Disesyete

6 0 0
                                    

"My mom wants to see you"

Parang nabingi naman ako ng marinig yon, Ka call ko ngayon si Kedric dahil kakatapos lang ng kaso ko. And I won. Ang sabi niya ay susunduin niya raw ako para mag celebrate kami with his mom. Ewan ko ba kinakabahan naman ako.

"You okay, Yanna? if you feel uncomfortable-"

"No, it's fine"

Nagpaalam lang ako ng maayos at ibinaba na ang tawag, inayos ko muna ang sarili mo dahil susunduin niya na ako maya maya. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Grabe, ganda. Tanging nasabi ko. Ilang saglit pa at narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Kedric, agad naman akong bumaba, pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakabungad na ang ngiti niya sa akin.

Ngumiti rin naman ako pabalik, inalalayan niya na ako hanggang makarating sa sasakyan niya, pinagbuksan niya ako at siya rin ang mag asikaso sa seatbelt ko. Grabe naman ang gentleman asawa kita riyan e.

Tahimik lang kami sa byahe, kinakabahan na talaga ako sa totoo lang hindi ko alam paano haharapin si tita, hindi ko naman siya na meet noong bago kami mag hiwalay ni Kedric. Hindi ko alam kung nagalit ba siya sa akin dahil baka inisip niyang sinaktan ko ang anak niya.

Nangmakarating na kami ay si Kedric na rin ang nagbukas sa akin ng pinto. "Cute mo" nagulat naman ako sa compliment niyang iyon. Ngumiti lang ako, hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming pumasok.

"Oh pasok kayo" bungad sa'min ni tita grabe parang hindi man lang nadagdagan ng age si tita mukhang bata pa rin e. "Kumain na ba kayo?" tanong sa'min ni tita. "Hindi pa, ma" sagot ni Kedric sinenyasan niya kaming umupo na.

Nasa kusina si tita at isa isang nilabas ang mga pinggan kasabay na rin ng niluto niyang pagkain. Nag luto si tita ng paborito kong luto niya noong palagi akong nasa bahay nila Kedric.

Ang bango, naalala ko tuloy na tinuruan ako ni tita kung ano recepi niya sa Lechong Pakwis niya. Naalala ko rin noong unang punta ko rito ay iyon ang niluto niya at naging paborito ko na ito.

"Tita, ang sarap!" bati ko sa luto ni tita ang nanay ng boyfriend ko, Si Kedric. "Nako, sa mga susunod na punta mo rito p'wede kitang turuan mag luto niyang recepi ko"

Napangiti naman ako ng malawak habang sumusubo ng nilutong Lechong Paksiw ni tita. "Tsaka, mama na lang itawag mo sa akin. Magiging pangalawang anak na rin naman kita soon" pambobola niya.

Si Kedric naman sa tabi ko ay nakangiti lang habang pinagmamasadan kami. "Oh kain na" alok ko sa kaniya, tanging ngiti lang ang ginanti niya sa akin.

"Ang ganda ng dalawang babaeng sa buhay ko" natawa naman ako ng samaan siya ng tingin ni tita, grabe magkakasundo talaga kaming dalawa nito.

"Iha, kain na" napabalik ako sa katinuan ng alukin ako ni tita. "Salamat po" sobrang awkward ng ginagawa ko, hindi ako mapakali ay natabig ko ang tubig sa tabi ko. Nabasa tuloy dress na suot suot ko.

Inabutan ako ni Kedric ng malinis na towel para ilagay ko muna sa mga hita ko. Tahimik lang kaming kumakain at tila bawat isa sa amin ay natatakot magsalita.

"Kamusta ka na iha?" tanong ni tita. "Ayos lang naman po ako, kayo po ba kamusta na po kayo?" balik na tanong ko.

"Maayos naman, nako nga pala ako na humihingi ng pasensiya sa kasalanan ng tatay ni Kedric sa 'yo pasensiya ka na ha at sobrang tagal na e ngayon lang ako humingi ng pasensiya"

"Nako, wala po yon sa'kin hindi rin naman po kayo ang may kasalanan"

Nginitian ako ni tita, napagaan naman ang loob ko dahil doon. Nagulat nga ako e akala ko ay pagagalitan niya ako.

"Oh kamusta naman kayo uli ni Dridri ko?, kailan ang kasal" naibuga ni Kedric ang kinakain niya sa gulat dahil sa tanong ni tita kahit ako rin at napatigil sa pagkain ko. Grabe naman kasal agad, tita naman hindi pa nga kami e.

"Ma!" natatawa naman si tita na nag peace sign. "Pero kamusta nga kayo, nak" tanong muli nito. "Ayos naman po kami" tumingin siya sa akin. "Papakasalan ko siya ma, pero hindi pa ngayon"

Natahimik ako bigla, saglit ano raw? HAAAA. Ewan ko ba bigla akong kinabahan, hindi pa naman kasi ako ready na mag asawa at hindi rin naman pumasok sa isip ko na mag asawa e. Sa tagal ng panahon kong single ewan ko na lang.

Natapos na kaming kumain at nagpaalam kay tita, hindi kami p'wedeng mag tagal dahil pareho pa kaming may trabaho. Nakarating na kami sa bahay at binuksan ko na ang pinto, umupo saglit si Kedric sa sofa sa may waiting area ng bahay ko.

"Sorry nabigla ka ba kanina", "Sakto lang" tumayo siya at lumapit sa akin. "I wanna marry you, Yanna" hinawakan niya ang mukha ko dahilan para mag tama ang mata namin.

Pareho kaming nakatingin sa isa't isa habang ang kamay niya ay nasa mga pisnge ko. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya, ngumit dahan dahan akong umatras.

Napaayos siya ng pwesto dahil naiitindihan naman niya na ayaw ko pa sa mga ganoong bagay. "Una na ako, goodnight!" ngumiti siya sa akin, inihatid ko siya sa pintuan. Nag wave naman ako at tinignan siyang naglaho sa mga paningin ko.

Napabuntong hininga ako, hindi ko na naman maitindihan ang sarili ko. Wala na ba talaga? ano ba talaga nangyayari hindi ko maitindihan. Patuloy pa rin ba akong nasasaktan at natatakot para sa aming dalawa?

O tama bang sabihin kong wala na talaga akong nararamdaman sa kaniya. Matagal na panahon na siyang nawala sa buhay ko, masakit din ang mga ginawa niya sa akin kahit na hindi niya gustuhin yon ay alam niya sa sarili niyang mali iyon.

Bigla na lang akong umiyak, ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako na naguguluhan sa sarili ko at sa mga desisyon ko sa buhay.

Hindi ko alam kung kanino ako lalapit, wala pa naman si Lucas at alam kong hindi naman siya matutuwa kung ang problema ko na naman ay si Kedric.

Sana lang ay maging ok na uli kami at umuwi na siya rito, mag dadalawang buwan na rin simula noong umalis siya.

WHEN TOMORROW BECOMES TODAYWhere stories live. Discover now