Lucas Pov.
Isang linggo na matapos makauwi sila Yanna rito, hindi ko nga inaasahan na sasama siya dahil alam kong may gusot pa kaming hindi naayos, ang kaso nga lang talagang dinala niya pa ang asungot niya.
Pero hindi ako nag seselos alam ko namang wala na iyon kay Yanna, na-ikwento na sa akin ni Yve ang napag usapan nila ni Yanna. I wanted to be there for her, kaso baka lalong maguluhan siya.
Alam kong nalilito siya ngayon ng sobra, halata naman iyon noong pumunta siya rito. Hindi mapakali lagi at kita sa mukha niyang malalim ang iniisip niya. Ilang beses ko siyang gustong kausapin pero palagi niyang kasama si Kedric. Nakikita ko silang magkatabi malapit sa dagat.
Lunurin ko yan e, joke lang ano ba hindi nga kasi sabi ako nag seselos e tss.
Nandito kami ngayon ni Selene sa site, nakatunganga lang ako, tinatamad pa akong kausapin ang mga construction workers para sa update. Sobrang init kaya rito tapos dala ko lang mini fan na ninakaw ko pa kay Yve tapos pamaymay na binili sa akin ni Yanna.
Kahit ata si elsa susuko na palamigin ang lugar na ito e, sobrang init talaga. Humilata lang ako roon at hinihintay ko na lang mag hapon para makauwi na. Si Selene naman ay busy kausap yung mga ibang tao ron ewan ko bahala sila sa buhay nila.
Palubog na ang araw kaya naman isa isa ng nag alisan ang mga tao, syempre kasabay ako. Si Selene maya maya na raw, hindi naman kami masyadong nag uusap ni Selene kapag about sa work lang pero kapag personal ay madalang kahit na mag tatlong buwan na kaming mag kasama.
Never ko nalaman middle niyan e, personal details pa kaya. Close kami kapag nasa work pero kapag hindi na about work wala akong gana na kausapin siya. At ganoon din naman siya sa akin.
Kumain lang ako ng hapunan namin at umakyat na sa kwarto kung saan ako nag s-stay. Pagbukas ko ng laptop ko ay tadtad na ang chats sa akin ni Yve, pati missed call sa cellphone. Hindi ko kasi nadala ang cellphone ko kanina dahil deadbat ito.
Isa isa kong binasa ang mga message niya, napatayo ako sa gulat ng makita ang huli niyang message sa akin bago ang napaka raming missed call.
NASAAN KA NA BA LUCAS? NAAKSIDENTE SI YANNA PLEASE PICK UP YOUR GODDAMN PHONE
Nag mamadali akong kinuha ang phone ko at tumawag kay Yve, mabuti na lang ay nasagot niya agad iyon.
"ANONG NANGYARI!?" nag aalalang tanong ko
"S-si Yanna, nabangga siya. Lasing kasi siyang nag mamaneho" umiiyak na sabi nito.
"ANO? E ANO KAMUSTA SIYA, HA?" hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko ang tangi kong gustong gawin ay puntahan si Yanna.
"Makakauwi ka ba? kailangan ka namin dito"
Hindi na ako nag paalam kay Yve, hindi ko na rin tinignan ang schedule ko wala akong pakialam kung mapagalitan ako o matanggal sa trabaho, dali dali kong inayos ang gamit ko ang nag book ng flight pa Manila sakto namang merong eroplanong aalis within 1 hour.
Pinipigilan ako ng team ko sa pag alis ko pero wala akong pakialam sa kanilang lahat, basta gusto kong makauwi. Sa eroplano ay hindi na ako mapakali, ng makarating kami ng Manila ay dali dali na rin akong bumaba. Sakto namang pag dating ng airport ay nakahanda na ang kotse ko.
Pinaaliso ko ang driver noon dahil gusto kong mag madali, dali dali akong nag maneho papuntang hospital kung saan naroon si Yanna. Pag dating ko doon ay bumungad sa akin si Yve kasama si Aki at Kedric, umiiyak si Yve na lumapit sa akin.
"What happened?" galit na tanong ko, "Nag uusap kami ni Yanna, tapos nag iinom kami marami na siyang nainom at naging personal na ang pag uusap namin. Napikon siya at umalis bigla-"
Hindi pa siya nakakatapos ng pag sasalita agad ko siyang sinuntok sa mukha, gago pala 'to e.
