Chapter 10

5 0 0
                                    

Mamaya kana nga ayaw naman magpakilala ng maayos eh.

Ibinaba kona muna ang cellphone at hinihintay nalang si Ash. Tagal naman umorder nun eh tatlo lang naman silang nakapila dun kanina. Baka kung ano-ano na naman ang binili ng gagang yon.

"Kamusta kana Zy? Ayos lang ba ang nanay at tatay mo?" Biglang tanong ni Kuya Gian.

"Ayos lang naman po." I smile while answering.

"May narinig kasi akong may mamamatay tao na malapit lang sa ating subdivision. Pero sinabi din naman ng guard kanina sa akin kasi nag tanong ako dun eh. Sabi hindi naman daw nakapasok kaya safe pa pero mag ingat lang sa araw-araw." Sabi ni kuya Gian habang pinaglalaruan ang butil ng tubis sa lamesa.

"Bakit po daw sya pumapatay?" Nakakatakot naman mg lumabas ng bahay baka kasi pag nagpahangin kalang sa labas eh tumutulo na pala ang dugo mo sa tagiliran.

"Hindi naman sinabi eh pero siguro adik yun." Sagot ni kuya at huminto na sa paglalaro.

Hindi nagtagal ang usapan namin ni kuya Gian dahil dumating na si Ash bitbit ang resibo ng binili nya. Ang taas naman ng resibo?

"Ano ang pinamili mo? Ba't ang taas ng resibo?" Tanong ko sa kanya. Hala siguro susulitin nya ang unli rice dito.

"Bumili ako ng tatlong halo-halo, anim na chicken, juice at marami pang iba. Marami kasi silang display doon oh! Kaya namili narin ako." Sagot nya at umupo na sa tabi ni kuya Gian.

Hindi nagtagal ay dumating na ang binili nyang mga snacks and bread na mukhang masasarap.

"Eto sayo bes. Eto naman kila tita at eto naman sayo kuya Gian." Bigay nya isa-isa sa amin.

Napansin kong walang natira sa kanya kaya tinanong ko sya.

"Sayo bes? Bakit wala?" Binigyan nya kami ng maraming ganto tapos sya wala?

"Ayos lang yun bes. Bumili din ako ng kagaya ng sayo pero nandun pa sasabay siguro nila sa inorder kong pagkain natin." Sagot nya.

Tumango nalang ako at inilagay ang mga binigay nya sa tote bag ko. Shet. Hindi magkasya dito lahat.

"Bes. Eto oh." Bigay nyang paper bag sa akin. "Ipasok mo lahat nang yan dyan." Sabi nya at bumalik sa pag cecellphone.

Bumalik sila sa pag ce-cellphone kaya ako natunganga lang kasi wala pa akong load para pang facebook.

"Bes?" Tawag sa akin ni Ash.

"Hmm?" Sagot ko habang kumukuha nalang ng notebook.

"May data ka?" Tanong nya.

Tumigin ako sa kanya at nakitang nakatingin parin ito sa cellphone nya.

"Wala bes eh. Wala pang budget para pang data ng facebook eh." Sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Eto oh. Connect ka sa akin." Binigay nya ang cellphone sa akin at nakalagay na dun ang pangalan at password nya.

Tahimik parin na naglalaro si kuya Gian. May load siguro sya.

"Sige wait lang bes. Hahanapin ko lang cellphone ko." Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng tote bag ko at inukay-ukay yun hanggang sa maramdaman kona ang cellphone ko.

Hindi naman nasira ang mga gamit ko sa loob kaya ayos lang. Inilagay ko ang tote bag ko sa katabing upuan ko. Doon ko din nilagay ang paper bag na may lamang pagkain.

"Salamat bes." Sabi ko nang tuluyan nang maka connect sa kanyang hotspot.

Nag scroll-scroll lang ako sa facebook hanggang sa dumating na ang mga pagkain.

Teardrops From HeavenWhere stories live. Discover now