"Ma, nakauwi na ako!" Sigaw ko sa bahay.
I check the time and it's 4:58pm na.
Nilibot ko ang 1st floor pero hindi kona mahagilap si mama. Baka pumunta na naman yun sa kung saan-saan tapos hindi ako sinama.
Pero saan nga ba talaga sya? I also check if nakalaba ba talaga and yes nakalaba sya pero saan sya pumunta?
Umakyat ako sa 2nd floor at nakitang hindi naman nakabukas ang pintuan ng kabilang kwarto so imposibleng nandyan sya. Nasanay kasi ako na kung may tao sa loob ng kwartong iyan ay nakabukas talaga ang pintuan hindi sinisira.
But when I open the door of my bedroom bumungad sa akin ang tulog kong inay.
Ahay! Nandito lang pala kala ko kung nasaan na. Pero bakit dito sya natulog sa kwarto ko? Eh mas malapit lang naman yung kwarto nila ni Papa nasa 1st floor lang yun.
Hindi kona sya ginising at baka pagod sa paglalaba. Nag study nalang ako para kung papasok na ako sa lunes ay may alam na ako sa bagong i lelecture ni ma'am.
I spent the remaining hours to study at hindi ko namalayan ang oras.
Shucks. Its already 6:30pm.
Uuwi na si Papa. Sana may dala syang pagkain kasi hindi ako nakaluto dito kasi ginanahan akong mag study eh.
Maya-maya ay nakarinig na ako ng pag bukas ng pintuan. Si Papa na siguro yun.
"Nak!" Tawag sa akin ni itay. Diba sabi ko sa inyo eh uuwi na si tatay.
"Po! Nandito ako sa kwarto pa!" Sigaw ko sa kaniya na hindi naman ganon kalakas compared kay mama.
"Nasan nanay mo?" Sagot nya naman.
My father always finding my mama whenever he's here. That's why I adore my father for his genuine love towards my mother.
"Nandito sa kwarto ko pa natutulog napagod siguro sa paglalaba!" Sagot ko sa kaniya.
Tiniklop ko ang libro at notebook ko at inilagay yun sa loob ng bag ko at pagkatapos ginising ko si mama para maghapunan na.
"Oh asan nanay mo?" Tanong ni papa sa akin nung nakita nya akong pababa ng kahoy naming hagdan.
"Pababa napo Pa. Ay ako na dyan pa magpahinga ka muna saglit sa upuan ako na maghahanda ng hapunan." Presenta ko kay itay. Pagod na yan sa trabaho eh pero hindi nya lang pinahahalata kasi palaging naka ngisi.
"Oh sige-sige at tatawagin ko ulit nanay mo sa taas." Sagot nya naman sa akin. Napakalambing talaga ng boses ni itay parang hindi marunong magalit.
Well hindi naman talaga, sila ni mama hindi marunong magalit pag nagkasala ako o kung may nagawa akong hindi maganda pagsasabihan lang nila ako at pagkatapos ayos na kami. Ganon dito sa bahay.
Pero sa ganong pag didisiplina sa akin ng dalawa ay nakakatu-to din naman ako at dahil din dun namulat ako sa katotohanan na hindi sa palagi ay kailangan nakatuon ang pansin nila Mama at Papa sa akin kasi darating ang panahon na hindi na sila makakasubaybay sa akin at ako nalang ang mag dedesisyon para sa sarili ko.
Kaya palaging sinasabi sa akin ni itay na kailangan ko talagang matutong mag desisyon ng ako lang kasi matured nadaw ako ganito ganyan, parang namamaalam na nga sila eh kung makapag sabi.
At tsaka palagi din sinasabi sa akin ni itay na tumayo sa sarili kong paa para daw masanay ako kasi nga daw hindi sa pang habang buhay ay kasama at masasandalan ko sila kaya kung mabigo man at matumba ay kailangan ko talagang bumangon muli ng ako lang.
Habang nag hahanda ako ng mga platong gagamitin namin napansin kona ang pag baba nila sa hagdan ang lambing talaga nila sa isa't isa.
Out of nowhere may narinig akong putok ng fireworks sa labas. Dali-dali akong lumabas ng bahay para tignan ang magagandang fireworks na iyon. Malayo man yun sa akin pero kitang-kita ko naman ang kagandahang labas neto.
YOU ARE READING
Teardrops From Heaven
RomanceZyka the poor woman who turn her pain as an ingredient to her strength. This story has a lot of tragic, realizations, and lessons.