Yve pov.
"8 months?!?!" nagulat ako sa sigaw ni Yanna na nasa harapan ko ngayon. "Calm down woman" I said, tumatawa naman si Lucas sa tabi. They look cute together, napangiti ako ng lihim.
Nakakainis nga e, sobrang torpe kasi ni Lucas kung p'wede lang ako mangialam ako na mag sasabi rito sa bobitang ito napaka manhid din naman niya.
"What's your plan, Lucas?" I asked. "Ewan ko, sana hindi ako maboring don" si Yanna ayon tahimik lang sa gilid alam kong may something na hindi siya sinasabi sa akin at kay Lucas.
"Ikaw Yanna, what's your plan with Kedric?" nasamid bigla si Yanna at sinamaan ako ng tingin. Napaseryoso lang din ang mukha ni Lucas, ako naman itong hindi mapigilan ang tawa ko.
"Wala we're friends" I automatically raised my eyebrow. "Since when?" Lucas asked. "Nag kausap na kami, ok lang. Hindi ko pa rin naman siya pinapatawad but we're ok like I said, we're friends" nanahimik na lang si Lucas at umiwas ng tingin.
Halata namang nag seselos at napipikon na siya, I can't help it but to feel worried about him at ang malungkot.
"Una na ako paalam ni Lucas" we just wave at him and I turned to Yanna. "Something's wrong" I said, Yanna just look at me.
"Bitch don't give me that look" I said.
"You're overthinking over nonsense, Vivi"
"What's your deal with Kedric, be honest"
"Ok fine, actually we're kinda ok na nag kausap kami over the past issue he apologize and I don't really know Vivi, alam mo naman siya ang greatest love ko"
"Yes he's your greatest love and pain, remember that" umiwas siya ng tingin, hindi ko na lang siya tanong pa at baka mag away pa kami. Ayokong mag karoon ng samaan ng loob lalo na't paalis si Lucas.
Nag paalam na ako kay Yanna para daanan si Aki. Nang makita ako ni Aki ay sinalubong niya ako ng ngiti. "What happened?" he said. Aba wala pa nga akong sinasabi mukhang na sense niya na may mali na.
"About Yanna and his ex" nalulungkot na sabi ko, sa totoo lang wala naman akong problema kung maging sila uli e but the problem is I want Yanna to learn from her mistake at sana lang kung ano man ang ginagawa niyang desisyon ngayon ay maging tama.
"Are you worried that they might comeback" I nodded, he held my hand. Yes Aki and I have something special kaya nga siya close sa dalawang iyon. "You don't have to worry babe, you know Yanna well. You practically raised her" I just gave him a small smile. Tama nga naman, Yanna and I been together for decades.
Nag usap lang kami ni Aki about some silly things and how our day went well. Lumubong na ang araw kaya naman hinatid niya na ako pabalik sa bahay ko, we're not living together pa, planning pa lang.
"I love you!" he shouted, bumulong ako ng I love you more and gave him a flying kiss before closing the door. Napaupo ako sa tabi sa ilalim ng pintuan.
Sa pagod kakaisip 'to sa dalawang yon, hindi ko rin kasi ma gets si Yanna e sobrang pinakang manhid na tao ang sarap sarap pukpukin sa ulo.
Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko, nakita ko naman nag missed call si Lucas. Agad ko siyang tinawagan alam ko naman na malungkot siya ngayon.
"Ano sa tingin mo, magiging sila ba?" tanong niya. "Huwag ka mag tanong ng isang bagay na alam mo ang sagot, Lucas" mariing sabi ko. Totoo naman e at tsaka baka kapag sinagot ko yang tanong niya e humagulgol siya riyan.
"Tss, ok lang mag momove on na ako" napasimangot ako ayoko sanang sumangayon pero sa palagay ko ay oras na rin para gawin iyon ni Lucas. Mahabang panahon ang pinagsamahan naming tatlo, at mukhang hanggang mag kaibigan na nga lamang sila.
Hindi ko p'wedeng sisihin si Yanna kasi hindi niya rin naman kasalanang mahal siya ni Lucas at hindi ko rin p'wedeng sisihin si Lucas dahil nag mahal lang naman siya. Ang sakit 'no? hindi ko ranas sorry nasa healthy relationship to boi.
Pareho ko silang mahal, walang labis at walang kulang. Kung ano man ang tahakin nilang landas ay doon na rin ako.
Napahinga ako ng malalim, sana makahanap si Lucas ng babaeng mamahalin siya gaya ng pagmamahal na ibinibigay niya kay Yanna. At sana matuto na rin si Yanna sa mga desisyon gagawin niya.
Kasi kahit ano pa man ang mangyari, alam kong kaming tatlo pa rin ang mag tutulungan pag lubong ng araw, kami pa rin ang magkakasama.
Ibinababa ko na ang tawag kay Lucas at pinatay ang phone ko. Ibang lovelife ang pinagkakaistresan ko jusko, sabagay wala naman akong problema kay Aki.
Plano na naming magpakasal hindi ko lang binabanggit sa dalawa siguro pagbalik ni Lucas ay tsaka ko na i-annouce para naman may maganda akong balita pagbalik niya.
Ilang araw na rin naman e aalis na siya, titiisin ko na naman kaartehan ni Yanna choss. Iniisip ko pa lang parang napapagod na ako, para kasi siyang buntis ang lakas mag crave sa mga bagay bagay.
Wala namang problema roon e ang problema nga lang ang kine-crave niya ay mga pagkain ng ibang bansa at kadalasan gabi pa, saan naman kami hahanap noon? kaya minsan bigla na lang kami napapa out of the country e.
Katulad last time, nag crave sa ramen si gaga sabi ko marami namang japanese resto rito around Manila amputa hindi nag paawat, nag book ng flight papuntang Japan at doon kumain tapos umuwi na rin kami.
Ang lakas ng tama sa utak e, minsan naman nagugulat na lang ako nasa ibang bansa na siya, ang ginagawa? wala lumalakad lang daw siya. Ako na ang maawa sa future husband nito kapag nabuntis. Talagang mahihirapan siya sa kaartehan ng babaeng ito.
But I get why is she being like that, lumaki siyang kami lang ang kasama, kaya ngayon ayan hine-heal niya ang inner child niya. Nag jollibe nga yan sa Singapore e. Pero kahit ganiyan siya she never forget her family kahit tinakwil pa siya nito, taon taon niya rin silang binibisita ng palihim.
Binibigyan ng pera, pagkain at ano pa man. That's why I love her, because she's Yanna.
YOU ARE READING
WHEN TOMORROW BECOMES TODAY
Short StoryWhat if yung mga what if's natin bigla na lang mangyari? what if yumaman ako? what if mag karoon tayo ng maayos na presidente? what if hindi ko nilunok yung bubble gum? what if, ako pa rin? see, napakaraming what if na meron tayo. But what if‚ hindi...