Chapter 7

9 0 0
                                    

Nakarating kami sa Subdivision ng around 5:58 PM. Medjo madilim na ang kalangitan kaya may nakikita na akong mga nag i-ilawang city lights.

"Ma! Pa!" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa pintuan namin.

Nakasunod lang sa akin si Rhie at hindi pinansin ang putik na dumidikit sa kanyang sapatos.

Nung hinarap ko sya ay lumiliwanag talaga ang kanyang kulay pink na labi. Kahit medjo madilim ang paligid nakikita ko parin ito. Wala naman kasi kaming ilaw dito sa labas eh sa loob lang.

"Sabi ko naman sa'yo eh na doon ka nalang mag hintay sa may highway at palalabasin ko nalang sila mama at papa." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang sapatos.

"Ayos lang. Ako naman ang bisita kaya dapat sila ang pupuntahan ko hindi na ako pa ang pupuntahan nila." Sagot nya naman.

Desididong-desidido talaga syang makita ang loob ng bahay. Kasi kanina sa aming byahe puro sya tanong kung ano ang mga meron kami at kung ano ba ang itsura ng bahay at marami pa.

"Na putikan kasi ang sapatos mo. Sandale kukuha lang ako ng extrang tsinelas para lalabhan ko nalang yan." Sabi ko habang binubuksan ang pintuan ng bahay.

Wala na syang nagawa kasi nakapasok na ako sa loob at naghanap ng extrang tsinelas.
Nakakita naman ako pero hindi malinis kaya dali-dali akong pumunta sa lababo at hinugasan ito ng todo.

Pagkatapos kong linisin ang tsinelas ay dumiretso na ako muli sa kanya.

Nasa labas pa sya kasi hindi ko muna sya pinapasok. Baka kasi madumihan ulit yung medyas nya jusq mukha pa namang mga mamahalin.

Ibinaba ko ang tsinelas para maisuot nya na.

"Ayos lang ba sa iyo ang ganyang tsinelas? Kay tatay kasi yan eh ginagamit nya dito sa bahay. Yan lang din ang nakita kong kasing laki ng paa mo." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa tsinelas.

Ay sandale.. saan pala sila mama?

Pumasok na sya sa loob ng bahay at inikot ang kanyang mga mata. Ino-observe siguro nya kung may chanak ba dito na lalabas o mga ka uri ni Ash. Ipis.

"Sandale lang ha. Hahanapin ko muna sila nanay." Sabi ko sa kanya. "Umupo ka nalang muna dyan sa monoblock." Dagdag kopa.

Nailagay ko naman sa mesa ang aming dala kaya wala na syang dala nung pumasok dito.

"Saan pala sila pumupunta kapag wala ka?" Tanong nya nang tuluyan na syang naka upo.

"Kung malakas kasi ang ulan dalawa lang ang pupuntahan nila. Dito sa kusina tatambay o sa kwarto ko sa taas." Sagot ko naman.

"Sandali lang ha pupuntahan ko muna sila doon para maka baba na." Dagdag kopa.

For sure wala pato silang kain kasi umulan ng malakas hindi sila makabili ng ulam sa may taas ng subdivision.

Pagka akyat ko hindi nga ako nagkamali. Nandito nga silang dalawa at nagyayakapan pa.

Pumunta ako sa kanilang dalawa at ginising ko na para makakain na silang dalawa.

"Ma. Pa. Gising na. Nandito na ako. May dala akong pagkain sa inyo sa baba." Gising ko sa kanila.

Agad naman binuklat ni papa ang kaniyang mata at dahan-dahang umupo sa kama.

Nang naka upo na sya sa kama ko ay nagtanong na sya.

"Anong oras ka dumating?" Tanong ni tatay habang tumitingin sa akin nang naka half open eyes. Nasisilawan siguro sa ilaw dito sa kwarto.

"Ngayon lang po talaga tay. Malakas po kasi masyado ang ulan sa city eh hindi ako agad naka uwi." Sagot ko sa kanya.

Tumango nalang sya at ginising din si mama.

Teardrops From HeavenWhere stories live. Discover now