Natapos na ang klase ni ma'am Leah ang huling subject na papasok bago mag lunch.
"Grabe ang galing naman mag turo ng mga teachers nyo dito beh." Compliment ni Kyllie sa mga teacher dito.
Actually hindi ako makaka hindi kasi totoo naman. Magaling talaga lalong-lalo na si Ma'am Leah at Ma'am Rezel. Pero the rest maayos din naman at matataas mag bigay ng grades sa mga deserving.
"Okay hindi na ako nagsisisi. I've changed my mind." Tumatawang sabi. "Pero sis ang talino mo naman noh. Grabe ka! Idol!"
"Ikaw din naman bes eh. Bago kapa nga lang dito naka perfect kana ng quiz. Galing mo din." Sabi ko habang ibinabalik na ang notebook ko sa bag.
"Kyllers! Baba kami sasama ka?" Sigaw ni Lye sa kanya habang tumitingin sa amin.
"Oo sandali!" Nagmamadaling kilos ni Kyllie.
Napansin siguro ako ni Kyllie na hindi tumatayo.
"Ikaw bes hindi kaba sasama sa amin?" Tanong nya habang kinukuha ang wallet sa loob ng bag.
As far as I remember ang naiwan sa akin na pera ay 65 pesos. Pagkakasyahin ko ito hanggang Friday.
"Hindi na bes. Busog pa ako eh kayo nalang." Nakangiting sabi ko. "Bye!" Sigaw ko nang tuluyan na silang lumabas ng room.
Naiwan akong mag isa sa loob ng classroom kaya ang ginawa ko ay natulog nalang. Mataas-taas pa naman ang lunch time kaya makatulog pa ako.
Noong recess ay hinatian ako ni Ash ng pagkain. Palagi syang binabaunan ni tita ng sobrang pagkain para daw ibigay sa akin.
Ginising ako ni Kyllie kasi papasok nadaw yung susunod na teacher namin. Pagkabangon ko ay nakita kong may ulam na sa harapan ko.
Alam kong si Ash ang nagbigay neto! I really love this girl talaga she really knows na walang-wala talaga ako at nagtitipid din.
Naramdaman ko ang mata ko na umiinit. No. Dapat hindi ako iiyak. I should be thankful.
I smiled while staring at the viand infront of me.
"Bes kumain ka na. Kami ang bumili nyan kanina kasi naikwento sa akin ni Ashianna na kapag hindi ka daw bumababa ay wala ka talagang pera kaya kami nalang ang bumili para sa'yo." Mahinang sabi sa akin ni Kyllie.
Parang nahihiya akong kainin tong pagkain ko kasi buong akala ko ay si Ash ang bumili neto sa akin. Tapos ngayon binibilhan nadin ako ni Kyllie.
Parang nakakaramdam ako ng pag iyak kasi napaka swerte ko sa mga kaibigan ko.
Kinuha ko nalang ang pagkain at sinimulan na ang pagkain neto. Balang araw babawi din ako sa inyo.
Alam ni Ash na nag iipon din ako para sa medical ko sa korea kaya minsan kapag hindi ako bumababa eh sya na ang bumibili sa akin ng pagkain. Nakakalungkot nga eh kasi palaging sya nalang lagi ang binibilhan ako tapos ni hindi ko sya ma libre ng kahit tig-bebente lang na pagkain.
Pumasok na muli ang teacher namin at nagpakilala naman sila Kyllie at Lye.
"Hello ma'am Good afternoon, my name is Kyle Taures but you can call me Kyllie." Pag iintroduce nya na tumawa naman si ma'am. "I was the top 1 and running valedictorian in my previous school but something just happened that's why I transferred here." Umupo na sya pagkatapos nyang introduce. At tumayo na si Lye i-introduce din ang sarili sa teacher.
"My name is Lye Fin Grade. The salutatorian of my previous school. Me and Kyle are also classmates before and the same reason why I transferred here." Umupo din sya at pinalakpakan.
![](https://img.wattpad.com/cover/373118986-288-k17508.jpg)
YOU ARE READING
Teardrops From Heaven
RomanceZyka the poor woman who turn her pain as an ingredient to her strength. This story has a lot of tragic, realizations, and lessons.