"Tanginamo pala e!" pagmumura ko wala akong pakialam kahit pag tinginan kami ng mga tao rito. "Lucas stop it!" awat sa akin ni Aki, hindi gumalaw o nag salita si Kedric. Pinalayo na ako ni Yve dahil alam niyang naroon pa rin ang galit ko.
Humarap si Kedric kay Yve at nag paalam na, balitaan na lang daw siya nito kung ano ang magiging lagay ni Yanna.
"Ano ba kasing pinag usapan nila?!" galit na tanong ko. "We don't know Lucas, so please calm the fucking down dahil baka mamaya madamay pa kami sa ginagawa mong pag iiskandalo"
Inayos ko ang sarili ko, gusto kong umiyak hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda kay Yanna.
Naupo na lang ako sa waiting area at nasa tapat ko naman ang dalawa, tahimik lang kaming hinihintay ang resulta. Major injuries ang nangyari kay Yanna, head ang natamaan sa kaniya kaya agad na isinugod sa hospital.
Dali dali akong tumayo ng lumabas na ang doctor sa room ni Yanna. "The operation was successful, mag rurun pa kami ng ilang test para masigurado na ligtas ang pasyente, sa ngayon hintayin na lang natin siya magising"
Hinintay lang namin na payagan na kaming pumasok sa room ni Yanna, at ng p'wede na ay madaling madali ako. Hindi ko na napigilan at naiyak na ako, makita ko ba naman ang babaeng mahal ko na walang malay sa harap ko.
Pati si Yve ay rinig na rinig ko ang pag iyak, niyakap ko siya ng mahigpit. Yanna ano bang nangyari, please lang bumangon ka naman na riyan.
Yanna Pov.
"Can we talk?" i-tinext ko si Kedric dahil gusto ko siyang makausap at makapag ayos between us.
"Sure, meet me in the bar" ting, nandito na kami ngayong dalawa sa bar kung saan kasalukuyan siyang umiinom.
"I know what your going to say Yanna. You love him, again" hindi ako nag salita, tinungga ko ang basong nasa harap ko.
"I'm sorry" mahinang sabi ko.
"Those eyes never lies Yanna, kilala kita. Ganiyan ang itsura ng mata mo ng una kitang makilala, pero eventually nawala rin noong naging tayo. Kaya nga ngayon pinilit ko pa ring ilaban. Pero wala e, yang mga mata mong nakatingin sa kaniya ang nagsasabi sa aking tama na"
Naramdaman ko ang sakit ng sinabi niya, hindi naman siya nagkamali. Lucas was indeed my first love.
Hindi ako nag salita at patuloy lang na umiinom, hindi ko alam. Nasasaktan ako, hindi naman ako pinipigilan ng katabi ko at parang nag papadamihan pa kami ng pag inom.
"Alam kong kasalanan ko naman, kung hindi lang siguro ako umalis.." narinig ko siyang umiyak, hindi ko na rin napigilan. Masakit na rin.
"Pasensiya ka na Kedric"
"Naiisip ko nga Yanna, siguro hindi ka natigil na mahalin siya" napakunot ang noo ko, anong ibig niyang sabihin?
"Nakalimutan mo lang kung paano mo siya mahalin ng makilala mo ako pero hindi ibig sabihin ay natigil na" dang those words hit me hard.
I never realized that I am inlove with my bestfriend all along. Na siya pa rin ang pipiliin ko pag tapos ng araw.
Na kahit anong mangyari, maging ngayon man ang bukas. Isa lang ang sigurado ko. Ayon ay ang piliin siya.
Patuloy ang pag inom ko sa mga alak na dumadating sa harap ko, nahihilo na ako. Hanggang sa makatanggap ako ng text na kailangan ako sa office. Kedric offered me to drive home but I insisted.
Ang sabi ko ay kaya ko pa, kaya naman hindi na siya nakapalag pa. Pinanood niya lang ang pag alis ko ng paunti unti.
Habang nasa byahe ay patuloy akong umiiyak, kaya ko naman talaga na mag maneho ng lasing ang problema lang ang sumabay pa ang pag iyak ko.
Sobrang labo ng dinadaanan ko hindi ko na alam, hanggang sa bigla na lang naging itin ang buong paligid ko.
YOU ARE READING
WHEN TOMORROW BECOMES TODAY
Short StoryWhat if yung mga what if's natin bigla na lang mangyari? what if yumaman ako? what if mag karoon tayo ng maayos na presidente? what if hindi ko nilunok yung bubble gum? what if, ako pa rin? see, napakaraming what if na meron tayo. But what if‚ hindi...