Disasais

9 0 0
                                    

“Kapagod ang putanginang kasong ‘to

Napabuntong hininga na lang ako‚ ilang araw na naman akong puyat sa kakatrabaho. Naisip ko nga na mag quit kaso masyado akong mahal ng mga tao. Ang tawag nila sa akin Doc Prosecutor. Paano ako raw ang nagpapagamot sa mga kaso nila.

Nakakapagod maging strong independent woman sana pala tinago ko na lang ‘to. Masyado na akong maraming iniisip dahil kakatapos lang din ng libing ni Rys noong isang araw.

Rinig ko ang bulungan sa paligid ko, araw na ng libing ni Rys ayoko namang mag tagal dito kaya naman dumaan lang ako saglit. Nilapitan ko si Vivi para mag paalam naman, agad naman siyang pumayag dahil kasama niya rin naman si Aki.

Lumapit na rin ako kay Kedric upang mag paalam. He gave me a kiss on my cheeks at umalis na sa lugar na yon, ipinagdasal ko na lang si Rys hindi ko bet ang mga tao na nandodoon.

“Yanna?” nabigla ako sa boses na tumawag sa akin. “Tita” sagot ko, it was Kedric’s mother. “Paalis ka na” tumango naman ako, hindi na siya nag salita pa jusko po sobrang awkward. Ngumiti naman siya sa akin at umalis na ako.

I wonder if she knows na nag uusap na uli kami ng anak niya.

Napasandal ako, naramdaman ko naman ang vibrate ng cellphone ko, tinignan ko ito at chat ni Kedric ang bumungad sa akin.

“I miss you”

“I miss you more, hope to see u soon”

Ang last kita pa namin ay noong libing ni Rys, tanging text, tawag o chat lang ang communication namin dahil parehong busy sa work. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba kami, hindi ko masabing nililigawan niya ako dahil wala naman kaming proper usap about relationships.

Natatakot naman akong i-open yon sa kanya dahil baka isipin niya bali wala lang ang effort niya. Nalilito na talaga ako, ano ba ang tawag sa di mo nga shota pero kayakap mo naman sa gabi? joke, ulol.

Hindi nga kami nag sasama ng matagal sa iisang kwarto lang e, kahit malalaki na kami at nasa wastong edad na para mag asawa ay nagkakahiyaan pa kami.

Pero napapaisip din ako, hindi ko na siya nakikita katulad ng Kedric na minahal ko rati. Ang iniisip ko na lang siguro ang Yannang nagmahal sa kaniya noon at patuloy na nasasaktan pa ngayon.

Ngunit alam ko sa sarili kong gusto ko pa siya, nandoon pa rin naman. O nararamdaman ko lang kasi ayon ang iniisip ko? naguguluhan na ako.

Biglang pumasok sa isip ko si Lucas kamusta na kaya siya, nag open ako ng Instagram. I used my second acc kasi ayokong makita ni Lucas na pinapanood ko mga story niya. Hindi ko alam, bigla akong nanlambot.

Nakita ko sa md niya si Selene at mukhang nag eenjoy sila roong dalawa. Mukha nga silang nag date e. Ibinababa ko na lang ang phone ko at nag umpisa na uli mag trabaho

Hindi ko alam pero pag ttype ko sa laptop na hawak ko ay naroon yung inis, napapairap pa nga ako e. Ano ba nangyayari sa akin? epekto 'to ng stress e jusko.

Umaga na ako natapos sa ginagawa ko, hindi ko alam kung magkakape ba ako o matutulog na, lumabas na lang ako ng bahay at dumeretso sa may music room ko. Pinagawa ko ang music room ko dahil kay Lucas.

Paborito niya kasing tumugtog kaya naman tuwing nandito siya at pagod ako ng sobra at tinutugtugan niya ako.

Kinuha ko ang gitara, at sinimulang kumanta.

Minsan oo minsan hindi
Minsan tama minsan mali
Umaabante umaatras
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

Naalala ko ang kantang ito, hindi ko rin alam pero biglang may naramdaman akong kakaiba sa puso ko.

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko

Ramdam ko ang bawat liriko ng kanta, ang himig ng musika tila parang nag iiba. Tama ba ang nararamdaman ko?

Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa rin
May gulo ba sa'yong isipan
'Di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag ibig mo

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo

Hindi ko alam, pero biglang may pumatak na luha sa mata ko. Para akong nasaktan sa kinakanta ko.

Kailangan ba kitang iwasan
Sa t'wing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin 'pag tayo
Iba rin 'pag tayo lang

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo

Kung maging tayo
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko

Ibinaba ko ang gitara at pinunasan ang luha ko. Nalilito ako, bakit si Lucas ang tanging naiisip ko. Gusto kong umiyak ngunit parang naubos lahat ng mga luha ko, gusto kong lumakad ngunit parang napagod ang mga paa ko.

Ilang minuto pa akong nakatulala sa loob ng music room ko bago ko maaninag ang orasan sa taas, alas tres na ng umaga.

Balak ko sanang mag pahinga pero dumeretso muna ako sa garden area ko para lumaghap ng sariwang hangin at ayusin ang sarili ko bago matulog.

Gusto ko rin munang mag isip isip. Naiinis ako sa sarili ko sa hindi ko mawaring paraan. Nag seselos ba ako? nasanay kasi akong si Vivi lang ang tanging babaeng nakakasalamuha niya bukod sa akin.

Bakit ganoon, tama ba pa ‘to? umupo na lang ako sa tinanaw ang magandang tanawin sa paligid. Makikita sa baba ang mga bahay sa syudad, nasa matarik na lugar kasi naka pwesto ang bahay na pinag tayuan ko.

Ang ganda nilang pagmasdan, napangiti ako talagang naging malawak na ang impluwesnsiya ng teknolohiya sa mundo.

Puro mga building na ang natatanaw ko, kita ko nga rito ang company nila Vivi. Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kama ko.

Napansin ko naman ang picture frame sa tabi ko. Dalawa yon, picture naming tatlo, ako si Lucast at Vivi at sa tabi naman nito.

Ang unang litrato namin ni Lucas na magkasama.

WHEN TOMORROW BECOMES TODAYWhere stories live. Discover now