille ay ang kanyang Twitter Account.

[Go @LuReneForevs !!! Slay them with your art skills!]

The Fangirl Has a FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon