"May two weeks vacation ako, p'wede nating bisitahin si Lucas"
Nandito ngayon si Viv sa loob ng office ko, tinignan ko naman ang schedule ko, since wala naman akong kaso ngayon ay p'wede ko silang i-dich ng isang linggo.
"Aayain ko ba si Aki?" tinaasan niya ako ng kilay feeling ko gets niya ng gusto ko sanang isama si Kedric. "Yanna, ok lang naman sa akin. Siguro naman ok na rin yon kay Lucas. Lunurin mo na lang kapag umangal" tumatawang sabi nito, e kung sila kayang dalawa ni Lucas ang lunurin ko.
Nagpaalam na si Viv dahil in two days na ang alis namin siya na raw ang mag sasabi kay Lucas na pupunatahan namin siya, mamimili na rin ako ng ilang gamit mamaya at mag aayos ng gagamitin.
Sakto namang sinundo ako ni Kedric dahil coding ang kotse ko ngayon, wala rin daw siyang masyadong gagawin. "May 1 week vacation kaming gagawin, do you wanna come with us?" tanong ko kay Kedric.
"Sure, if p'wede tsaka ok lang naman sa kanila" hinawakan ko ang kamay niya para naman makumbinsi ko siyang ayos lang naman yon. Nakarating na kami sa bahay, hindi na siya pumasok at may pupuntahan daw siya saglit sa office niya.
Hindi ko alam parang excited ako, siguro dahil makakatakas na ako sa stress na inabot ko ngayong ilang buwan o dahil makikita ko siya. Sa totoo lang hindi ako sanay na walang tawag o text na ma receive ko sa kaniya.
Hindi na kasi siya nag paramdam pa sa akin simula noong sa airport scene namin. Gusto ko na rin naman siyang makita dahil miss ko na siya.
Nakalipas na ang dalawang araw, sa aiport na raw kami mag kita kita ayokong mag kotse kaya nag taxi na lang ako, isang maliit na maleta lang naman ang dala ko at isang bagpack para sa mga personal things ko.
Naabutan ko naman na nasa isang gilid si Aki at Vivi, grabe napasapo ako sa noo ko ng makita ang mga maleta ni Viv. "Bakasyon ba o titira ka na ron?" inirapan niya lang ako at maya maya pa ay dumating na rin si Kedric, sakto naman paalis na rin ang airplane namin.
Inalalayaan ako ni Kedric sa dala kong maleta at sinenyasan na mauna na ako sa seat namin nasa harapan naman namin sila Vivi pag upo ko sa seat ko tahimik lang akong hinintay ang paglipad ng eroplano.
Naging mabilis lang naman ang byahe namin kaya isang oras lang ay nakarating na kami sa destination namin. Sinundo kami ng white van at nakarating sa resto kung saan nag sstay sila Lucas.
Bumungad sa'min ang ngiti ni Selene hindi ko siya pinansin at agad kong hinahanap si Lucas. "Nasa kabila pa siya, mamaya pa uwi ni Lucas" gusto kong umirap pero inayos ko na lang ang sarili ko.
Inalalayaan kami ng mga tao ron at nakarating na kami sa room kung saan kami mag sstay ng ilang araw, katapat yon ng kwarto ni Lucas, at sa gilid naman nila ay ang magiging room ni Aki at Kedric, share na lang daw sila since mag share lang din naman kami ni Vivi e.
Pag dating sa room at inayos ko lang ang mga gamit ko "Para namang gusto mong lamunin ng buhay si Selene niyan" pang aasar ni Vivi. "Naiirita lang ako sa kaniya tss" binigyan niya lang ako ng suspicious look at lumabas na.
Nag stay pa ako sa kwarto ko at balak umidlip sana ng marinig kong may maingay sa baba, mukhang nakarating na si Lucas. Inayos ko ang sarili ko at, bumaba na.
Sakto namang pag labas ko ng pinto ay naabutan ko si Kedric, sabay kaming bumaba at sinalubong si Lucas.
Nakangiti siyang niyakap ni Vivi, gusto ko rin sana kaso nahihiya ako kaya nagtitigan na lang kaming dalawa. Umiwas na ako ng tingin at lumabas saglit.
Maganda yung resort kumg saan kami magbabakasyon ng ilang araw, nasa beach kasi siya at sobrang presko ng hangin dito. Tsaka balita ko sa gabi ay may live band minsan dito, dahil resto rin naman siya sa tabihan.
Balak ko ngang kumanta mamaya roon e. Nang kinagabihan ang kumain lang kami, si Vivi lang naman ang maingay at ako ay tahimik lang na kumakain. Pagtapos namin ay sakto namang inaya na kami ni Selene sa kabila dahil nga may kantahan na.
Hindi ko kilala yung banda since hindi na ako pamilyar sa trend ngayon ng mga tao. Nagpaalam ako kay Kedric na mag lalakad lakad lang, sasama na raw siya sa akin since nabobored na rin ata na makinig dito.
"Ang ganda rito" sabi niya habang nag lalakad kami, dama ko naman ang hangin at sarap ng tunog ng dagat sa tabihan namin. Umupo kami malapit dito, pareho lang kaming tahimik habang bilog na bilog ang buwan.
"Yanna, hindi kita pipilitin. Hihintayin kita, alam kong naguguluhan ka ngayon dahil nasaktan kita. Huwag kang mag alala dahil naiitindihan kita" hindi ako nag salita parang napipi ako.
Alam ko namang mararamdaman niya rin ang mga kinikilos ko, pero nagulat lang ako. Mabuting tao naman si Kedric, at once ko na rin siyang minahal at ang pagmamahal na yon ay alam naging susi rin kung ano ang meron ako ngayon.
Siguro, wala na talaga akong nararamdaman. Hindi na kasi ako nag expect na babalik siya at mag kikita muli kami, hindi ko lang alam kung paano sasabihin yon sa kaniya ngayon. Hahanap na lang ako ng magandang timing.
Ang kwento naming dalawa ni Kedric at tuluyan kong ng tinuldukan pa, noong mga panahon nasaktan ako. Siguro ay hanggang doon na lang iyon. Ang pag balik niya ay tatanawin ko na lang na closure namin.
Ang kahapon ay naging kahapon na, ang ngayon ay magiging bukas pa. Ngumiti akong nakatitig sa buwan, masaya naman akong bumalik siya ngunit hindi para sa akin, ngunit para matahimik ang mga tanong na matagal ng bumabagabag sa akin.
Nakakahinga na ako ng maluwag ngunit hindi ibig sabihin noon at, muli ko siyang tinatanggap.
YOU ARE READING
WHEN TOMORROW BECOMES TODAY
Kısa HikayeWhat if yung mga what if's natin bigla na lang mangyari? what if yumaman ako? what if mag karoon tayo ng maayos na presidente? what if hindi ko nilunok yung bubble gum? what if, ako pa rin? see, napakaraming what if na meron tayo. But what if‚ hindi...