Hindi ako makatulog dahil sa ginawa ng lalaking yon! Hindi pa naman ako nag pasa ng resumè ko. Kaya pano nya nakuha?
Kahit anong pilit kong patulugin ang sarili ko ay hindi talaga ako dinadalawan ng antok. Self please! Magpatulog kana!
"Ano ba! Patulugin mo na ako! Wala namang meaning yong mga yon. Baka may iba pang dahilan para gawin nya yon sayo.
Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko para dalawin ako ng antok ay beh mas hindi ako dinalawan ng antok.
Chineck ko ang oras at 10 PM na! Jusq kailangan kong makatulog ng maaga kasi maaga pa ako bukas papasok.
Tumayo nalang muna ako at napag desisyonang bumaba. Kailangan kong uminom ng tubig. Yon nalang ang tanging pag asa ko para makatulog.
Pagkababa ko ng hagdan ay nakita kong naka bukas ang pintuan sa kwarto nila inay. Kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuan at parang naiiyak ako sa nakita ko.
Nakahiga sila sa sahig at tanging karton lang at isang mataas na unan ang kanilang hinihigaan.
Binigyan ako ni nanay kagabi ng unan kasi sabi ko kulang ang unan ko don kaya humingi ako ng isa lang sa kanila and little didn't I expect na ganito na pala ang sitwasyon nila.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Huli kong pasok dito sa kwarto nila nanay ay nung grade 2 pa ako. I never visited again their bedroom since that day.
Kaya pala nakikita kong natutulog si mama sa kwarto ko pagkatapos niyang magtrabaho. Yun pala ang dahilan.
Hindi ko na malayan na tumulo na pala ang luha ko kaya dahan dahan na naman akong lumakad at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Mas lalo akong hindi makatulog. Maayos ang higaan ko sa taas tapos sila ganyan lang? Hindi pwede yon! Papayag pa ako na doon nalang sila matulog sa kwarto ko habang hindi kopa sila kayang pagawan ng maayos na matutulugan.
Ang sakit sa puso. Makita mo ang magulang mong kahit sa pagtulog ay hirap.
Napag desisyonan ko munang lumabas at napansin hindi maayos ang panahon ngayon. Bakit ulan ng ulan ngayon?
Ngunit sinunod ko parin ang sabi ng aking katawan. Lumabas parin ako kahit ramdam kona ang ulan na papunta na dito.
Ang sarap ng ihip ng hangin. Ang lamig sa pakiramdam.
Hindi ko napansing nagsunod-sunod na pala ang labas ng luha ko. Ang sakit ng puso ko ngayon. Pero hindi ako pwedeng umiyak ng malakas at baka magising pa sila mama.
Tumingin ako sa city lights na nasa harap ko at mas umiyak ng todo pero palihim.
Ang hirap naman lumaban sa buhay. I alway say to myself na 'okay lang ang lahat' 'makakaraos din tayo' 'laban lang sa buhay' pero parang gusto ko nang sumuko? Makita ko lang ang magulang kong nahihirapan kahit sa pagtulog ay sumisikip na ang aking puso.
Ngayon alam nyo na kung ano ang kahinaan ko.
Nakakita ako ng kidlat sa may city. Ramdam kona talaga ang ulan na papunta na sa amin.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Maghahanap muna ako ng pwedeng habulin nila mama para hindi sila ginawin kung uulan man.
Habang naghahanap ako ay panay parin ang tulo ng luha ko. Tuloy tuloy silang nagsisislabasan.
Hindi nagtagal ay nakakita naman ako. Nice malambot ang unan nato at mabango pa ang kumot. Pwede nato.
YOU ARE READING
Teardrops From Heaven
RomanceZyka the poor woman who turn her pain as an ingredient to her strength. This story has a lot of tragic, realizations, and lessons.