Katorse

4 0 0
                                    

Yanna pov.

"Are you sure about this?" Kedric look at me‚ nandito kami ngayon sa aiport. Ngayon na rin ang alis ni Lucas may tampuhan kaming dalawa dahil nga ito, kasama ko siya ngayon.

"I don't know" I exclaimed. Napaupo na lang ako sa mga upuan na naroon, maya maya pa naman ang dating niya. And yes I brought Kedric along, alam kong hindi siya matutuwa pero gusto kong makapag usap sila. Ilang buwang mawawala si Lucas sa tabi ko kaya siguro naman may karapatan siyang malaman na safe ako rito, hindi ba?

Biglang kumirot ang dibdib ko, parang ako ang nahihirapan. When I am about to speak mas nanlumo ako ng makita si Lucas at Selene na magkasama. He never mentioned na magkasama silang dalawa.

Narinig kong tinawag ako ni Selene kaya naman napatingin din si Lucas sa direksyon namin at hindi siya masaya. "Hey" bati ni Kedric, nakangiti lang si Selene at si Lucas nakatingin lang sa akin with the blank expression.

"Lucas!" napatingin naman kami sa sumigaw na yon, it was Vivi. Noong mapansin niya rin kami agad niya ako pinandilatan ng mata. "Our flight will leave now" Lucas said shortly.

"Can we talk?" Kedric asked. "We're talking" Lucas said. Napakagat naman ako sa labi ko, ano ba 'tong ginagawa ko. "Privately" mariin sabi niya, lumakad palayo at sinundan siya ni Lucas.

"Wtf bitch, why did you bring him here?" Galit na sabi ni Vivi. "I thought it was the best idea" mahinang sabi ko, pinapagalitan niya pa rin ako hanggang sa makabalik sila, that's was fast parang 5 minutes lang.

"Paalis na sila" sabi ni Kedric, hindi ko alam ang gagawin kaya nakatayo lang ako sa pwesto ko, si Vivi naman lumapit kay Lucas at nakipag beso. Hindi naman na ako nilingon pa ni Lucas at hinila niya na ang maleta paalis.

"Vaine" Lumingon naman si Vivi ng tawagin siyang ganoon ni Kedric. "What?" mataray nitong sagot. "Alam kong galit ka rin, that's why I just want to say. Yanna's safe with me, like she is to the both of you" hindi siya sumagot agad.

Nanahimik kami ng matagal na nakatayo sa gitna ng airport. "Please Kedric, you know what we feel about this. I hope you make this right this time" binigyan siya ng maliit na ngiti ni Kedric. Nagpaalam na kami ni Kedric sa kaniya.

Sa kotse ay tahimik lang kaming dalawa. "Kung gusto mo itanong ako pinag usapan namin, cut that out amin na lang iyon" napasimangot ako, nakakainis naman kung kailan naman na curious na ako ng sobra e.

"Okay" irap na sabi ko, tinawanan niya lang naman ako ng mahina at nag focus na sa daan. Sa totoo lang giving him a second chance was not easy.

"Yanna" Kedric said, kakatapos lang ng hearing namin sa kaso niya and we won. "What?" I replied. "Mag usap muna tayo, p'wede?"

"Para saan? tapos na ang kaso, wala na tayong dapat pag usapan" mariing sabi ko. "I'm sorry, last year ko lang narinig what happened sa hearing mo a years ago. Hindi ko talaga alam na ganoon" umiiyak na sabi niya. Tinignan ko lang siya.

"Aanhin ko yan?"

"Yanna, alam kong hindi valid reason ang mga ginawa ko sa 'yo, I should be the one who trusted you noong mga panahong kailangan mo ako, but I just can't it's too complicated"

"Anong gusto mong gawin ko, patawarin ka kasi ginawa mo lang yon dahil naguguluhan ka?"

"No, it's not that" hinila niya ang kamay ko "Sumama ka sa'kin may pupuntahan tayo"

"Bitawan mo nga ako" pagpupumiglas ko. Hindi niya ako pinansin sinakay niya lang ako sa kotse niya at bumaba kami sa hospital?

Pumasok kami sa isang kwarto at sobrang gulat ko, I nearly pass out sa nakita ko. Nakahiga ron si Rys, walang malay.

"8 years, 8 years na siyang comatose" napaluha ako. Ikinuwento sa akin ni Kedric ang nangyari ng gabing iyon.

FLASHBACK

"Sure ka ba?" tanong ng isang lalaki sa kausap niya. "Sure ako Rys, yang kaklase mo ang mistress ng asawa ko!" sigaw ng isang babae, hindi siya katandaan. "No Ma. She would never do that, kilala ko si Yanna" mariing sabi nito.

Isinampal sa kaniya ng babae ang mga litrato na hawak niya, nanghihina naman itong pinulot ni Rys. Sa sobrang gulo ng utak niya tinawagan niya ang half brother niya.

Meron siyang kapatid sa totoong ama, ang totoong ama nito ay principal ng isang school, principal dean naman ang ina niya at isang professor ang kinakasama niya ngayon.

Hindi alam ng marami na may half brother siya. Pinuntahan niya ito. "Kuya Kedric" sabi nito habang umiiyak, ikinuwento ni Rys ang nangyari. Alam niyang siya ang boyfriend ni Yanna, what a small world hindi ba?

"Hindi yan kayang gawin ng girlfriend ko Rys, alam mo yan" seryosong sabi nito. Alam ni Kedric na hindi yon kayang gawin sa kaniya ng kasintahan dahil alam niyang labis ang pagmamahal nito sa kaniya.

"My mom will file a case against her" sabi ni Rys na umiiyak. "Then do it, kakampi ako sa girlfriend ko"

"Kedric, Rys" tawag ng isang lalaki, "Dad" pareho nilang sabi. "Nakiusap sa akin ang ang mommy mo" turo nito kay Rys. "Sa ayaw at sa gusto niyo wala kayong gagawing hakbang dito, lalo ka na" turo niya kay Kedric.

"Hindi p'wedeng malaman ng media na may anak ako sa labas, at kukwestyunin ng board ang relationship natin. Matatanggal ka sa school. Kaya you better choose Kedric. Your career or that stupid bimbo"

"She's not a bimbo!" sigaw nito, umiiyak naman si Rys sa tabi. Umalis ang lalaki sa harap nila, nanghihina naman napaluhod si Kedric.

Umiiyak din siyang niyakap si Rys, at nang gabing iyon para silang mga tuta sa hawak sa leeg ng mga amo nila. He was too young para ipagtanggol pa si Yanna. Ngunit alam niya sa sarili niyang hindi iyon kayang gawin ng dalaga.

END OF FLASHBACK

"Noong gabi ng birthday niya, hindi niya kinaya ang guilt kaya sinadya niyang ibangga ang sasakyan niya sa bangin, ngunit hindi naman tumigil si tita her mom, until now"

"But still is not a valid reason Yanna alam kong mali pa rin ang ginawa ko, that's I came back here, handa akong humingi ng tawad sa 'yo kahit ganoo pa katagal yan. Hayaan mo lang akong bumawi sa 'yo"

Hindi ako sumagot umiiyak pa rin ako, ngunit kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Alam kong nahirapan din siya ng mga panahon iyon.

"Where do you wanna eat?" Kedric ask, napabalik ako sa katinuan. "Wherever" sagot ko, hinawakan niya ang kamay ko I was caught off guard, na sense niyang malalim ang iniisip ko.

"You don't have to worry Yanna, nandito na ako ulit"

WHEN TOMORROW BECOMES TODAYWhere stories live. Discover now