Chapter 6

10 0 0
                                    

Ang hirap talagang makasakay dito sa city papunta sa amin. Kakatapos ko lang bumili ng Jollibee at ngayon nasa labas na ako at beh! Timing na timing talaga ang ulan. Hindi ko naman to napansin kanina eh parang napaka ayos kanina ng langit at mataas ang sikat ng araw.

"Minamalas ka nga naman napakalakas pa talaga." Bulong ko sa sarili ko habang nasa tapat ng pinto ng Jollibee.

Nakakainis naman baka eto pa ang dahilan para hindi ako maka uwi ng maaga.

"Ma'am mababasa ka po dyan pumasok po muna kayo dito ma'am." Sabi ni manong guard sa akin nung nakita nya akong nasa labas mag-isa.

Hindi na ako nag dalawang isip na pumasok sa loob ng Jollibee.

Jusq nung pumasok ako sa loob mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Gusto ko nang umuwi!

I checked the time and it's already 2:48 in the afternoon.

Sana naman tumila na agad para makauwi na ako.

Kumusta kaya sila mama don? Siguro malakas din ang ulan doon kasi nasa taas ang subdivision eh.

Hindi ko talaga maiwasang isipin sila mama kasi sa tuwing umuulan kasi marami talagang tulo doon sa bahay kaya minsan kung malakas talaga ang ulan kagaya neto ay nababasa talaga ang mga gamit namin sa loob lalong lalo na yung mga plato namin kasi mas maraming butas don eh.

Habang naghihintay ako tumila ang ulan napansin kong may pumasok na lalaki sa kabilang pinto. May dalawa kasing pintuan ang Jollibee dito ang isa dito sa may harap at yung isa sa may bandang gilid.

I looked at him as he walk towards to the counter para mag order. Sya yung nakita ko sa kompanya kanina. Hindi ko sya makita ng maayos kasi medjo malayo ang counter at kung saan ako naka upo ngayon.

Medjo nabasa ako kanina sa ulan kaya nakakaramdam ako ng lamig pero kaya pa naman.

Hindi ko na pinansin yung lalaki kanina at tumingin nalang sa labas. Anong oras kapa ba balak huminto?

Grabe parang hindi na kaya ng katawan ko ang ginaw mga beh. Jusq gusto ko nang umuwi at uminom ng mainit na kape.

Maya-maya naramdaman kong uminit ang katawan ko. Tumingala ako kung sino ang nag bigay ng Jacket.

Shet nagkita muli kami. He still wearing the same outfit nung huli ko syang nakita.

Jusq ang bango naman ng jacket nato ilang perfume ba ang inis-spray dito?

"You're freezing." He said with his serious look.

Jusq beh natutunaw ako sa boses nya.

"Ah-eh.. hehe u-upo kaba dito?" Sabi ko isinawalang bahala ang kanyang sinabi. Parang pumasok sa kabilang tenga tapos labas sa kabila.

He still with his serious look. Mas sumarap sya beh sa kanyang mukha ngayon. Lalo na't nag suot sya ng glasses ngayon.

"No. I'm still not done ordering my food. Nakita kitang nanginginig kaya pinuntahan kita. Para kana kasing mahihimatay sa nginig mo eh." Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa akin.

Nakatayo kasi sya sa likod ko at ako naman ay nakaupo. Nakatalikod pa talaga ako sa kaniya kaya hinarap ko syang kinausap.

Tumayo ako bago mag salita.

"Ah sige-sige tapusin mo na ang order mo. Ayos na ako. Salamat." I smile at him.

Napansin kong lumambot ang expression ng mukha nya.

He didn't respond at tumalikod na. Ako naman ay bumalik na sa pagka upo. Humarap na ako sa may glass door ng Jollibee hinihintay ay pag tili ng ulan.

"Uhm.. excuse me." Narinig kong boses ng lalaki at alam ko na agad kung sino ang may-ari ng boses nayun.

Teardrops From HeavenWhere stories live. Discover now