(Zykia's POV)
"Mama?!" Sigaw ko sa buong bahay, hindi ko talaga sya mahanap baka kasi saan nayun pumunta hindi man lang ako sinama, baka kasi nag grocery yun ehh, grocery pa naman ang hilig ko kasi nakakapagbibigay ito ng kasiyahan sa akin habang pumipili ako ng mga pagkaing ilalagay sa cart.
"Ano! Wag kangang sumigaw Zyka! Hindi naman ako lumayo ehh bumili lang ako ng mantika kasi naubusan tayo hindi pa ako nagkakapag grocery kasi ngayong nag daraang sweldo ng itay mo ang liit na ng sweldo nila." Sagot naman ni mama.
Kinabahan ako dun ahh kala ko nag grocery sya, hindi naman pala. Pero kung nag grocery talaga sya hindi na ako magdadalawang isip na sundan sya sa grocery store.
"Kala ko naman ma nag grocery kana pabihis na ako eh susundan sana kita sa grocery store." Nakangising tungon ko kay mama.
"Huh! Talaga lang ha alam mo bang tumawid sa kalsada ng mag isa?" Natatawang saad ni mama.
Hala?!! Hindi nya ba alam na independent woman tong anak nya?? Likee???! Nakaka asar yun beh legit!
"Alam ko na kaya ngayon mama, I am an independent woman kaya." Proud kong sabi sa kaniya.
"Independent ni hindi ka nga marunong mag hugas ng plato,maglinis ng bahay o kahit mag linis nalang sa kwarto mo, kung di pa ako ang mag linis dun baka makalanghap kapa ng alikabok." Saad ni mama habang trinatrabaho nya yung ulam.
We have this simple and peaceful life. My father is always on his work na construction worker and my mother is just a house wife tapos nag iisa akong anak nila.
"At isa pa hindi pa nag sweldo papa mo kung kaya't hindi pa tayo makabili ng grocery." Saad pa ni mama na kinalungkot ko naman.
Kaya nang dahil sa kanila nag pupursigi at magpupursigi pa akong mag-aral. Ginawa ko silang inspiration ko para makapag tapos ng pag-aaral at makamit ang gusto Kong kurso.
Gusto ko ang kursong BS BioPhysics, pero dahil sa kakulangan sa pera baka hindi pa ako makapagtapos ng pag-aaral.
"Ma? May sasabihin ako." Sabi ko kay mama habang paupo sa aming munting dining table.
"Hmm." Sagot nya naman. Kala mo naman talaga bilang lang yung mga words na kailangan nyang gamitin sa sobrang ikli ng sagot ni mama.
"What if mag tratrabaho nalang ako ma? Like working student ganern." Nakangiting sambit ko kay mama.
Napahinto sya sa kaniyang ginagawa at hinay-hinay'ng lumingon sa akin.
"Eh paano yan may sakit ka?" Tanong ni mama habang tinitignan ako sa mata ng diretso at seryoso.
Ahh oo nga nakalimutan ko may sakit nga pala ako.
"Tapos nag iipon din ako ng pera para maka punta kana ng korea ngayong darating na Marso." Sambit ni inay.
Oo nga pala kailangan ko din talagang pumunta sa ibang bansa or to be specific South korea country, kasi nandun yung doktor na alam ng simptomas ko.
"Hindi ba pwede yun ma? Gusto kong maging working student para mapag-ipunan ko din ang pag tung-tung ko sa kolehiyo." Sabi ko kay mama. Grade 12 na kasi ako tapos ngayon pa ako hihinto eh sayang din naman 4 years nalang oh makakahawak na ako ng diploma.
"Hayaan mo na kami ng papa mong mag trabaho, maghahanap din ako ng trabaho para mapag-ipunan ko din ang tuition mo sa kolehiyo." Sagot ni Inay sa akin na ikalungkot ko.
Ramdam ko ang pag tahimik ng atmosphere namin ni inay.
Actually hindi ko naman talaga sinisisi ang sarili ko bakit ako nagkaroon ng ganitong sakit, kasi simula pagkabata ko yumakap na sa akin ang sakit na ito at ang naging dahilan upang kailangan kong bumyahe papuntang South korea para dun i confine.
YOU ARE READING
Teardrops From Heaven
RomanceZyka the poor woman who turn her pain as an ingredient to her strength. This story has a lot of tragic, realizations, and lessons.